Malakas ang ulam dito sa amin kaya nakatikim naman ng tubig ulan ang mga halaman ko. Bago mag kape ako kanina pinalabas ko muna ang halaman ko sa paso nasa balkonahe para maulanan din sila. Ng lumakas na ang ulan nagkape na rin ako ,habang humihigop ng mainit ng kape sabay din tingin sa patak ng ulan tumatama sa dahon ng mga halaman at bulaklak ko. Masigla at matataba naman sila nito kung palagi ganito umuulan. Salamat bumagsak din siya sa lupa at sa mga pananim ilang araw na parang uulan pero hindi naman natuloy ,parang dinadala lang ng hangin palayo. Ito ngayon basang basa na sila sa ulan.. #raindrops 📸Emeline
No comments yet