read.cash Log in
@Emeline more from that month

FEEDING TIME Ito agad ang ginawa ko sa bahay ni nanay ang magpakain ng mga manok. Pàg open mo ng pintuan sila agad makikita mo ,nasanay pala sila sa ganitong oras pinapakain na sila ni nanay . Pero maganda sa pakiramdam na sila agad naging bungad sa paggising mo. Sa ngayon ako muna nagpapakain sa kanila,miss ko ang ganitong buhay dito sa amin noon maliit pa kami tuwing umaga tinuturuan kami ng tatay at Nanay namin magpakain ng manok at baboy noon. Napansin ko isa sa kanila ang isang mata niya bulag tapos ang lambing niya kusang lumalapit sa harapan ko tapos binuhat ko at doon ko nakita bulag siya.kawawa naman siya hindi nakipag agawan yon pala bulag ang isang mata niya. Pàg sa probensiya o bukid ka nakatira maraming hayop ka pwedeng maalagaan .katulad nito mga manok ,dahil may sapat silang lugar .hindi nakakulong sa puno lang dumadapo tuwing hapon. May alaga kana,may pan ulam kapa ,kung minsan maperahan mo din. Sana mamaya isa sa kanila mapalad na malagyan ko ng papaya at sili 🤣🤣🤣 Kape na kayo kaingay,nalibang ako dito ilang minuto pasok na ako para magkape na rin. #manok ni nanay #buhay probensiya 📸Emee

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.