Kape at Kamoteng Kahoy Akala ko hindi na uulan ??kahapon pa kasi makulimlim ,pero ngayon paggising ko totoo na dumating na talaga siya. Alam ko na kung bakit masarap ang tulog malamig pala ang panahon .Umulan na! Hindi ko namalayan umulan siguro madaling araw na kasi anong oras na ako nakatulog Hindi pa umulan. Late ang gising ko alam niyo na ang dahilan.... Kaya anong oras na pa 8am na pala to... Nakaramdam ako ng gutom,nagtimpla ako ng kape at may kamoteng kahoy sa refrigerator na bigay rin yan ng isang kapitbahay namin. Hindi ko kinain kahapon dahil busy ako sa hardin ko akala ko uulan . Linagay ko sa plastic container at pinasok ko sa ref.kaya ito malamig siya. Tinatamad ako kumilos gusto ko magkape lang at umupo sa balkonahe habang tinitingnan Ang patk ng ulam sa mga halaman. Dahil tamad kumilos tiis muna ako sa malamig na kamoteng kahoy ,total mainit naman ang kape ko. May oras talaga tinatamad ka kumilos dahil alam mo walang klase at opisina ang asawa mo,tapos malamig pa ang panahon at umuulan sa labas Tara na kape na tayo..... Happy Sunday 😊❤️😊 📸Emee
2 comments
Nakakatamad talaga kumilos sis kapag naulan masarap Lang kumain at matulog o Kaya manood Ng movie :) dito sa amin makulimlim ngayon sana umulan para lumamig ang panahon. Namiss ko rin Yang kamoteng kahoy tapos partner niya kape.
Sarap ng breakfast mo kanoise! Enjoy eating!