read.cash Log in
@Emeline more from that month

Sugar attack +chest pain Buti nalang hindi ka sa petsa uno ng buwan ng hunyo baka buong buwan naman tayo pabalikbalik sa doctor ,mga kasabihan ng mga matatanda. Umaatake na naman ang pagkasweet ni sweetheart ko ...umaapaw na naman ang dami ng sugar niya hayan tuloy sa laboratory ang bagsak namin ngayon kahit maulan kanina go lng kami para makapatingin kami sa doctor.Ilang araw na rin sumakit ang dibdib niya akala mo na hiblood siya sa akin kunting exercise hiningal na yon pala may chestpain.sa ngayon normal ang result niya. Kaso sa 15 years na umiinom ng gamot para sa sugar at hiblood niya kailangan na ng doctor masuri ang puso niya para malaman kung ano talaga ang dahilan ng sakit at hingal niya. Next month pagbalik namin doon kailangan maperform na niya lahat . Binigyan kami ng Doctor niya ng diagnostic request slip pati na rin 2D echo niya. Sa ngayon apat na klaseng gamot dinagdag ni doctor kompara sa gamot niya tatlo lang noon sa sumatotal pito na lahat..naku!!!purong gamot at resita nalang ang laman ng pitaka ko .nasaan na ang Pera?palangga ko.. Sayang sana ang pera pero wala tayo magagawa ganyan ang buhay habang tumatanda tayo nagkakasakit.Namana niya siguro ang sakit ng parents niya kaya noon palang may mga maintenance na siya.hindi ko naman pwedeng pabayaan ang iniindang sakit niya..kaya sanay na ako walang pera dahil lang sa mga gamot. Ipagbahala ko nalang sa panginoon siya na ang bahala sa amin mag asawa mag provide kung ano nasa puso namin na pangangailangan kasabay din sa mga paraan na ginagawa namin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.