Noong una kong narinig ang pintig ng iyong puso, napaluha ako sa saya
May munting anghel na nakatira aking tiyan
Munti man kung titignan, malaking saya ang bigay mo sa amin
Mahilig kang sumipa sa tyan ko at napangiti lamang ako
Mas sumaya ang buhay ko noong ikaw ay nasilayan ko
Ang init ng iyong yakap at mga kislap ng iyong mga mata ay nagbibigay ngiti sa aking mga labi
Munting anghel ko, ika'y ligayang lubos kahit maingay ang iyong mga iyak
Nagdaan ang ilang buwan at ika'y natutong lumakad at tumakbo, ako'y laging naka-alalay sa'yo
Kahit anong mangyari, ako'y laging na sa iyong tabi
Mahal ko, hanggang sa iyong paglaki... Ikaw pa rin ang aking munting anghel.
Ang cute po hehe, para sa baby boy ko cute din po. Malapit na po ako manganak, next month na po at sobrang excited na po ako lalo ang papa at lola ng baby boy namin hehe sana po hindi niya ako pahirapan