Ano kaya yong ingay sa bubungan namin

9 34
Avatar for Buhayexperience
2 years ago
Topics: House

Kagabi wala talaga akong gaanong tulog..ewan ko kung ano yong maingay sa bubungan kasi namin..Parang may naglalakad na tao..Ayaw ko naman lumabas at napaka dilim na.....Medyo malayo kami ng kunti sa kapitbahay at maraming punong kahoy ang nakapaligid kaya sa gabi ay nakakatakot talaga..

Ang ipinagtataka ko eh tatlo ang aso na alaga ko pero ni isa eh wala man lang na kumakahol....

Tiningnan ko ang mama ko sa kwarto..baka kaku inaaswang na ito dahil maysakit.Pero ok naman ang mama ko tulog na tulog...

Siguro inabot na ako ng 1am ay hindi na talaga ako natulog.....kaya kinaumagahan ay tulog ako dahil na din sa sakit ng ulo......

Tapos ngayon parang ayaw kong matulog kasi pano kung aswang nga yon....May narinig pa naman akong huni ng tiktik......

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Siguro kong wala akong experience sa aswang baka isipin ko na pusa lang yon...Pero talagang tao yong mga apak na naririnig ko.....

Kayo mga ka readers?May na experience na din po ba kayo ng tulad nitong kwento ko?Diba nakakatakot?Mabuti na lang sana kung araw....hehe

By the way nais ko lang pasalamatan ang aking mga readers,lalong lalo na ang aking mga sponsors na mababait,ang aking mga upvoters,,commentors....at mga subscribers....

published

November 10,2021

❤️Buhayexperience

8
$ 0.14
$ 0.05 from @Lorah
$ 0.03 from @Ling01
$ 0.02 from @Sweetiepie
+ 3
Avatar for Buhayexperience
2 years ago
Topics: House

Comments

Ano kaya yun Sis. Baka may aswang or di kaya magnanakaw sa inyo.

$ 0.00
2 years ago

Minsan din kami nakaka experience na may parang lumalakad sa bubong namin lods pag labas mga bandang 10 pm pero paglabas namin wala man lang kung ano nasa taas. Basta naramdaman namin na may parang dumapo bigla at naglakad na parang ibon o ano ba yun. Pray before matulog lods tapos mag sindi ka sa labas kahit ano basta may apoy lang lalayas yan sila lalo na at maysakit sa bahay niyo. Bili kana din flashlight yung may zoom sa shoppee lods. Katulad sa akin bumili ako incase of emergency

$ 0.00
2 years ago

Dito nmn sa bubong nmin parang tao talaga maglakad, madaling araw din yun kc halos kakatapos lng nmin kumain ni hubby, lumabas ako may dala akong asin tas tinanaw ko yong bubong ayun nakita ko yong alagang pusa ni neighbor. Ewan kung anong ginagawa sa bubong kaya tinawag ko pra bigyan ng pagkain at bumaba nmn😁😁

$ 0.00
2 years ago

Kapag bumibisita ako sa mga half sister ko kapag may naririnig kami sa gabi sabi ng ate ko aswanng daw ewan hahaha

$ 0.00
2 years ago

Na experience ko din to nung buntis ako sa panganay ko...kinakalkal talaga yung bobong namin..2 nights din syang pabalik2x nkakatakot dahil ako lang mag isa sa bahay namin nun dahil night shift ang hubby ko..

$ 0.00
2 years ago

Meron po sakin once, nung time na natulog ako dun aa pinakasulok ng kwarto po dito sa bahay namin na madalas walang tao. Sa kalagitnaan po ng tulog ko bigla akong nagising na parang may gumising sakin, tapos narinig ko po na may naglalakad sa bubong na papalapit ng papalapit sa bintana na naiwan ko pong bukas. Dali dali akong tumayo po, nawala antok ko bigla grabe kaba ko kaya binuksan ko agad ilaw and dun lang nawala yung tunog. Feel ko po tao talaga yung naglalakad non e, buti nalang talaga nagising ako kahit na sobrang himbing ng tulog ko, para pong may gumising talaga sakin kasi kung sa tunog lang po sa bubong yung reason, di po ako magigising nun kasi mahina lang yung tunog nya at di kayang gumising ng taong tulog at nananaginip pa.

$ 0.00
2 years ago

May na experience na ako nito sis. Nung pumunta kami sa lugar ng grandparents ko side ng papa ko. Grabe narinig ko talaga yung ano niya sa bubungan tas yung huni niya. Natakot talaga ako first time.

$ 0.00
2 years ago

Wala pa nmn sis ayoko din mkaexperience hehehe.. pero mag pray ka po sis para mawala ang kaba mo.. o kya murahin ko daw lalayas yan hahha

$ 0.00
2 years ago

Wala akong experience sa dinig na apak pero nakakita na ako.

$ 0.00
2 years ago