Magandang araw sa inyong lahat :)
Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, isa ako sa mga unang Filipino dito na nakasali sa read.cash at halos 9 months na ako dito. Mula pa man noon, kagaya niyo ay nagustuhan ko din ang Bitcoin Cash o BCH kung kaya't ninanais ko din na makagawa ng sarili kong website na gamit ang BCH. Bagamat walang experience sa pagcocode ay hindi ko na ipinagpatuloy ang paggawa nito. Ang pangalan sana ng website ay spooks.cash na ang layunin ay magbigay ng konting pagkakakitaan para sa mga kapwa kong Filipino sa pamamagitan lamang ng pagsusulat ng mga kwentong kababalaghan. At dahil gusto kong maisakatuparan ito, gumawa ako ng spooks community sa read.cash!
Ano nga ba ang Spooks Community?
Ang Spooks Community ay lugar para sa mga taong gusto kumita ng Bitcoin Cash o BCH sa pamamagitan lamang ng pagsusulat ng mga kwentong kababalaghan na maaring ay kanilang personal na experience o nadinig lamang sa kanyang mga magulang o Lolo at Lola o di rin kaya sa tabi-tabi.
Paano nga ba kumita dito?
Magsubmit ng kwentong kababalaghan sa ating Spooks Community at ilagay ang iyong SLP Address o Simple Ledger Protocol Address. Bawat isang kwento na ipapasa dito ay makakatanggap kayo ng 1 Spooks Token.
Kung wala kapang SLP address, maaring kang mag-install ng Bitcoin.com Wallet app na maaring madownload sa App Store at Play Store. Pagkatapos mong mag-install ay hanapin ang Receive button sa Bitcoin.com wallet app at pindutin ang SLP. Kopyahin ang SLP address at ilagay sa ilalim ng iyong kwentong kababalaghan. Ang halimbawa ng isang SLP address ay ganito simpleledger:qpq5g3zwnan54xkjtfnk9tjdfudkcgr06ujeg9kp29
Every week ay pipili kami ng pinakanakakatakot na kwento at ang kwentong iyon ay mananalo ng Spooks Tokens.
1st place- 15 Spooks Token
2nd place - 10 Spooks Token
3rd place - 5 Spooks Token
Ang mga mahilig magbasa o magsulat ng kwentong kababalaghan dito sa ating komunidad ay maari ding kumita ng Spooks Token. Palagi niyong tignan sa comment section kung mayroong tanong ako na nilagay. Bawat tamang sagot ay kikita ka ng 5 Spooks Token. Ang mga sagot ay makikita sa kwento na iyong binasa at ang unang 10 tao na makasagot ng tama ang siyang bibigyan ng gantimpala. Ilagay ang iyong SLP Address kasunod ng inyong sagot.
Every month, magbibigay tayo ng BCH Airdrops sa mga Spooks Token holders. Ibig sabihin ang Spooks Token na iyong natanggap ay dapat nandiyan lang sa inyong wallet dahil gagamit tayo ng SLP Dividend Calculator upang maibigay ang BCH sa lahat ng Spooks Token holders. Ang SLP Dividend Calculator ay isang tool sa BCH community na maaring gamitin ng mga SLP token Creators. Na dedetect ng SLP Dividend Calculator ang lahat ng wallets na may lamang Spooks Token at ang mga wallets na iyon ay makakatanggap ng BCH. Halimbawa:
Ako bilang token creator ay nais magbigay ng $50 worth of BCH sa lahat ng Spooks Token holders. Na detect ng tool na 5 wallet lang ang may Spooks Token. Si Person A ay may dalawang Spooks Token, si Person B ay may isa, si Person C ay may dalawa, Si Person D ay may dalawa at Person E ay may tatlo.
Person A = 2/10 × 50 = $10
Person B = 1/10 × 50 = $5
Person C = 2/10 × 50 = $10
Person D = 2/10 × 50 = $10
Person E = 3/10 × 50 = $15
Dahil limang wallets lamang ang mayroon Spooks Token sa ating halimbawa, ang $50 na iyon ay hahatiin sa lima at ang porsyentong nakukuha nila ay nakadepende sa ilang tokens ang hawak nila. Kung kaya't dapat ay maraming Spooks Token kang makolekta bago matapos ang buwan.
Ang tool ay nagdedetect ng lahat ng Spooks Token sa inyong wallet at hindi nito tinitignan kung kailan mu ito nakolekta. Kung kaya't ang Spooks Token na nakolekta mu sa mga nakaraang buwan ay maari mu paring mapakinabangan.
Ano ang maari naming abangan?
Hindi ko pa masasabi sa ngayon pero nandoon na sa plano ang makatulong sa kapwa kong Filipino at kung possible ay sa ibang nasyon din. Tinitignan din ang posibilidad na maaring mailista ang Spooks Token sa isang exchange pero wala pang kasiguraduhan :)
Ngayon, umpisahan na natin ang pagsulat at kumita sa mga kwentong kababalaghan 👻
Maari kayong mag join sa ating official telegram group https://t.me/joinchat/PSWB8xw_UQm-8oSLwMib-Q
gusto ko din subukan to slamat po!