Kabanata Isa
https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-1194cb74
Kabanata Dalawa
https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-c7cfac5c
Kabanata Tatlo
Sabado
Alas otso na ko nagising dahil nagpuyat ako kagabi para mag aral at magbasa ng iba't ibang libro.
"Sige iho, bumalik ka na lamang ulit kapag nakapag desisyon ka na kung lilipat ka dito, basta yun lang naman ang usap sa bayad at ang mga patakaran"
"Opo, maraming salamat po"
Rinig ko ang usapan sa baba mula sa kwarto ko. Siguro ay may bagong nag iinterest mangupahan sa bakanteng espasyo.
"Kuya Sam!!, Naiwan mo bag mo!"
"Ayy! Salamat Jim ang mabuti kong pamangkin haha"
Mukhang kamag anak ni Jim ang lalaki, siguro ay paraan na rin ito ng ina ni Jim para may magbantay sa binatilyo. Tahimik ang paligid tuwing weekend, nag sisiuwian kasi ang mga estudyante pag biyernes ng hapon at bumabalik ng linggo ng gabi. Halos lahat ng boarder namin ngayon ay nasa unang taon palang ng kolehiyo, mga binatilyo na kailangan mag-adjust kaya tinutulungan nila mama sa mga bagay bagay. Lahat sila ay mga lalaki dahil sa unang pag bukas namin ay mas marami ang lalaking nag kainterest. Dahil na rin siguro sa maliit na espasyo sa likod para makapag laro sila ng basketball at syempre sa murang upa.
Lumabas na ako para mag almusal at para na rin makatulong sa gawaing bahay.
"Anak may sinangag at itlog dyan, kumain ka na" ngumiti ako kay mama at nagsimula na mag sandok at kumain.
Habang kumakain, umupo si mama sa upuan sa harap ko.
"Wala ka pa nang umalis ang tita Riza mo kahapon, di sya nakapag paalam. Humingi sya ng pasensya kung naka-sama man raw ang sinabi nya, kung may kailangan ka daw ay itext o ichat mo nalang sya." Mahinahong pagkwento ni mama. Ngumiti lang ako at nag pasalamat. Natapos ang nakakabinging katahimikan sa hapag noong isang gabi nang tanungin ni papa kung nakuha ko na ang naiwan kong cellphone, kinuwento ko naman na naibalik saakin ng maayos.
Matapos kumain ay naligo muna ako saka bumaba para mag walis sa paligid.
"Ate Cloiiiiiiiii!!" masayang tawag ni Jim sabay yakap saakin. Ginulo ko naman ang buhok nya habang nakangiti. Hindi nga pala sya umuwi ngayon dahil may tinatapos syang project.
"Ate, panuorin mo yung video na ginawa ko tignan mo kung okay na"
"Sige, pero mag wawalis muna ako hintay ka lang" tumango sa Jim at muling bumalik sa kwarto nya. Si Jim ay kumukuha ng kursong Journalism. Pangarap nya raw mag bigay ng kwento at impormasyon sa madla sa paraang kaya nya at masaya sya.
Matapos ng gawain ko ay pumunta na ko sa sala at tinawag si Jim. Lumabas sya dala ang laptop nya at maliit na speaker.
"Infomercial ng pasyalan o produkto dito sa Benguet ang pinagawa saamin. Dapat sariling kuha ng litrato ang ilalagay, buti nalang tinulungan ako ni Kuya Sam kumuha ng litrato." Masaya nyang pag kwento habang inaayos ang set-up ng laptop.
Nasimula na ang video at nakita ko na ang produkto ng mga strawberry delights at pasalubong ang nandun. Ang ganda ng mga litrato at ang mismong paka edit. Sobrang sarap sa tenga ng boses ni Jim, napangiti ako sa maikling video na iyon lalo na ng makita ko ang litrato ni Jim at ni Papa hawak ang strawberry jam at crinkles. Nagtatrabaho si papa sa gawaan ng mga strawberry pasalubong na pag mamay ari din ng kaibigan nya.
"Galing naman ni bunsoooo" manghang sambit ko habang pumapalakpak. Kumaway kaway naman sya at nag bow ng paulit ulit.
**
Mabilis na lumipas ang sabado at linggo. Lunes nanamn at simula ng panibagong laban sa paaralan. Inayos ko na ang gamit ko sa bag at tinignan ang sarili sa salamin, palabas na ko sa kwarto ko ng marinig kong may kausap si mama sa labas dito sa ikalawang palapag ng bahay.
"Tita nalang ang itawag mo saakin iho, tutal para ko na ring anak ang mga nangungupahan dito."
"Ah sige po tita, salamat po. Eto po pala yung 1 month advance at 1 month deposit ko--"
Lumabas ako ng kwarto ko at parehas silang napatingin saakin. Bigla akong na istatwa ng makita ko ang kausap ni mama.
"Oh Ma'am.., boarder ka rin dito?"
Napalunok ako sabay iling, tapos patakbo nang bumaba ng hagdan.
Kinilig ako sa inyong mga komento salamat sa pag suporta sa aking kwento.❤️
~Charlotte
~Cloi ay isinasambit na Cloy hindi Chloe🤗
Sunod na Kabanata
Next chapter pls ,🤣