Kabanata Isa
https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-1194cb74
Kabanata Dalawa
https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-c7cfac5c
Kabanata Tatlo
https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-b34041cd
Kabanata Apat
Natapos na ang mag hapon sa klase. Nag sisimula palang ang taon na ito sa eskwela pero ramdam ko na agad ang pagod. Nasa ikalawang taon palang ako sa kurso ko pero halo halong emosyon na ang naramdaman ko. Andyan ang kaba at pagod pero hindi rin mawawala ang saya kahit na wala naman akong kaibigan sa loob ng silid. Siguro'y sapat na ang mga libro at iilang tao na nagpapasaya saakin.
"Oyy Ma'am, baka naman tumakbo ka nanaman" napalingon ako sa gilid at nakita ko si kuyang nakapulot ng cellphone ko.
"Doon pala bahay mo, ikaw yung sinasabi ni tita na nag iisa nilang anak. Astig diba, nakatira na tayo sa iisang bubong" nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.
"Grabe naman ma'am parang wala akong kausap ohh" hindi ko sya iniimikan hanggang makarating sa bahay. Pag bukas ko ng gate agad kong nakita si Jim na naka damit pang alis.
"Ahhhhh kuya Sam ang tagal mo sabi mo 3:00pm tapos na klase mo, 4:00 pm na" nakanguso pang sambit ni Jim.
"Sorry na Jim, teka mag bibihis lang ako sandali."
"Oh, ate Cloi! Sama ka rin samin."
"Ha? Ahh ano may tatapusin kasi ako--"
Nakasimangot si Jim na lumapit saakin.
"Ate Cloiiii minsan lang eh, mag grocery lang naman. Birthday ko ngayon ate at gusto ko magkaron ng onting party, pleaaseeee"
"Oh anak, buti naman at nakauwi ka na" lumapit ako kay mama na pababa ng hagdan saka nag mano.
"Anak samahan mo nga sila Jim mamalengke. Eto ang listahan, magpapaluto kasi saakin etong si Jim para sa onting salo salo. Biglaan nga lang eh, di namn nagsasabi etong batang to. Eh di sana ay nagkabit man lang tayo ng mga lobo." Nagtawanan sila mama at di na ko nakatanggi. Umakyat na ko para magbihis at sabay sabay na kaming nagtungo sa palengke.
**
Pauwi na kami ng biglang nanikip ang dibdib ni Jim, kitang kita ko ang pag aalala ni Sam sa pamangkin. Tumigil muna kami sandali sa may waiting shed ng sakayan at pinainom ng tubig si Jim. Maya maya ay bumuti na ang pakiramdam nya at sinabing napagod lang sya.
Nagpaalam si Jim na may bibilhin sa malapit na botika na vitamins dahil paubos na yung iniinom nya. Hindi na sya nagpasama dahil malapit lang naman at marami kaming dala. Naiwan kami sa nakakabinging katahimikan. Biglang nanibago ako dahil hindi nang asar o nagsalita man lang si Sam, siguro ay nag aalala talaga sya kay Jim.
"Tara na ate Cloi, kuya Sam" masiglang sambit ni Jim habang dala dala ang supot na may gamot. Sumakay na kami sa tricycle at magkatabi kami ngayon ni Sam dahil sa back ride umupo si Jim.
"Oy, g-gusto mo ng tubig?" Nag aalangang tanong ko kay Sam. Ngumiti sya at kinuha ang iniaabot kong mineral water. Mabilisan nyang naubos ang laman saka nag pasalamat ulit.
Anak ng panganay na kapatid ni Sam si Jim. Malayo ang agwat nila ng ate nya kaya halos magkaedad na sila ng pamangkin. Halos tungkol sa family tree nila ang napag usapan namin kanina habang namamalengke.
Bumaba na kami sa tricycle at sumalubong samin ang tugtugan at nagsasayawan ang mga boarders. Nang makita nila kami ay pinatay nila ang tugtog sabay umawit ng maligayang kaarawan. Kita sa mukha ni Jim ang kasiyahan, lumapad pa ang ngiti nito ng makitang pababa ang mama nya na may dalang cake habang karga naman ng papa nya ang isang batang babae, kasunod nila sina mama at papa na nakiki kanta rin.
Nagmadali na kaming ayusin ang mga pinamili at nagsimulang magluto dahil alas sais na nang makabalik kami galing sa pamilihan. Nag iihaw ang mga lalaki sa baba at nagluluto naman ng spaghetti at adobo sila mama. Hindi ako marunong magluto kaya pakatapos ko magbalat ng bawang at sibuyas ay bumaba ako para makipag laro sa kapatid ni Jim. Kitang kita ko na masaya si Jim sa araw na ito, walang tigil ang pasalamat nya saaming lahat.
Nakita ko si Sam na nakikipag kwentuhan sa ibang boarders habang nag iihaw. Mabuti naman at nakakasundo na nya ang mga boardmates nya kahit na isang araw palang sya dito at ang iba ay kaedad nya ang iba naman ay mas bata.
"Oyy Cloi! Dumaan si Kuya Pao dito kanina. Bumisita lang sandali tapos hinanap ka, bihira ka raw kasi mag online kaya di ka nya maichat. Nagpalit ka pala ng number?" Sunod sunod na mensahe ni kuya Cloud, boarder din namin na 3rd year sa kursong Engineering. Medyo pasigaw pa dahil sa tugtog na may kalakasan. Hindi ako kaagad nakapag salita dahil biglang nasakin na ang atensyon ng lahat.
"Uuyyy namumula sya hahaha, biro lang nakachat ko lang kanina. Pero kinamusta ka talaga nya yieehh" tumayo ako at tumakbong lumapit kay kuya Cloud, hinampas ko sya at hinabol nung tumakbo sya palayo. Nang asar na rin ang iba kahit di naman na nila naabutan dito si kuya Pao.
"Huuuuy kuya Sam sunog na yung barbeque!!"
Natigil lang sila sa pang aasar nang sumigaw si Jim. Agad namang inalis ni Sam ang iniihaw.
"Tulala ka kasi dyan kuya haha"
Hindi sumagot si Sam o ngumiti man lang. Lumapit na ang ibang boarders at sila na ang nag ihaw. Tumalikod na si Sam at nag paalam na pupunta sa itaas.
Walang imik na nilagpasan ako.
Ramdam ko si Sam haha