Nagyaya ang asawa ko pumunta sa bayan para magtanong tanong sa presyo ng baterya ng sasakyan namin dahil ilang beses na sa umaga pàg pinaandar hindi na gagana. Ilang taong na kasi ginagamit naghahanap na ng kapalit,hindi naman pwede hayaan lang anong oras tinatawagan siya sa opisina para magtravel kaya kailangan laging nakahanda . Mahal pala ang presyo ng battery ng sasakyan kompara noon ang laki pagtaas niya.mabigat na sa bulsa.ganyan talaga mahal ang maintenance pàg masira na Sa sobrang init ,napaisip ako huminto muna dito sa isang restaurant na mayroon manggo shake. Gustong gusto ko uminom ng malamig pero ito ang natripan ko ang mango shake. Habang naghihintay ako ng order ko share ko muna kung saan ako ngayon. Ingaat po tayo sa mainit na panahon. Uminom lagi ng maraming tubig para iwas sa sakit at hindi tayo agad ma dehydrate.
No comments yet