Ma'am puso ko naiwan

10 59
Avatar for Charlotte
3 years ago

Kabanata Isa

https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-1194cb74

Kabatana Dalawa

Bumili kami ng fish ball at kwek kwek malapit lang sa unibersidad, marami din ang nagsisibilihan.

"Salamat ulit" sambit ko matapos nya iabot yung baso ng street foods. Sa totoo lang, naiilang ako makipag usap sakanya dahil estranghero pa rin naman sya para saakin.

"Ano kurso mo?" tanong nya bago isubo ang isang buong kwek kwek.

"Ahh Education, sa elementarya"

"Oh sakto pala, maam ang tawag ko sayo haha, okay lang ba yun?" ngumiti ako at tumango.

"Hindi mo tinatanong pero para may mapag usapan tayo sasabihin ko na nalang, nasa ikatlong taon na ko sa kurso kong Dentistry, konting kembot nalang matatapos na din" sabay kaming natawa sa sinabi nya. Wala ng nagsalita pagkatapos nun. Tahimik nalang kaming kumain habang pinagmamasdan ang mga estudyande at mga propesor sa daan na tinatahak na ang daan pauwi.

"Uwi na rin ako , magdidilim na at hindi ako nag paalam na gagabihin ako pag uwi. Hindi ka nagtatanng pero sasabihin ko nalang rin, na malapit lang ang bahay ko at hindi mo na ko kailangan ihatid." tumawa sya ng malakas na halos parang nakapikit na sya sa liit ng mata nya. Nagpaalam na kami sa isa't isa, tumalikod na ako para mag lakad pauwi.

"Maam teka lang" nilingon ko sya ulit at tulad kanina, medyo malayo na ang aming distansya.

"Maam, puso ko naiwan."

Tumitig ako sakanya ng ilang segundo na tila pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi nya. Yumuko ako at inilibot ang ulo ko sa daan na tila may hinahanap, muli ko syang sinilayan, tumingin ako ulit sa baba sa may gilid ng aking paa at umaktong may mahinang sinipa. Narinig ko ulit ang malakas nyang pag tawa.

"Hala si Maam, bakit mo naman sinipa yung puso ko" umarte sya na parang nasasaktan habang hawak ang dbdib nya sa parte kung nasan ang internal organ na bumubuhay sakanya.

"Maam!! balik mo yung puso kooo" patakbo na kong naglakad palayo dahil maraming estudyante na ang tumitingin saamin. Sa di malamang dahilan napangiti nalang din ako ng tuluyan.

**

"Cloi magmadali ka magbihis andito ang tita Riza at mga pinsan mo, bumisita sila saatin at dito magpapalipas ng gabi" nagmano ako kay papa at umakyat na sa taas. Nakita ko nga roon ang tita ko na kausap si mama at mga pinsan ko sa sala na halos kaedad ko lang pero di ko rin kasundo. Nagmano ako kay tita at dumeretso sa kwarto ko para magbihis.

Gusto ko muna mag pahinga pero hindi maganda kung magkukulong ako sa kwarto ko kahiit na meron kaming bisita. Lumabas ako at umupo rin sa sala kasama ng pinsan ko na masayang nanunuod ng telebisyon. Maya maya pa tumawag na si mama na ang hapunan ay handa na.

Habang kumakain ay nag kakamustahan at kwentuhan ang tatlong nakatatanda tungkol sa kung ano anong bagay. Napunta saakin ang usapan, isa sa pinaka ayaw kong mangyarii dahil hindi nanamn ako magigng kumportable.

"Wala parin pinag bago si Cloi ano, mahiyaing bata pa rin. Naalala ko pa noong sobrang liit mo pa, bilis nga namn ng panahon at ngayo'y dalaga ka na." Ngumiti lang ako at patuloy sa pag kain.

"Napaka talino din ng batang ito, madaming medalya tuwing araw ng pagtatapos." pag paptuloy pa ng aking tita Riza. Alam ko na kung saan ito patungo dahil paulit ulit lang din naman ang sinasabi nya tuwing bibisita sila.

"Sayang talaga noh, kung kumuha ka ng kurso para maging Enhinyero, Doktor, o di kaya nama'y abogado, naku tiyak magandang kinabuksan ang nakahanda sayo. Sayang ng talino" hindi na maganda sa pandinig kapag paulit ulit ang mga salitang hindi naman nakakabuti.

"Hindi ba't bago naman po maging doktor o abogado ang isang tao ay naging musmos syang bata na kinalangan ang agapay ng guro? Kung aking iisipin, hindi pa sapat ang talino na meron ako para matawag na karapatdapat sa propesyon. Ang batang nasa elementarya na may pangarap ay dapat pagsikapan ng guro na hindi mawala. Hind lamang isip ang ginagamit ng guro, siguro nga po ay hindi ganun kaliwanag ang kinabukasan para sa mga nag tuturo pero sapat ng medalya ang makita ang batang minsan mong ginabayan na maabot ang inaasam nya, na maging isang enhinyero, abogado, o di kaya'y propesyonal sa sining, o kahit maging isang guro man." hindi nakapag salita ang kahit na sinuman sa hapag, ramdam ng bawat isa ang mabigat na hanging dala ng binitawan kong salita. Siguro ay gulat rin sila na ang mahiyaing batang tulad ko ay kumontra sa paniniwala at opinyon ng isang mas nakatatanda.

Hindi ito kawalang respeto, hindi naman sa lahat ng pag kakataon ang bibig ay dapat nakatikom.


Isang pagpupugay sa lahat ng guro!!! O tumatayong guro ng mga batang patuloy nagsisikap sa kabila ng pandemya para sakanilang hinaharap🤗

Salamat sa pag babasa♥️

Sunod na kabanata

https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-b34041cd

6
$ 0.17
$ 0.05 from @kli4d
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @dziefem
+ 1
Sponsors of Charlotte
empty
empty
empty
Avatar for Charlotte
3 years ago

Comments

Aigooo, asar ung mga taong ganyan ano. Ung feeling nila may say sila sa buhay mo at kailangan approve sa kanila. Aguyy. Pero ang ganda na Chachan, ilang part tu?

$ 0.00
3 years ago

Kakaasar talaga, minsan porke di nila alam or di common course ang kinukuha mo feeling nila walang opportunity ang bukas para sa iyo hays. Di ko pa alam ilang part pero more than 5 ata hahah

$ 0.00
3 years ago

Yan mga ganyang tao ang ayaw kong kasama sa bahay, maga bukod nalang ako at maga dildil ng asin kesa kasama yan sila

$ 0.00
3 years ago

Hahah trotsss hirap pag may mga ewan na kasama sa bahay o sa paligid

$ 0.00
3 years ago

Waaaaah!! Medyo nainis ako sa mga katagang ito Sayang talaga noh, kung kumuha ka ng kurso para maging Enhinyero, Doktor, o di kaya nama'y abogado, naku tiyak magandang kinabuksan ang nakahanda sayo. Sayang ng talino" Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga ganitong klaseng tao! Wala naman ito sa kung anong propesyon mo para maging maganda ang kinabukasan mo. Tssk

$ 0.00
3 years ago

Realidad eh, madalas ko marinig sa iba lalo na sa iba kong tita tig cocompare talaga nila mga courses like helloooo ksksk

$ 0.00
3 years ago

Sa truuuue. Naexperienced ko rin kasi yan, one of my relatives nicompare yung course na kinuha niya dati sa course na meron ako ngayon. 😅

$ 0.00
3 years ago

Ka toxic hngggg

$ 0.00
3 years ago

Uy may nobela pala rito 😁

$ 0.00
3 years ago

Nawa'y maayos ko hanggang dulo, salamat po sa pag bisita🤗

$ 0.00
3 years ago