Dear Diary,
Sabi ni Lani na sumulat daw ako sayo. Tinanong ko nga siya kung sino ka. Kaso hindi niya rin alam LOL. Basta sumulat lang daw at wag ipabasa sa iba. Punitin ko na lang pagkatapos para walang makabasa. Pero ito naβ¦
Okay, dear Diary, alam mo ba na ito ang pinakamasaya kong birthday? Kahit na nasa madjongan na naman si mudra, at wala na naman si pudra, okay na okay lang!
Bukod sa bigay ni Lani itong magandang notebook, may isa pa. Alam mo ba, tumabi si Daniel sakin kaninang recess. Nanghiram siya ng ballpen!
Diba, diba? Sa lahat ng classmates naming nandon, sakin talaga siya nanghiram.
Syempre inabot ko agad ang pinakamalakas kong ballpen, yung may Hello Kitty. Tapos sabi niya na yung ginagamit ko na lang daw.
Ang eng-eng ko talaga, hindi ko naisip na pink pala yun. Arrgh, nakakahiya!
Gustong-gusto ko nang tumayo at pumunta na lang sa library, don na lang tapusin ang assignment ko. Kaso hindi ako makagalaw. Nakakahiya rin naman kay Daniel kung bigla na lang akong umalis, baka isipin nun na suplada ako. Hindi ako ganun ha.
Tapos bigla pang dumating si Lani. Akala ko isi-save niya ako. Akala ko papaalisin niya si Daniel sa upuan niya para tapusin namin ang malupet na equation ni Sir Kalbo. Kaso walang hiyang babaeng yun, iniwan lang ang banana-que na pinabili ko sa canteen. Kinindatan pa ako ng bruha bago umalis. Anuevah?
Balang-araw makakaganti rin ako sa kanya. Kala niya ha. Iwanan ko rin siya sa crush niya. Makikita niya.
Kaya ayun tuloy, magkatabi kami huhuhu. Tapos tinanong pa ako kung tapos ko na ang assignment sa Physics. Pakopya daw siya nung number 5, yun na lang daw ang kulang niya.
E yun din ang ginagawa ko. Sabi ko na sabay sana naming tapusin ni Lani kasi magaling siya don. Tapos sabi ba naman ni Daniel na kami na lang daw mag-solve. Baka kaya naman daw. Aatakehin ako sa puso, Diary.
Tapos yun nga, inabot ko sa kanya ang ballpen na ginagamit ko. Sinoli niya rin yung may Hello Kitty, yun na lang ang ginamit ko. Aisst, para akong nakipag-holding hands sa kanya. Ay naku!
Tapos tinatanong ako kung bakit daw ako sumisiksik sa gilid ng armchair, kung ayaw ko ba daw sa kanya.
Anuevah, pano ko ba sasagutin yan? Hindi ko naman namalayan na nakasiksik na pala ako don. Nakakailang naman kasi siyang katabi. Tingin pa nang tingin sakin, nakakailang kaya.
Buti na lang at magaling din pala siya. Nakita niya agad ang mali ko. Buti na lang. Hindi naman kasi ako maka-concentrate. E pano ba naman kasi yang ballpen na gamit niya, laging nakadikit sa papel ko. Paulit-ulit na gustong makita yung problem.
Whew, ang hirap pala katabi si crush. Ang hirap huminga. Buti na lang nag-bell at bumalik na ang bruha. Kaso ang lintik na Lani, panay kurot. Ang sakit na ng tagiliran ko. Kinukulit ako na ikwento ang nangyari. Ayun, napagalitan kami ni Ma'am Mendez. Ang kulit kasi e.
Pero, Diary, ang saya ko talaga. The best day ever! Kahit na nakalimutan na naman ni Mama at Papa na birthday ko ngayon. Kahit na cupcake na may maliit na candle, at Coke lang ang handa, at si Lani lang ang bisita, okay na okay lang. Pinasaya na ako ni Daniel ahihi.
Baka nga tama si Lani na masaya magsulat sayo, Diary. Ang dami na raw si Lani na ganito, tapos nagulat siya na wala akong alam tungkol dito. Kaya ito nga, niregaluhan niya ako. Sa birthday niya, alam ko na rin kung ano ang ibibigay sa kanya.
Siguro dito na lang muna. Hindi ko na lang pupunitin, itatago ko na lang nang maayos.
Sige, goodnight, maaga pa ako bukas.
Disclaimer: This is a work of fiction. Any names, places, or events are products of moi imagination. Any resemblance to any person, living or dead is purely coincidental.
Hello everyone.
I always and would not get tired of saying thank you for reading my silly articles. I really, really appreciate it. Thank you!
Alright, see you when I see you. Smile, and have a nice day.
All images and words in this article are mine.
late read at .. naki kilig na din hahahaha! pambihira... Dear diary.. wag mo ibubulgar ha?