Shout out sa aking magigiting na mga sponsor, pagpalain nawa kayo ng panginoon at magkajowa na kayo, charrr salamat sa pagsuporta sakin boto niyo ko as president sa darating na halalan. Sali kayo sa Read.cash Party list.😆😆
David's POV:
I've woke up from a strange dream, di ko alam kung bakit pawis na pawis ako at hanggang ngayon ay nanginginig padin ang katawan ko. Pilit kong inaalala ang panaginip na iyon pero bakit konting detalye lang ang naalala ko, napapaligiran ako ng magagandang tanawin, natatanaw ko ang napakalawak na karagatan at may katabi ako? sino naman iyon? Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng biglang may kumatok sa kuwarto ko.
"Sir David, tawag na po kayo ni Ma'am, breakfast is ready na daw po" sabi ni Yaya
Hindi ko na lang inintindi ang panaginip na iyon, ineligible ko ang higaan sabay bumaba sa dining room. Nakita ko si Mama na nagkakape, nakangiti saken, Ewan ko ba weird lagi si Mama kahit malaki na ako parang baby padin ang turing saken. I gave her a kiss sabay umupo na ako sa table, wala dito si papa kase nandun lagi sa office. Naintindihan ko naman kase ikaw ba naman ang namamahala sa isa sa pinakamalaking kumpanya sa buong mundo. Si papa ang kasalukuyang CEO and President ng Alvarez Enterprise, its a company focusing on real estates, manufacturing, trading, etc. ibig sabihin sobrang kilala talaga ang kumpanya kaya ganun na lang kabusy si papa pero despite of his responsibilities, nagkakaroon padin siya ng time samin. Minsan sumama ako sa golf club nila para daw matuto ako maggolf pero gusto lang ni papa ni ipakilala ako sa associates niya kase ako ang susunod na tagapagmana ng company. Actually I have 10 percent shares na agad sa company and my net worth now is estimated 1 billion pesos. Imagine ganun kalaki ang pera ko. Kung bibigyan ko tag lilimang piso bawat pilipino kasya na yun. Si Mama naman dating Bank manager, nainlove ata si papa sa kanya dahil sobrang ganda ni Mama, tumigil na siya sa trabaho dahil gusto niya na magfocus sa pagpapalaki saken and well lumaki nga akong pogi at may konting talino. Malalim na naman iniisip ko ng biglang kinausap ako ni mama.
"Hmmm..mukhang malalim ata iniisip mo ah, wag mo sabihing si Ysabel na naman yang iniisip mo" asar ni mama
" Ma, ilang beses ko bang sabihin, magkaibigan po kami ni Ysabel and we decided that we won't partake in any agreement kase ikakasira ng friendship namin yun." sagot ko naman
" OK relax I'm just making you smile honey"
Ysabel is my childhood friend, her family is close to my family kaya lagi kaming pinagshiship ni Ysabel kaso nagkasundo kami na di kami papayag. Mas ok na magkaibigan kami kase masaya lagi kapag kasama ko siya, I can describe Ysabel as a perfect girl, she's cute, sexy body and his glamorous aura that attracts many boys, pero di ako naatract sa kanya. I know she's in Paris right now studying business. Maybe she'll inherit also the business of her family.
Then mama asked me kung sigurado na ba ako na sa Winchesters School of Business and Finance na ba ako mag aaral. Actually gusto nila ako pag aralin sa Standford para daw mas higher ang quality ng education pero tumanggi ako kase mas ok kung dito ako sa Pilipinas mag aaral at isa pa di ko afford na mag English. Winchesters College is one of prestigious University in Philippines, di pa ako nakakapasok sa campus pero nung sinearch ko grabe ang lawak at ang laki. It's a new university kaya sure na konti lang makakakilala saken tsaka ayaw ko din na magpakilala kase sigurado dudumugin ako ng mga taong gustong makipsgplastikan saken. Pagkatapos naming kumain, dumiretso ako sa kuwarto, gusto ko muna ienjoy yung moment bago magsimula yung kalbaryo sa school. After 10 minutes, pumunta na ako sa banyo at naligo, pagkatapos hinanda ko lahat ng gamit sabay inayos ko yung sarili ko at tumingin sa salamin.
" Hala sino itong poging lalake na nasa harap ko? Ay sorry ako lang pala"
Para akong baliw habang inaadmire ko yung sarili ko, bumaba na ako ng sa first floor at dumiretso sa garahe. Tiningnan ko lang yung nakarapada kong lambo at Mustang, ayaw ko gamitin baka masira ko lang actually dk ko naman tlaga ginagamit kase nagcocommute ako pero parang ayaw ko muna magcommute baka kase pagdating ko sa school eh mabaho ako baka isipin ng mga kaklase ko ang baho ng anak ng pinakamayamang negosyante dito sa Pilipinas hahaha. Nagpahatid na lang ako kay Kuya Mark malapit sa school para mas mabilis at libre aircon dahil sobrang init.
Lhaine's POV:
Grabe rush na rush ako ngayon, paano ba naman late na ako nagisong kanina, first day na first day late ka nagising ano kaba naman Lhaine. Kaya ayon nagmadalicakong maligo at maghanda, ayaw kong malate kase sigurado terror ang mga teacher sa college. Nasa jeep ako ngayon, grabe yung rush hour at nakipaglaban talaga ako sa mga tao para lang makasakay sa jeep na to. Ngayon nakasecure na ako ng presto pero grabe haggard na haggard ang ate niyo ngayon. Inamoy ko yung sarili ko buti na lang at long lasting ang pabango na ginamit ko. Sa wakas tumigil na yung jeep kailangan ko pa maglakad ng ilang metro bago makapasok sa entrance. Dream university ko talaga ito, gusto ko kase tlaga kumuha ng trabaho related sa business maybe a secretary or something in finance management. Masuwerte ako na nakakuha ako ng scholarship para makapasok dito kaya hindi ko talaga sasayangin ang opportunity.
Habang papasok ako sa entrance grabe di ko ineexpect na sobrang yayaman ng mga students dito, imagine sunod sunod pumapasokcyung mga ibat ibang klase ng sports car, muntik pa nga ako masagi tapos ang yabang pa nung nagdadrive, buti na lang may humila saking babae, ayon thank you ako ng thank you, dumiretso na ako sa area na kung saan makikita ang room. Sobrang ingay kaya sinuot ko yung headset sabay nakinig ng music. Hindi ako nagpatalo sa siksikan siyempre sulong din ako sa maraming tao para lang makita kung saan ang room ko. Buti na lang nakita ko kaagad, pero nakita ko yung tumulong saken kanina at tinanong kung ano room ko, grabe parehas pala kami ng section kaya ayon grabe yung tuwa niya.
" Di ko ineexpect na magkaklase pala tayo, BTW maaga pa naman tara canteen muna tayo sabay ikutin natin itong buong campus para maging familiar tayo rito"
"Oh sige ikaw bahala" sagot ko.
David's POV:
Sa wakas nakarating nadin kami, bumaba na ako at nagpaalam ako kay Kuya Mark, naglakad ako onti papasok ng entrance at grabe ang laki ng campus. Kita ko na madami ngang mayayamang nag aaral dito, kita ko yung kotse nila ang gagara, kelangan ko tumabi pra magbigay daan sa mga kotseng dumadaan, kala mo naman merong red carpet para sa kanila. Pero di ko na inalala yan dumiretso na ako dun sa bulletin board pra malaman room ko, napansin ko sa peripheral view ko may babae akong nakita pero di ko na binigyan ng pansin. Nung nalaman ko yung room ko agad akong dumiretso doon, gusto ko na agad ng katahimikan at magpalamig dahik sobrang init dito sa labas. Nung pumasok na ako ng room buti na lang at wala pang masyadong student, pumuwesto ako dun sa bandang likod malapit sa aircon siyempre para masulit ko na din ung lamig.
Author's Message:
Ang pangit ng story, wlang thrill huhuhu, bayarn sulat ko na lang continuation next sabay yung chapter 2. Sorry ang kalat.
Galing nmn may series na! heheh! So, dito pala nagsimula...