Ang Lechon ni Ale
Marami sa atin ganito ang panuntunan sa buhay, ung puro salita lng taz kulang naman sa gawa. Isang magandang halimbawa na dito ang mga tumatakbong pulitiko, kung susuriin natin ang mga sinasabi nila kapag nangangampanya ay talaga naman maaakit kang iboto sila, pero kapag naman nakaupo na sila sa mga posisyon na gusto nila, ay halos wla naman silang nagagawa sa mga pinangako nila. Yan ay isa lang sa halimbawa ko, dahil hindi naman sila ang gusto kong i-pinpoint sa article na ito.
==
Marami tayong nakikilalang tao sa bawat araw, may masasabi tayobg mabait, maganda matulungin at meron din naman magaling lang sa bawat salita.
Gaya ng minsan may isang babae na nawalan ng alagang native na baboy nitong magbagong taon, so ang siste nya aba nagpost sa facebook ng ganire"KUNG SINO KA MAN NA NAGNAKAW NG ALAGA NAMING BABOY AY MAMATAY NA PATI ANG MGA TAONG KAKAIN NG BABOY NA YAN MAMATAY NA DIN, KAYO MAY IHAHAING LECHON SA BAGONG TAON SAMANTALANG KAMI NA NAG-ALAGA AY WALA".
Then after ng post nya may nakabanggit sa kanya na may nakitang baboy na native dun sa may di kalayuan sa bahay nya, edi sugod ang Ale at ayun nga naconfirm na alagang baboy nya pala ito at nakawala nung gabi pa, so ang ginawa ng kapitbahay kinulong at hinintay na may maghahanap dahil hindi din nila alam kung kanino, kaya nagmagandang loob sila na ikulong muna at pakainin.
Then after ng usap usap, inuwi na ung baboy sa kanila, at nagpost uli ng ganire "SALAMAT PO SA NAG-AMPON NG BABOY NAMIN HINDI PALA SYA NINAKAW DAHIL KUSA ITONG NAKAWALA SA PAGKAKATALI AT MAY MAGANDANG LOOB NA AMPUNIN MUNA AT PAKAININ ANG BABOY NAMIN."
Sa ganitong sitwasyon dapat iniisip muna natin ang mga sasabihin natin, lalo na kung ipo-post natin sa social media dahil nakakahiya diba, ndi mo pa nga alam ang totoong ngyari sa pagkawala ng alaga mo, pero nagawa mo ng i-sumpa ang mga taong nagmagandang loob pala sa alaga mo.
Then nung dumating ang New Year, ang siste wla naman lechon na nakahain(haha), at nakikain pa ng lechon sa kapitbahay(haha) nakakatuwa diba, andami mong sinabi nung nawala ang baboy na alaga mo, pero nung dumating na ung mismong okasyon ndi mo naman hinain ung baboy mo at nangapit bahay ka pa at tuwang tuwa na pinost sa facebook ang lechon ng kapitbahay mo🤣.
==
Wla naman akong galit sa taong yun nakakatawa lng na nakakainis kasi ang sama kayang pakinggan na sinusumpa mo ang kapwa mo dahil sa isang bagay na ndi ka muna nagtanong bago ka nagsalita or nagpost. Eh kung nangamatay nga ang mga tao, magiging masaya ka ba? Ndi ka ba makokonsenya na madaming madadamay dahil sa salitang binitawan mo. Baboy lang yun taz ipapalit mo sa buhay ng mga tao?
Ito ang madalas na pagkakamali nating mga tao, oo lahat tayo kapag galit talagang nakakapagbitiw tayo ng mga salita na ndi naman dapat pero wag naman siguro aabot na pati buhay ng kapwa natin ay idadamay na natin, dahil Diyos lang ang may karapatan kung kailan nya babawiin ang buhay na pinahiram nya sa atin.
==
Pasensya na kayo sa artikulo ko ngaun haha, ndi ko alam kung matatawa ako o mahihiya sa sinulat ko, nung sinimulan ko magsulat, eh dere-derecho na ng ung mga salita na tumatakbo sa isip ko, buti nga nahabol ko pa:).Wla din ako masyado maisip na topic lately kaya pasensya na🤣.
Sa mga sponsors ko maraming salamat💚💚💚
Daming ganyan sa fb ate, basta makapag rant. Hindi muna inaalam ano ba talaga muna nangyare. Too much freedom of speech kumbaga. Di na tama at wala na sa lugar.