Parang uulan pero hindi naman tutuloy to ganyang lagi ang panahon dito sa amin , umaambon lang pero ang ulap maitim. Kaya maaga ako ngayon nagluto ng hapunan namin. Sinabawan isda ang ulam namin . Lahat na trabaho ko ngayon natapos na sa wakas. Gusto ng asawa ko uminom kahit isang bote lang ng redhorse kaso lang iniisip niya na may gamot siya iniinom ..Iwan ko mamaya kung iinum siya..nagdalawang isip Ako naman biglang naalala ko yon pagpunta namin sa beach noon isang araw bago kami dito umuwi sa Aklan . Tamang chill lang sa tabing dagat tapos masarap at inihaw na isda na sariwa pa. Sabi ng asawa ko maganda balikan kaso ang layo galing pa kami ng Aklan tapos biahe kami papuntang Oton,Iloilo. Linggo bukas sarap ulit mag family bonding kaso lang lagi naman kami dito ,maganda kung nagkakaiba naman. Sana mag iba ang takbo ng isip at panahon at makaalis ulit Pero sa ngayon hanggang scroll muna ako sa gallery ko .itong larawan kuha ko to doon kami sa dagat noon Wednesday. Kung saan relax ang araw ko na yon at tamang chill lang.sana maulit muli.
No comments yet