Ma'am, puso ko naiwan

13 65
Avatar for Charlotte
3 years ago

Kabanata Isa

"Hello po"

"Oh?" Matipid na sagot ng nasa kabilang linya ng telepono. Halata sa kanyang boses na magsisimula pa lamang ang kanyang araw at malamang ang ringtone ng cellphone ko ang pumukaw sa mahibing nyang pag tulog.

"Ahh, ano po. Ako po yung may ari ng cellphone, tumatawag po ako kagabi pero low batt na po ata". Naghintay ako ng ilang segundo para marinig ang kanyang sagot.

"Ahhh sorry po, di ko namalayan na di ko pala cellphone tong hawak ko, parehas kasi tayo ng ringtone." Tumawa sya ng mahina kaya napatawa nalang din ako at hindi alam kung anong isasagot.

"Ma'am, san ko po pwede ihatid tong cellphone nyo? Type C po kasi charger nyo nanghiram pa ko sa kapatid ko para maisaksak sensya na ngayon ko lang nasagot."

"Okay lang po kuya, ako nalang po ang pupunta sainyo nakakahiya naman at pasensya po sa abala"

"Wala po yun, may klase po ako ngayong hapon. Hmm available po ba kayo ng mga 5pm?"

"Sakto, 5pm din ang tapos ng klase ko. Punta nalang ako sa school mo?"

"Naku, san ka po ba ma'am ako nalang pupunta."

"UB po"

"Hindi naman na po natin pala ma'am kailangan puntahan ang isa't isa, sa UB din po ako. Nice! Sa may labas nalang tayo ng main gate. See you ma'am!" Ibinaba ko na ang telepono ni mama na ginamit ko para tawagan ang numero ko pag katapos kong magpasalamat.

Inaayos ko na ang gamit ko para sa pag pasok. Nag paalam kay mama at naghanda na sa pag alis.

Mabuti na lamang at kayang lakarin ang University of Baguio galing sa bahay. May mga kasabay din akong estudyante na naglalakad, ang iba ay galing sa kanya kanyang boarding house.

"Ate Cloi!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang binatang nag niningning ang mga braces na nakakabit sa maputi nyang ngipin.

"Hindi ba't alas siyete ang pasok mo? Mag aalas otso na at paalis ka palang?" Napakamot sya ng ulo sabay nginitian ako.

"Eh ate Cloi, wala na kasi yung alarm ko kaya hirap ako gumising ng maaga" Alam kong ang nanay nya ang tinutukoy nyang alarm na kahit ako naman ay naiintindihan ang tinatawag na human alarm.

"Bilis bilisan mo ang pag-adjust sa lugar na to, binata ka na at ganap na kolehiyo. Balak mo bang malungkot ang mama mo, pakatapos ka nyang payagan mag aral malayo sainyo ay di ka mag titino?"

Isa si Jim sa mga estudyante na boarder sa unang palapag ng bahay namin. Lumipat kami sa bahay na yun nung limang taon palang ako at nagdesisyon si papa na ayusin ang baba at gawing mga kwarto para sa mga estudyante na gustong mag board. Malaki naman ang espasyo at nagawa ni papa na gawing apat na kwarto na may kapasidad ng dalawang tao. Mayroon ding tatlong palikuran at maliit na sala. Kung gusto nila, nagluluto si mama at nag dadagdag nalang sila ng bayad, minsan ay sabay sabay kaming kumakain sa taas.

Masaya rin na magkaroon ng extended family kahit hindi mo sila kadugo pero hindi rin namn natatawaran ang lungkot ko sa tuwing aalis sila dahil tapos na ang pag-aaral. Sa pag lipas ng panahon, dahil sa walang hanggang pag tanggap at pamamaalam, mas pinili ko na lang na hindi makihalubilo sa mga boarders namin at magkulong sa kwarto kasama ng aking mga libro. Pero muli, sa pag dating ni Jim, nabuksan nanaman ang puso ko na tumanggap ng isang nakababatang kapatid, na hindi ko naranasan dahil ako'y nag iisang anak.

"Sige ate Cloi una na ko, kita tayo mamaya!" Ngumingiti syang kumaway saakin at patakbong nilisan ang daan papunta sa klase nya na alam kong patapos na ngayon.

****

Mabilis na natapos ang maghapon, 5:30 na ng hapon ng makapunta ako sa labas ng main gate para hintayin si kuya na nakapulot ng cellphone ko dahil inaayos ko pa lahat ng dapat kong matapos ngayong gabi.

"Ma'am!!" Lumaki ang mata ko ng marinig ang sigaw ng isang lalaki, kumakaway sya kahit na malayo pa ang distansya naming dalawa. Nakangiting tumakbo sya papunta sa kinatatayuan ko

"Sorry ma'am, medyo inabot pa ko ng sermon nung prof namin kaya natagalan."

"Okay lang, kararating ko lang naman. Paano mo nalaman na ako ang may ari ng cellphone?" Tanong ko habang patuloy nyang hinahanap ang cellphone sa bag nya.

"Ha? Ahh basta alam ko lang haha tsaka wala namang ibang nag aantay sa main gate kundi ikaw" ngumiti sya ng malawak sabay abot sakin ng cellphone.

"Salamat ng marami" ngumiti ako sa kanya at akmang mag papalam na nang ayain nya ko sa may fish ball sabi nya bayad ko raw sa pag balik nya ng cellphone ko pero libre nya. Napa oo nalang ako dahil sa utang na loob.

Matapos naming kumain ay nag paalam na ko dahil malapit na ring dumilim.

"Ma'am teka lang" nilingon ko sya ulit at tulad kanina, medyo malayo na ang aming distansya.

"Ma'am, puso ko naiwan."

Kabanata Dalawa

https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-c7cfac5c


Houyyy salamat sa pag babasa haha korni ba??

9
$ 0.22
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @dziefem
+ 3
Sponsors of Charlotte
empty
empty
empty
Avatar for Charlotte
3 years ago

Comments

Ahahahaha, ung last part nga ahaha. Ayieeeeee, nabihag ang puso. Wari ko'y may pagsintang purorot yong su boy sa kay girl.

$ 0.00
3 years ago

Hahahha pagsintang purorot talaga, love at first pulot talaga yun ng phone hahaha

$ 0.00
3 years ago

Ehehehe, naku sana naman maganda ending nito Chachan ano, ung mala fairy tale ba haha

$ 0.00
3 years ago

Haroy. Puso nga naman.. Part 2 naman jan. 😁

$ 0.00
3 years ago

Bukas pooo ipost ko, thank you sa unending support hueheu

$ 0.00
3 years ago

Napaka-simple, pero ang galing ng pagkakasulat. Salamat. Nag-enjoy ako sa pagbabasa..👌.

$ 0.00
3 years ago

Hanlaa tenkyuu pooo🤗 on the way na ang ikalawang kabanata hihi

$ 0.00
3 years ago

Bring it on!

$ 0.00
3 years ago

Ako ay nasiyahan sa pagbabasa nitong maikling kwento. Haha. Bigyan mo pa sana ng katuloy. Haha.

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat binibini hahah Feel ko nga mahaba tong series na to pero thank you, stay tuned haha

$ 0.00
3 years ago

I will! Abangan ko yarn. Hihi

$ 0.00
3 years ago

May hugot si Charlotte ah! Maganda.

$ 0.00
3 years ago

Haha di ko rin alam san nang gagaling, salamat po!

$ 0.00
3 years ago