Walangya ka! Nanghiram pa ako ng pera pambili ng bagong bestida. Pinansin mo kasi 'yong bagong damit ni Marissa. Kaya akala ko papansinin mo rin ako.
Pink pa nga ang pinili ko, maraming bulaklak para makita mo agad. Pero ano? Kahit isang sulyap lang oh.
Nag-Youtube pa ako ng tutorial kung pa'no maglagay ng lipstick. Ang ganda ko kaya. Proud pa nga ako dahil nagmukha akong tao. Kaso wala, bokya. Hindi mo man lang pinansin ang efforts ko.
Alam mo bang hirap na hirap akong matulog sa gabi? Iniisip ko kasi kung natanggap mo ang text ko. Siguro naman may na-receive kang kahit isa. Inubos ko kaya ang Unlitext ko sa 'yo.Β
Napuyat na nga ako sa kakaantay ng reply mo, wala man lang akong napala. O kahit seen na nga lang sa PM--wala rin. Grabe ka ha, wala ka bang pambiling load?
Tapos noong isang araw nilunok ko na lahat ng pride ko. Sinabi ko kasi sa sarili na, go, go, go, todo na 'to! Rumampa at kinindatan pa kita.
Diyos ko, patawarin. Gusto ko nang sungkitin 'yang mata mong kwago. Ang laki-laki niyan, bakit ba kasi hindi mo 'ko makita?
Masakit na kaya sa dibdib. Dito oh, masakit. Nagtatampo na 'ko sa 'yo. Ginawa ko naman ang lahat.
Nag-effort pa akong maningil sa mga pautang ni tita, turuan niya lang akong magluto ng chicken adobo. 'Yon pala, pinakain mo lang sa aso n'yo.
Nagpaturo pa 'ko sa ate mo kung pa'no magsulat ng love letter. Sinabi ko nga sa kanya na sa 'yo ko ibibigay e.
Hindi mo ba alam na tuwang-tuwa si ate mo? Magkakaro'n na raw siya ng babaeng kapatid. Pinahiram pa nga ako ng mabangong papel at sinamahan pa ako dahil sabi ko nga na nahihiya ako.
Ang ganda ng sinulat ko do'n e. May drawing nga 'yon ng mukha natin, at may heart pa sa gitna. Hindi mo man lang binuksan. Tinapon mo lang sa basurahan, at sa harap ko pa.
Ilang araw akong nagkulong sa kwarto. Ilang araw akong walang ganang kumain. Wala nang saysay 'tong buhay ko.
Ano ba kasing problema mo sa 'kin? Maganda rin naman ako. 'Di hamak na marunong din naman akong kumanta, marunong ding sumayaw. Hindi mo ba napansin 'tong mamon ko sa pisngi? Mayro'n din ako oh.
Bakit ba kasi sa iba ngumingiti ka, sa 'kin hindi. Nakikipagchikahan ka sa iba, sa 'kin hindi. Tumatawa ka sa jokes nila, tumatawa din naman sila sa jokes ko ah. Bakit para sa 'yo hindi nakakatawa?
Awang-awa na ako sa sarili. Tinatanong ko rin kung bakit sinisiksik ko ang sarili d'yan sa 'yo. Bakit, gwapo ka ba? Magaling ka ba sa basketball? Ang lampa mo kaya.
Pero ito ako, nagmumukmok. Nagluluksa sa kinulamos mong papel.
Kinulit tuloy ako ni nanay kung bakit laging mugto ang mga mata ko. Tatagain niya raw ng itak ang umaway sa 'kin. Sabi ko na lang na sumakit ang ngipin ko, at kaya hindi ako makakain nang maayos. Ayoko naman kasi na mawalan ka ng ulo.
Bakit ba kasi ang manhid mo? Umiinom ka ba ng anesthesia? Pakiusap, tigilan mo na 'yan. Hindi naman 'yan gamot sa anumang sakit.
Pero kahit binabalewala mo ako, gagawin ko pa rin ang lahat. Kung kailangan kong kumain ng isang daang kwek kwek dahil favorite mo 'yon, gagawin ko. Kahit tumalon pa ako sa San Juanico Bridge, basta't sinabi mo, mas mabilis pa sa alas cuatro't gagawin ko 'yan. Pansinin mo lang ang ganda ko.
Hihintayin ko ang araw na masilayan sa wakas ang ngiti mo na para sa 'kin. Hihintayin ko ang araw na marinig ang matamis mong oo. Ang araw na mapagtanto mong mayro'n palang ako na umaaligid sa 'yo. Hihintayin ko.
Pansinin mo na kasi ako, senpai.
Hello, ladies, and gents!
This article is dedicated to our very own elusive RandomRewarder. I'm not gonna tag him because he might ghost me hahaha. But after such a long time, he at last noticed my presence throws confetti*
I'm sorry that I wrote this in Tagalog. I just felt that I can bring more justice to it, and I can convey my feelings more using my mother tongue.
Y'all who enjoyed it, or who y'all who didn't understand all the gibberish above, you might want to try some of the previous articles.
I would like to thank all my sponsors, and my readers for your patience in my nonsense. Special thanks to @Jeaneth for such a huge tip she gave me on my yesterday's article. You rock! Thank you so much!
Wow, e ok naman pala kahit Tagalog o. Haha. Senpai noticed you, I hope he notices me too. Hahaha.