Tamang pangangalaga sa may hika
Sa artikulong ito talakayin natin ang kahulugan ng hika at pinagmulan nito. Ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang taong may hika pati na ang mga bagay na nakakapagpalala dito.
Kahulugan at Pinagmulan ng hika
Ang hika o asthma ay isang pangmatagalang kondisyon ng baga. Ito ay karaniwang pabalik-balik na sakit ng pamamaga ng daanan ng hangin na nagiging dahilan ng hirap sa paghinga.
Bagamat hindi pa rin matukoy ang tiyak na dahilan ng pagkakaroon nito pinaniniwalaan na ito ay genetics o namamana. Kung mayroon kang hika ay maaaring namana mo ito sa iyong magulang at ito ay maipapasa mo sa iyong anak at sa mga susunod na henerasyon ng iyong pamilya.
Mga sintomas ng hika:
Pag-ubo
Paglaki o paglobo ng butas ng ilong sa bawat paghinga
Pananakip ng dibdib
Sumisipol na paghinga (wheezing)
Kakapusan ng paghinga (maaaring mabilis at mabagal ang paghinga)
Mabilis mapagod
***Tamang pangangalaga sa may hika***
May mga bagay na lubos na nakakaapekto sa taong may hika kaya dapat alam ng taong may hika ang maaaring pinagmulan ng atake nito. Dapat alam nya ang mga pagkain, gamot at mga bagay na nakakapagtrigger ng kanyang hika upang maiwasan niya ito. Ang pagakakaroon ng hika ay delikado lalo na sa mga bata at sanggol kaya bilang kanilang tagapangalaga ay alamin mo ang mga bagay na dapat nilang maiwasan upang hindi na lumalala ang kanilang karamdaman. Mahalaga din ang pagkonsulta sa doktor upang maagapan ang paglala nito at mabigyan ng karampatang lunas o gamot ang hika. Kadalasan na gamot sa hika ay salbutamol at inhalers. Gumagamit din ng nebulizer upang makatulong sa pagluwag ng paghinga.
**MGA BAGAY DAPAT GAWIN AT IWASAN NG TAONG MAY HIKA**
Panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran lalong-lalo na sa loob ng bahay. Ang alikabok ay nagdudulot ng allergy sa taong may hika na pagmumulan ng pag-atake nito kaya mahalagang mapanatili ang lugar na malinis. Iwasang gumamit ng mga kumot na parang may balahibo ang tela, mga carpet, at mga stuffed toys o teddy bear na pagdadapuan ng mga alikabok at pagmumulan ng allergy.
Umiwas sa mga pagkain na nakaka-trigger sa hika katulad ng mga pagkaing may MSG o vetsin(junk foods), mga pagkaing mataas ang allergen katulad ng mani, manok at itlog at mga pagkaing dagat gaya ng alimango, hipon at pusit.
Mag-ingat sa pag-inom ng gamot dahil may mga gamot na nakakapag-trigger sa hika katulad ng aspirin at mga pain relievers. Dapat alamib ang mga gamot na nakakapagpalala sa iyong hika upang maiwasan mo ito sa susunod.
Umiwas sa mga usok (usok ng sigarilyo at usok ng sasakyan) Ugaliing magsuot ng facemask kung lalabas ng bahay. Umiwas din sa mga pampublikong lugar na siksikan ang tao na magdudulot sa iyo ng hirap sa paghinga dahil sa mga halo-halong amoy nito.
Ang mga matapang na pabango o lotion at baby powder ay iwasang gamitin dahil nagdudulot din ito ng pagbahing at nakakapag-trigger ito sa hika.
Maghugas palagi ng kamay. Umiwas sa mga taong may sipon at ubo upang hindi ka mahawa. Kapag may sipon at ubo malaki ang posibilidad na sumabay ang atake ng hika.
Walang gamot ang permanenteng makakapagpagaling sa hika ngunit may mga bagay na magagawa upang mabawasan ang pag-atake nito. Ang mga nabanggit sa itaas ay makakatulong upang mabawasan ang dahilan ng pag-atake ng hika. Mahalaga rin ang pag eehersisyo at pagkain ng mga prutas at gulay na makakapagpalakas ng katawan. May mga pagkain na makakatulong upang mabawasan ang pag-atake ng hika. Sundan ang mga sumusunod.
Ang isa o dalawang tasa ng matapang na kape ay bahagyang makakatulong sa pagpapaluwag ng daanan ng hininga.
Pagkain ng bawang, sibuyas at luya. Ang bawang, sibuyas at luya ay mayroong anti-oxidants at anti-inflammatory properties na nilalabanan ang pamamaga. Ito ay makakatulong upang malabanan ang pamamaga ng daanan ng hangin.
Ang mga matatabang isda katulad ng tuna, salmon, mackerel, tawilis at sardinas na mayroong omega-3 fatty acids ay nakakatulong din para labanan ang pamamaga ng katawan at daanan ng hangin.
Mga prutas at gulay na mayaman sa antioxidants katulad ng mansanas, strawberry, dalandan, repolyo at kamatis ay makakatulong upang mapababa ang bilang ng pag-atake ng hika.
May eherhisyo din na tinatawag na Buteyko Breathing Technique (BBT). Ito ay ehersisyo ng paghinga sa pamamagitan ng paghinga papalabas gamit ang ilong. Naniniwala ang mga gumagawa ng paraan na ito na malaki ang naitutulong nito sa kanilang paghinga at pagtaas ng kanilang carbon dioxide level.
**Kapag madalas na ang pag-atake ng hika magpatingin na agad sa doktor.**
Ang aking asawa ay maysakit din na hika. Madalas siyang hikain kapag nahinto siya sa trabaho. Katulad ngayong buwan madalas siyang makaramdam ng hirap sa paghinga dahil na rin sa pabago-bagong uri ng panahon. Sobrang init at biglang sobrang lamig. Kadalasan din na nagdudulot ng hika ay kapag nakakalanghap siya ng usok ng siragilyo at pagkain ng mga laman dagat.
Ang paraan na ginagamit niya upang maiwasan ang pag-atake ng hika ay ang pag-inom ng nilagang luya at kalamansi o lemon juice. Mayroon din siyang inhaler at nebulizer na ginagamit kapag hindi kaya ng natural remedies.
Mahirap magkaroon ng hika dahil limitado lamang ang mga bagay na magagawa mo kaya't mahalagang pangalagaan natin ang ating mga kalusugan upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman lalo na sa mga bata at sanggol.
Health Benefits of Carrots
The carrot is a root vegetable that is often acknowledged as the perfect healthy food. It is crunchy, tasty, and highly nutritious. Carrots are a particularly good source of beta carotene, fiber, vitamin K1, potassium, and antioxidants**.** Orange carrots are the best-known color, but they also come in other colors, including purple, yellow, red, and white.
Carrots are very versatile vegetables. People can consume them raw, steamed, and boiled, or as an ingredient in soups and stews. You can also make juice using carrots as the main ingredient.
Here is the list of health benefits of consuming carrots:
**1) Improves Skin**
Beta-carotene and carotenoids found in carrots protect the skin against UVA rays and also remove suntan. It will also help to reduce oily skin.
**2) Improves Digestion**
Carrot has a perfect combination of soluble and insoluble fibers that aid in digestion and prevents constipation.
**3) Improves Kidney Function**
Beta-carotene, the water-soluble form of vitamin A in carrots, helps the kidneys filter toxins out of the blood and help prevent urinary tract infections.
**4) Reduce Incidences of Stroke**
Carrots and other beta-carotene-rich foods can help prevent the risk of strokes by 68%.
**5) Maintains a Healthy Heart**
Carrot is a good source of potassium, a mineral that plays a significant role in sustaining blood pressure.
**6) Improves Liver Function**
Carrots are one of the top sources of carotenoids called beta-carotene, which the body converts into vitamin A. Carotenoids help the liver to stay healthy.
**7) Improve eyesight**
Carrots contain vitamin A which can help you to prevent a lack of vitamin A. Lack of vitamin A is one of the main causes of blindness in children. Consuming carrots can help you prevent blindness.
**8) Healthy Teeth**
Antioxidant vitamins, such as vitamin C, and other nutrients help protect gums. Carrot can also help to clean plaque and freshen your breath.
**9) Fight Cancer cells**
The antioxidant effects of yellow, orange, and red organic pigments present in carrots may reduce the risk of cancer.
**10) Boost Immune function and Healing**
Carrots have a vitamin C which contributes to collagen production. Collagen is dominant for wound healing and keeping the body healthy. The vitamin also helps the body to fight disease.
**11) Strong Bones**
Carrots contain potassium and small amounts of calcium and phosphorus. All of these can help to strengthen bones and help to prevent osteoporosis.
Carrots can be varied as a superfood because it contains many minerals and vitamins such as vitamin A and C, it is also rich in fiber and beta-carotene, it also has calcium and iron.
Health Risk
Eating too much carrot can lead to skin discoloration called carotenemia. ***Carotenemia*** is a clinical condition characterized by yellow pigmentation of the skin (xanthoderma) and increased beta-carotene levels in the blood.
It is not dangerous and can be treated by lowering the consumption of beta-carotene rich food like carrots. When the use of high carotene reduce or discontinued the skin color will start to fade away and return to normal. For infants, limit the puree carrots given to avoid this kind of skin condition.
Mga sintomas ng Polycystic Ovarian Syndrome
Isa sa mga pinoproblema ng ilang kababaihan ay ang pagkakaroon ng PCOS o Polycystic Ovary Syndrome. Ang polycycstic ovary syndrome o PCOS ay ang pagkakaroon ng hormonal disorder sa katawan ng babae na kung saan mas mataas ang kanilang androgen (male hormone). Ayon sa pag-aaral isa sa sampung babae ay nagkakaroon nito ng hindi nila namamalayan. Kung mayroon ka ng mga sintomas katulad ng nasa baba ay agad magpakonsulta sa doktor upang maagapan ito agad at hindi na lumala pa.
Mga sintomas ng PCOS
Hindi regular ang regla (minsan nahihinto ang pagregla o kaya naman ay walang regla kada buwan)
Hindi nabubuntis dahil hindi regular ang ovulation.
Pagbigat o pagtaba
Maaaring makaranas ng pagkapal ng buhok sa ibang bahagi ng katawan at paglagas ng buhok sa ulo katulad ng mga lalaki.
Pagkakaroon ng taghiyawat
Pananakit ng Pelvic area dahil ang PCOS ay maaaring magdulot ng ovarian cyst na nagiging sanhi ng pananakit ng puson at balakang.
Pakiramdam na parang laging pagod.
Mga panganib na dulot ng PCOS
Ang pagkakaroon ng pcos ay kadalasang nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng isang babae lalo na kapag hindi ito agad naagapan.
Pagkakaroon ng type 2 diabetes o pagtaas ng sugar level sa katawan.
Obstructive Sleep Apnea o OSA. Ang babaeng mayroong PCOS ay kadalasan na nakakaranas ng patigil-tigil na paghinga habang natutulog.
Pagkakaroon ng depresyon at pabago-bagong emosyon na nakakaapekto sa tiwala sa sarili ng babaeng nakakaranas ng sakit na ito.
High blood pressure at high cholesterol na maaaring maging sanhi ng sakit sa puso at stroke.
Pagkapal ng lining ng matres na maaaring maging resulta ng endometrial cancer.
Ang sintomas na maaaring konektado sa pagbigat ng timbang sa mga babaeng may PCOS ay ang mataas na insulin levels sa katawan. Ang insulin ay kailangan ng katawan upang gawing enerhiya ang glucose o asukal mula sa ating kinakain. Bagamat hindi pa tiyak kung ang PCOS ay direktang nagdudulot ng pagtaas ng timbang, mahalaga pa rin na panatilihin na normal ang iyong timbang upang maiwasan ang sakit na maaaring maidulot nito. Mahalaga rin na panatilihin ang pag-eehersisyo at balanced-diet upang makatulong sa pagpapatibay ng katawan at paglayo sa iba pang karamdaman.
Ang mga babaeng nakakaranas ng mga sintomas nito ay nangangailangan ng suporta at pang-unawa ng mga tao sa paligid nya dahil hindi ito madaling pagdaanan. Maaaring magbigay daan ito upang mawalan siya ng gana sa buhay dala na rin ng panghuhusga ng ilan dahil sa mga hindi kagandahang epekto nito sa katawan ng isang babae katulad ng paglaki ng tiyan at pagkakaroon ng taghiyawat sa mukha. Malaki ang epekto nito sa confidence ng isang babae sa kanyang sarili. May mga bagay na hindi mauunawan ng ibang tao na hindi nagdaranas ng ganitong uri ng sakit na lalong nagpapahirap sa mga babaeng nakakaranas nito. Kaya kung may kakilala ka na mayroon nito huwag kang mag-atubili na suportahan siya at unawain ang pinagdadaanan niya.
Ang PCOS ay wala pang tiyak na gamot ngunit ang mga doktor ay may inereresetang gamot upang maging normal at regular ang regla at mabuntis. Kailangan din ng pagkontrol sa pagkain na labis pang makakaapekto sa pagtaas ng timbang katulad ng mga mamantika, matataba at matatamis na pagkain. Panatilihin ang pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan upang malabanan ang panganib na dulot ng sakit na ito.
May pera sa basura
Hindi naman lingid sa kaalaman ng bawat isa ang katagang "may pera sa basura" madalas lang ay hindi ito pinapansin ng ilan dahil komplikado, mahirap at mabaho ito kumpara sa pangkaraniwang trabaho. Kadalasan ay mababa rin ang tingin ng mga tao sa mga nangangalakal ngunit hindi nila alam na malaki ang kitaan sa dito. Ang mga may-ari ng junkshop kadalasan ay yumayaman dahil mura lang ang puhunan ngunit malaki ang bentahan sa merkado lalo na kapag nalinis na ang mga kalakal at produkto. Minsan ang akala nating mga patapong gamit ay wala ng silbi ngunit sa mga basurero at mga nangangalakal ay may malaking halaga pa ito.
Hindi lang mga non-biodegradable ang maaaring pagkakitaan. Ang mga non-biodegradable waste katulad ng bote, lata, plastik, diyaryo o mga papel, mga sirang yero, bakal at marami pang iba ang mga maaari pang ibenta na akala natin ay basura na. Ang mga plastik na bote ay nirerecycle at tinutunaw upang gawing iba't-ibang uri ng kasangkapan sa loob at labas ng bahay man. Ang mga lata, malalaking bote at plastik ay maaaring lagyan ng disenyo upang gawing plorera at mga organizer ng gamit sa bahay at maaari din itong ibenta upang dagdag kita. Sa panahon ng kapaskuhan may ilan din na gumagawa ng parol gamit lamang ang mga plastik na bote ng mga softdrinks at mga disposable na baso, kutsara at tinidor. Nilalagyan na lamang nila ito ng mga disenyo at pailaw upang gumanda at maging kaakit-akit sa paningin ng mga bibili. May ilang beauty pangeant na rin ang mga gumagamit ng mga recycled at disposable materials para sa patimpalak na labis na kamangha-mangha dahil hindi mo aakalain na galing ito sa basura. Maging sa mga eskwelan ay nalilinang ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral kung paano nila mapapakinabangan ang mga mga basura. Kinakailangan lamang ng pagiging malikhain at matalas ng pag-iisip upang makagawa ng mga posibleng kapakinabangan gamit ang basura at mga bagay na akala natin ay wala ng pakinabang.
Alam niyo ba na pati biodegradable ay maaari din pagkakitaan? Ang simpleng composting galing sa mga biodegradable waste ay maaaring gawing organic fertilizer at ibenta. Ito ay matrabaho at nangangailangan ng sapat na oras at pagtatiyaga. Ang mga organic fertilizer ay maaaring ibenta sa mga nangangailangan ng pataba sa mga halaman at mga gulay sa bukid. Ito ay mabisa din gamitin katulad ng mga inorganic fertilizer. Ang kaibahan lamang ay ang inorganic fertilizer ay mayroon itong halong mga synthetic chemicals na nagpapabilis mamunga sa mga pananim. Ngunit kung ako ang papipiliin ay mas mabuti na gumamit tayo ng organic fertilizer upang makatulong din sa mga kababayan na ito lamang ang hanap-buhay at para mabawasan ang basura sa ating kapaligiran at maitapon ng maayos sa dapat paglagyan.
Ang akala nating mga basurang pakalat-kalat ay wala ng halaga ngunit para sa mga nangangalakal ito ay pera. Maraming mangangalakal dito sa Pilipinas ang naitataguyod nila ang kanilang pamilya at napagtatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Dahil sa basura ay nabubuhay nila ang kanilang pamilya sa marangal na paraan. Sana mamulat ang mga puso at isipan ng mga tao na huwag husgahan at pandirihan ang mga basurero at mga nangangalakal dahil kung tutuusin malaki ang ginagampanan nilang tungkulin at malaki ang naitutulong nila sa bansa upang mapanatiling malinis ang kapaligiran.
Mga negatibo at positibong epekto ng online games sa mga kabataan
Lahat ng bagay ay mayroong masama at mabuting epekto sa isang tao. Sa artikulong ito tatalakayin natin ang negatibo at positibong epekto ng online games. Ang online games ay larong kinakailangan ng computer, laptop o kaya ay cellphone at internet. Ito ang larong nauuso sa kasalukuyan na kinabibilangan ng mga laro katulad ng League of Legends(LOL), DOTA, Mobile legends(ML), Rules of Survival(ROS), Fornite Battle Royale, Apex Legend, Counter Strike at marami pang iba. Mas pinipili ito ngayon ng mga kabataan lalo na sa siyudad kaysa sa mga larong pisikal katulad ng basketball, volleyball at badminton. Tila unti-unti na ngang nilalamon ng mga modernong kagamitan at teknolohiya ang mga kabataan maging ang mga may edad na.
Narito sa ibaba ang mga positibong epekto ng online games.
Positibong epekto ng online games
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang paglalaro ng online games ay makatutulong upang mapabilis ang paggana ng utak o isip ng manlalaro at paggamit ng maraming estratehiya kung paano manalo sa laro.
Maraming kabataan sa panahon ngayon ang kumikita sa pamamagitan ng paglalaro lamang ng mga online games katulad ng DOTA at nakikilala sila sa larangan ng larong kanilang kinabibilangan.
Marami din ang nagsasabi na nakakatulong ang paglalaro ng online games upang mabawasan ang stress, pagkabugnot at kalungkutan.
Ang paglalaro ay kinakailangan ng disiplina at gabay ng magulang lalo na sa mga kabataan upang hindi maapektuhan ang kanilang kaisipan at pag-aaral.
Mga negatibong epekto ng online games.
Ang pagkalulong ang pangunahin at pinakamabigat na negatibong epekto ng online games kung saan lubos ng naaapektuhan ang isang indibidwal dahil sa labis na paglalaro. Dahil sa pagkalulong ay maraming bagay at gawain ang hindi na nagagampanan. Maging ang sarili ay napapabayaan na, hindi na nakakain at nakakainom sa tamang oras.
Maraming oras at pera ang nasasayang dahil sa paglalaro na dapat sana ay ituon sa mga mas makabuluhang bagay.
Maaaring makasira ito sa pag-aaral, relasyon, buhay at pamilya. Sa may-asawa na ngunit naglalaro pa rin ng mga online games, maaaring pagmulan ito ng away ninyong mag-asawa. Posible rin na mapabayaan mo ang iyong obligasyon at mga gampanin dahil ang paglalaro ay nangangailangan ng takdang oras upang matapos ito. Sa mga mag-aaral naman ay maaari itong makaapekto sa kanilang performance sa eskwelahan.
Mayroon itong negatibong epekto sa pisikal at mental na kalusugan ng isang tao lalo na kung laging kulang sa tulog at laging puyat na dulot ng paglalaro. Ang paglabo ng mata at paghina ng immune system ay isa sa mga epekto nito sa kalusugan ng isang manlalaro.
Maaari itong pagmulan ng away dahil ang pagkatalo sa laro ay naghahatid ng galit, inis at pagkapikon sa katunggali.
Isa sa pinakamalubhang epekto nito ay ang pagpapabaya ng manlalaro sa kaniyang kinabukasan. Ito ay dulot rin ng pagkalulong sa online games. Dahil dito ay wala ng ibang inisip ang manlalaro kundi maglaro na lang maghapon at magdamag. Nawawalan na ng direksyon at pangarap sa buhay.
Ang larangan ng paglalaro ay nangangailangan ng kasanayan upang magtagumpay. Kung hindi mahaba ang iyong pasensya, magdudulot lamang ng pagkainis ang pagkatalo sa laro at maaapektuhan nito ang iyong pakikisama sa loob at labas ng bahay. Mahalaga na mayroong disiplina sa paglalaro upang mabigyan daan ang mga bagay na higit na may kapakinabangan at kailangan.
Bilang isang magulang hindi ko hinahayaan na maglaro ang aking mga anak sa cellphone kahit word games. Binibigyan ko lamang sila ng sapat na oras sa panonood upang maibsan lamang kahit sandali ang kanilang pagkabugnot sa bahay. Mas gusto ko na maglaro sila ng mga pisikal na laro katulad ng habulan at tagu-taguan.
Katulad ng nabanggit ko kanina ang lahat ng bagay ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa isang tao kung wala itong pagpipigil at disiplina sa sarili. Gabay ng magulang ang kailangan upang matutong magpigil ang kabataan sa paglalaro at paggawa ng iba pang mga bagay. Kung kinakailangan nila ng iyong suporta at pang-unawa ibigay ito kahit pansamantala lamang upang maiwasan ang pagrerebelde at pagbaba ng tingin nila sa kanilang kakayahan.
Mag-ingat lamang sa mga masasamang epekto na dulot ng labis na paglalaro ng mga online games. Kilalanin ang iyong sarili kung hindi mo kayang pigilan ang pagkalulong dito ay huwag mo na lang subukan dahil baka ikaw ay mahirapan ng umalis sa ganitong uri ng sistema ng pamumuhay. Mas mainam ng ngayon pa lang ay mas isipin ang mga bagay na mayroong kapakinabangan at makakatulong saiyo upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang buhay natin ay iisa lamang kaya huwag na natin itong sayangin sa mga walang kabuluhan.
Kapatid ko
Ito ay isang pagsasalaysay lamang sa isang bahagi ng aking buhay na hindi ko makakalimutan. Masasabi ko na isa ito sa pinakamasakit at mapait na karanasan. Hindi ko lubusang maisip ng mga oras na yun na mararanasan ko ang isa sa mga kinakatakutan kong pangyayari sa mundo. Isa sa pinakamalungkot na yugto ng buhay ko ay ang pagkawala ng aking pang-apat na kapatid na babae. Mahirap tanggapin para sa akin noong una dahil napakabata pa nya para bawian ng buhay.
Ilang araw pa lang bago siya bawian ng buhay ay ipinaalam sa akin ng aking ina na isinugod nila ito sa ospital. Nakakapanglumo ng marinig ko ang kanyang boses sa telepono noong tumawag ako dahil halos hindi na siya makapagsalita. Nahihirapan siyang huminga at namamaga ang kanyang mga braso, binti at hita. Naririnig ko ang kanyang pag-inda ng sakit ng kanyang katawan dala ng pamamaga ng mga ito. Ang tanging alam lang namin noon ay sakit sa puso ang nakita ng doctor ngunit hindi pa tiyak kung anong klaseng sakit ito dahil kailangan nya pang magpa 2D-Echo upang matiyak ang tunay niyang kalagayan. Ang 2D-Echo ay parang ultrasound ng puso kung saan lalabas ang hugis ng iyong puso sa isang telebisyon at matitiyak kung ano ba talaga ang kalagayan nito. Ngunit dahil sa kahirapan at kawalan ng suportang pinansyal naabala ang pagsagawa nito na naging dahilan upang lumala agad ang kanyang karamdaman. Hindi naman ito kamahalan ngunit dahil sa kakapusan namin noon sa pera ay wala kaming magawa kundi maghintay kung kailan kami makakautang at may mahihingan ng tulong pinansyal. Wala pa noon maayos na trabaho ang mga kapatid kong lalaki at ako naman ay nasa ibang bayan at dahil may sarili na rin akong pamilya hindi na halos ako nakakatulong sa kanilang pangangailangang pinansyal. Nakakapag-abot man ako ngunit maliit na halaga lamang.
Lumipas ang isang araw ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makahiram ng pera at ipinadala ko agad ito sa kanila. Kinaumagahan ay nakatakda na sya para sa kanyang 2D-Echo test at paglipas ng ilang oras ay lumabas na rin ang resulta. Napag-alaman na mayroon siyang heart failure. Ang mga sintomas nito ay katulad ng nabanggit ko kanina na pamamanas ng kanyang mga paa at hirap sa paghinga. Lumalaki rin ang kanyang puso at naapektuhan na rin ang kanyang baga. Ang sabi ng doctor ay magagamot pa naman daw ito, muling lumuwag ang aming kalooban dahil nagkaroon kami ng pag-asa at pinanghawakan namin ang sinabi ng doctor. Pagkatapos na makuha ang resulta ay bumili na sila ng mga ineresetang gamot at agad na ipinainom ito sa kapatid ko. Lumipas ang isang gabi at tila gumanda na raw ang kaniyang pakiramdam. Ang sabi sa akin ni mama ay kumakain na ang kapatid ko ng maayos at hindi na nagsusuka. Marami na rin siyang kinain at nainom na tubig. Mahimbing na rin ang kaniyang tulog at hindi na niya iniinda ang pamamaga ng kanyang mga binti at paa. Ngunit kinaumagahan ay nangyari na nga ang aking kinakatakutan. Ang akala namin na babalik na sa normal ang lahat ay napalitan ng isang masalimot na katotohanan.
Hindi ko lubos akalain noon na mangyayari sa akin ang mga nababasa at nakikita kong mga post sa social media na mga namamatayan. Hindi ko lubos akalain na sa mura niyang edad ay kukunin na sya sa amin. Sobrang nakakapanghina ng kalooban, pananampalataya at kaluluwa kapag nawalan ka ng mahal sa buhay. Magkahalong emosyon at imahinasyon ang iyong mararanasan. Tila isang bangungot na walang katapusan. Hindi ko maiwasang magtanong na bakit sa amin pa nangyari?
Ngunit sa kabaligtaran ay lubos na rin ang aking pasasalamat dahil natuldukan na rin ang kanyang paghihirap. Alam kong nakakaawa ang kanyang kalagayan noong mga panahon na yun kahit hindi ko siya nakikita. Noong marinig ko ang kanyang boses sa telepono ay ramdam ko ang hirap at pagtitiis niya. Alam kong lumalaban siya sa kanyang sakit dahil gusto niya pang mabuhay. Gusto niya pa kaming makasama. Ngunit hindi namin akalain na ganun na pala kalala ang kaniyang karamdaman dahil biglaan lamang ang mga pangyayari.
Ganunpaman sa loob ng dalawang taong lumipas mula ng siya ay mawalay sa amin ay bukal na sa aming kalooban ang pagtanggap sa nangyari. Masakit lang tanggapin sa una dahil napakabata pa niya, ngunit alam namin na tinuldukan lamang ng Dios ang kaniyang paghihirap para hindi na siya labis na masaktan at mahirapan pa sa kanyang karamdaman. Habang isinusulat ko ito ay muling naging sariwa ang mga ala-ala ng mga panahong iyon. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang isinusulat ko ito.
Sa totoo lang wala kaming litrato na magkasama noong nabubuhay pa siya. Ayaw niya magpakuha ng litrato dahil mahiyain siya. Kaya nagulat na lang ako ng makita ko na gumawa siya ng facebook account at nagpost ng ilang litrato. Makalipas ang isang buwan mula ng paggawa niya ng social media account ay nagsimula na siyang magkasakit at nagpabalik-balik na sila sa ospital. Parang sinadya ng pagkakataon upang may maiwan siyang litrato sa amin. Maging ang kaniyang mga kaibigan ay halos wala ring maipakitang larawan na magkakasama sila sa litrato.
Mahirap tanggapin ang mawalan ng mahal sa buhay. Kaya sikapin natin na maiparamdam natin araw-araw ang ating pagmamahal sa mga taong nakapaligid sa atin. Dahil hindi natin alam kung kailan tayo at sila kukunin. Iparamdam natin na mahalaga sila atin upang wala tayong pagsisihan sa bandang huli at sabihin na sana pala niyakap at hinalikan ko na siya noon, na sana sinabi ko na kung gaano ko siya kamahal at kahalaga sa akin noong nabubuhay pa siya. Kahit anong gawin nating iyak at pagsisigaw hindi na nila tayo maririnig at hindi na nila mararamdaman ang pagmamahal na sinasabi natin. Kaya habang may panahon pa tayo dito sa mundo iparamdam natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano sila kahalaga sa buhay natin.
Labis ang aking pasasalamat sa Dios sa pagtulong niya sa amin na malagpasan ang pagsubok na ito.

Bagong Taon: Bagong Buhay at Pag-asa
Tuwing sasapit ang bagong taon nauuso ang katagang New Year's Resolutions. Ito ang mga bagay na gusto mong baguhin sa iyong sarili at mga bagay na gusto mong maabot sa hinaharap. Lahat tayo ay may kanya-kanyang adhikain sa buhay. Ito ang mga bagay na nagpapalakas ng ating kalooban upang magpatuloy na lumaban at harapin ng may tapang ang bawat darating na problema at mga hadlang. Ngunit bakit may ilan sa atin ang nagpapasyang magbabago tuwing magbabagong taon lamang? Ito ay marahil na rin sa ating nakaugalian. Tuwing magbabagong taon ito ay pinaniniwalaang magandang simula ng pagbabago para sa lahat. Hindi natin ito maitatanggi dahil halos ng pangyayari ngayong taon ay nakakapanlumo at nakakakilabot. At inaasahan natin na pagsapit ng taong 2021 ay magkakaroon ng pagbabago ang lahat.
Inaasahan ko na sa susunod na taon ay magkakaroon ng pagbabago sa ating lahat. Isipin natin ang mga bagay at pangyayari na lubos nating pinagsisihan at tiyakin natin sa ating mga sarili na hindi na mauulit pa ang mga ito. Hindi na natin gagawin ang mga bagay na makakasakit sa ating kapwa. Sa nakikita nating mga pangyayari nito lamang mga nakalipas na buwan alam kong bawat isa sa atin ay nagbago na ang pananaw sa buhay. Nagbigay ito sa atin lahat ng kaliwanagan sa ating isipan at sa ating mga puso. At nakasisiguro ako na halos lahat sa atin ay nangangako ng mag-iipon sa susunod na taon at pipilitin ng baguhin ang lahat ng masamang nakaugalian.
Hatid ng bagong taon ang bagong pag-asa na inaasam-asam ng bawat mamamayan. Ngunit kung tutuusin hindi natin kinakailangang hintayin ang bagong taon upang magbago. Hindi ang taon ang magpapabago sa ating mga sarili kundi tayo mismo. Sa ating mga sarili magsisimula ang pagbabago dahil kahit ilang taon pa ang lumipas at magdaan wala itong silbi kung ayaw talaga nating magbago. Kung gusto natin ng pagbabago simulan natin sa ating mga sarili at huwag puro sisi sa ibang tao.
Narito ang ilang mga bagay na dapat nating baguhin sa ating sarili
Huwag titingin sa pagkakamali at kasalanan ng iba dahil lahat naman tayo nagkakasala. Huwag mo silang gayahin lalo na kung alam mong mali ang kanilang ginawa. Huwag mo itong gawing oportunidad upang subukan ang mga ipinagbabawal.
Huwag mong isisi sa no tao ang iyong kasalanan. Matuto kang tumanggap ng iyong pagkakamali at humingi ng kapatawaran sa taong nagawan mo ng kasalanan.
Iwasan ang pagiging magagalitin. Kahit saan mang anggulo mo tingnan wala itong maibubungang maganda. Nakakahawa ang pagiging mainitin ang ulo kaya habang may panahon pa pag-aralan mong kumalma at maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon. Maaari itong magdulot ng karamdaman sa puso kapag tumagal na. Huminga ng malalim at pag-aralan pigilan ang iyong damdamin.
Huwag maging mayabang kundi pag-aralan ang pagiging mapagpakumbaba sa kapwa. Tandaan na kung ano man ang mayroon ka dito sa mundong ibabaw ay hindi mo ito madadala sa hukay. Alalahanin ang kasabihang "Bilog ang mundo" hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang laging nasa itaas. Huwag masyadong taasan ang tingin sa sarili.
Huwag maghangad ng kalabisan kundi matutong makuntento sa mga bagay na mayroon ka. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkatataon at ng mga bagay na ibinibigay sayo. Magpasalamat ka sa anumang bagay na dumarating saiyo, maliit man o malaki ito. Pahalagahan mo ito.
Huwag sumuko agad. Maging matapang sa pagharap sa hamon ng buhay. Sabi nga nila "Try and try until you succeed." Masarap namnamin ang tagumpay galing sa iyong pinaghirapan. Magtiwala sa iyong sariling kakayahan at huwag pansinin ang mga sinasabi saiyo ng ibang tao.
Umiwas sa lahat ng anyo ng masama katulad ng mga bisyo at barkada na may masamang impluwensiya sa iyong pagkatao. Huwag paglaanan ng oras ang mga walang kabuluhang mga bagay katulad ng paglalaro online na maaaring magdulot saiyo ng pagkalulong dito. Ang pagkalulong sa mga online games ang lubhang makakaapekto sa iyong focus sa isang bagay katulad ng trabaho at pag-aaral. Maaari mo ring mapabayaan ang iyong kalusugan dahil dito. Pagsisimulan din ito ng away sa buhay may-asawa dahil hindi ka na nakakatulong sa mga gawaing bahay dahil abala ka sa paglalaro. Tanggalin mo ang mga bagay na maaaring makaapekto sa iyong hanap-buhay, relasyon at sa iyong mga pangarap.
Umiwas sa mga bagay, pagkain at libangan na makakasira sa iyong kalusugan. Di bale ng mahirap basta hindi sakitin. Kapag malusog tayo maraming mga bagay ang ating magagawa ng walang pag-aatubili. Pahalagahan ang kalusugan upang mamuhay ng masaya at tahimik.
Araw-araw ay isang bagong panimula at pag-asa para sa ating ang lahat ang naghihintay. Nasa ating mga kamay kung sa paanong paraan natin ito gagamitin. Hindi kailangang maghintay ng bagong taon upang magbago dahil sa sarili magmumula ang minimithing pagbabago at ang pag-asa ay nasa kamay ng isang tao. Habang hindi pa huli ang lahat tayo ay magbago.
Tiis lang, May hangganan din ang lahat
Sa kabila ng kasiyahan nitong nagdaang kapaskuhan marami pa rin ang mga taong lugmok sa kahirapan at ramdam pa rin nila ang sakit na dulot ng sunod-sunod na trahedya at pandemya sa taong ito. Ang sunod-sunod na bagyong dumating dito sa bansang Pilipinas ay nagdulot ng matinding kahirapan at kalungkutan sa mga mamamayan. Marami ang nawalan ng tahanan, ari-arian at mga mahal sa buhay. Ang pandemya na nagbigay ng labis na takot at kalungkutan sa mga nilalang ay tila hindi pa rin matutuldukan.
Nakakapanghina ng kalooban kung iyong iisipin araw-araw. At sa kabila ng lahat ng mga pangyayaring ito ay marami na ang nawawalan ng pag-asa sa buhay. Maraming nagugutom dahil marami ang nawalan ng trabaho simula ng nagpatupad ng lockdown sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Kung iyong titingnan sa labas ay parang normal na dahil sa dagsa na ang taong lumalabas. Hindi na alintana sa kanila ang mga posibilidad na mahawa sa kumakalat na sakit makapaghanap-buhay lang para sa pamilya. Mas mahirap na makita mong nagugutom ang iyong mga anak kung kaya't kahit delikado lumabas ay susuungin mo ito para may maipakain sa kanila at maibigay mo ang kanilang iba pang pangangailangan. Mahirap na din na umasa sa bigay ng gobyerno dahil baka maghintay ka lang sa wala. Mas maganda ng tumayo sa sariling mga paa kaysa umaasa pa sa ibang tao.
Ang mga hirap at pagdurusa natin dito sa sanlibutan ay bahagi lamang ng ating lupang katawan. Matatapos din ang lahat ng ating paghihirap at makakamit din natin ang tagumpay sa hinaharap. Lahat ng pangyayari dito sa mundo ay pansamantala lamang. Magtiis tayo hanggat kaya pa, para sa ating pamilya at mga mahal sa buhay. Tiisin natin ang mga pagkukulang ng bawat isa at mga pagkakamaling kanilang nagagawa. Unawin natin lahat ng panahon at sitwasyon na mayroon sila. Magbigayan at magpatawaran upang magkaisa sa pagtupad ng mga pangarap sa buhay. Magtulungan tayong lahat at matutong magtiis hanggang wakas.
Masarap mabuhay kahit mahirap. Kapag buhay ka may pagkakataon ka pang magawa ang lahat ng gusto mo. Huwag mong sayangin ang oras at ang iyong buhay sa mga bagay na wala namang kabuluhan. Gugulin mo ang oras sa mga bagay na may kapakinabangan. Tiisin lahat ng hirap at pagdurusa dahil ito ay hindi naman magtatagal. Ang lahat ng pagtitiis natin dito sa mundong ibabaw ay may naghihintay na kapalit na kaginhawahan. Tiwala lang na matatapos din lahat ng ito.
Pagdidisiplina sa anak: Paano nga ba?
Hindi lang sapat na naibibigay ng isang magulang ang pangangailangang materyal ng kanyang anak. Ang pagpapalaki ng anak ay isang mahabang proseso na dapat maisakatuparan sa tamang pamamaraan. Ang pagdidisiplina sa anak ay isa sa pinakamahirap na gawain ng isang magulang lalo na sa panahon ngayon kung saan marami ng nakakaimpluwensya sa kanilang isipan habang sila ay lumalaki at nakakaunawa ng mga pangyayari sa kapaligiran.
Sa dami ng kategorya na maaaring makaapekto sa kanilang paglaki may ilang mga bagay na hindi natin mapipigilan dahil may mga pagkakataon na hindi nila tayo laging nakakasama at hindi natin sila nababantayan. Malaki rin ang impluwensya ng mga nakakasama o nakakasalamuha nila sa kanilang paglaki lalo na kung sa isang bahay ay hindi lamang kayo ang nakatira. Maaaring makatulong sa pagdidisiplina ang kanilang mga lolo at lola, at ang kanilang mga tito at tito ngunit sa kabiglaran ay maari din namang pagmulan ito ng hindi ninyo pagkakaunawaan. Hindi mo maiiwasan na makikialam ang mga kasama mo sa bahay sa pagdidisiplina sa iyong anak. Dahil dito nagkakaroon ng kampi-kampi at nagiging dahilan upang lumaki ang ulo ng iyong anak. Ito ang dahilan kung bakit mas ipinapayo sa mag-asawa na magkaroon ng sariling bahay upang walang makikialam sa mga desisyon nila sa buhay lalo na pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Ano nga ba ang mga kailangang gawin ng isang magulang upang madisiplina ang anak?
Ang pagdidisiplina sa anak ay kinakailangan ng mahabang pasensya. Minsan ang bata ay mahirap turuan lalo na kung mas pinipilit nila ang kanilang gustong gawin kahit ilang beses mo ng pinagbabawalan. Dito masusubok ang iyong pasensya. Likas na sa mga bata ang makulit at malikot ngunit marunong din naman silang makinig lalo na kapag sila ay iyong pinakiusapan. Maaari mo din silang paluin kung hindi na madaan sa salita at pakiusap.
Kinakailangan ay mayroon kang isang salita. Kapag sinabi mong puwede at hindi puwede sa iyong anak ay dapat mo itong panindigan. Kapag pinagbawalan mo sila sa isang bagay tiyakin mong hindi magbabago ang pasya mo ukol dito upang huwag silang malito sa dapat at hindi dapat nilang gawin.Dapat ikaw ang masusunod dahil ikaw ang magulang.
Kung gusto mong lumaking mabuti at mabait ang iyong anak kinakailangan na ikaw mismo ang nagpapakita ng mabuting pag-uugali lalo na sa kanilang harapan. Tandaan na ikaw ang magsisilbi nilang huwaran kaya nararapat na saiyo mismo nanggagaling ang mga mabuting gawain na dapat nilang gayahin. Ikaw ang maghuhubog ng kanilang pagkatao. Ikaw ang magtuturo ng mga tama at dapat gawin. Iiwas mo sila sa mga masasamang salita at gawain. Iwasang magtalo sa kanilang harapan at magbitaw ng mga masasamang salita na maaari nilang gayahin. Tandaan "Children are great imitators".
Huwag mong ikukumpara ang iyong anak sa iba dahil dito magsisimula ang pagkakaroon ng alinlangan ninyo sa isa't-isa. Ikaw, bilang isang magulang ayaw mo ring ikinukumpara ka sa ibang magulang kaya dapat huwag mo itong gawin sa iyong anak. Malaking epekto nito sa kanilang paglaki, maaaring bumaba ang kanilang tiwala sa sarili, magtanim ng sama ng loob at mainggit sa ibang bata. Alam naman natin na walang magandang maibubunga ang inggit na dulot ng pagkukumpara. Kahit sa magkakapatid iwasan mong ikumpara sila dahil likas na sa tao ang pagkaiba-iba. Mayroon silang kanya-kanyang kahinaan at kakayahan. Tulungan natin silang malinang ang kani-kanilang kakayahan at talento upang mapayaman ito.
Ang pagdidisiplina sa anak ay pinaglalaanan ng mahabang panahon at pinagsisikapan. Hindi sapat na masabihan o mapagalitan mo lang ng isang beses. Kung kinakailangang ulit-ulitin araw-araw, gawin ito upang matandaan nila ang mga bagay na dapat at hindi dapat dalhin sa kanilang paglaki. Hanggat maaari huwag ipagkatiwala sa iba ang pagpapalaki sa anak dahil mahirap ng disiplinahin ang tao kapag nangangatwiran at may sapat ng kaalaman sa mundo.
Hindi sapat ang pagsaway ng magulang sa anak. Kinakailangan nating ilapit sila sa Dios. Gaya ng sinasabi ng banal na kasulatan sa:
***Kawikaan 22:6***
***"Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan"***
Ito ang aral na dapat maituro din natin sa ating mga anak, ang salita ng Dios. Ang anak na may takot sa Dios ay may takot din sa magulang. Hindi ka mahihirapang disiplinahin ang isang bata na marunong kumilala sa Dios dahil marunong din siyang kumilala sa matuwid sa paraan. Habang bata pa lamang sila sanayin na natin silang sumunod sa utos ng Dios upang mamulat sila sa katotohanan at hindi sila maakay ng mga bulaan mangangaral.
Sa totoo lang, marami akong pagkukulang sa aking mga anak at hindi ko sila natuturuang mabuti. Gayunpaman, sinisikap ko pa ring maging isang mabuting ina upang mapalaki ko silang maayos at marunong gumalang sa kahit sino man. Nagtutulungan kaming mag-asawa upang maipaunawa sa aming mga anak ang mga bagay-bagay. Labis ang aming pag-iingat sa pagbitaw ng mga salita na maaring gayahin ng mga bata lalo na kapag kami ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Hindi madali ang magpalaki sa anak ngunit sa bandang dulo ng ating paghihirap ay may naghihintay na matamis na tagumpay. May kanya-kanya tayong paraan sa pagdidisiplina ngunit gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang mailayo sila sa ng anyo ng kasamaan at turuan natin silang kumilala sa Dios Amang lumikha ng sanlibutan. Gawin natin lahat ng bagay na may pag-ibig at bukal sa ating kalooban.
Mga bagay na kinakatakutan ng mga tao sa mundo
Lahat tayo ay may kanya-kanyang kahinaan at kinakatakutan sa buhay dito sa mundong ibabaw. Sino ba naman sa atin ang walang kinakatakutan? Maliban sa takot sa aswang o multo na kuwento at gawa-gawa lamang mas nakakatakot ang mga bagay at pangyayari sa ating kapaligiran. Kahit gaano ka pa katapang mayroon ka pa ring kinakatakutan maging bata ka man o matanda.
Narito sa ibaba ang mga bagay na ating kinakatakutan ng lubos na tila kakambal na natin sa pang-araw-araw na buhay.
1) KAMATAYAN
Natural lang naman ito sa buhay ng isang tao ngunit hindi natin maitatanggi na lahat tayo ay may takot na mamatay at mawalan ng mahal sa buhay. Hindi natin alam kung hanggan saan at hanggan kailan lang tayo pwedeng mabuhay.
Bilang isang ina isa sa pinaka-kinakatakutan ko ang bagay na ito. Hindi ko hawak ang buhay at kaligtasan ko at ang buhay at kaligtasan ng aking mga anak. Hindi ko rin tiyak ang mga posibilidad na maaaring mangyari sa hinaharap. Ayoko mang isipin ngunit kapag nakakakita ako ng mga larawan at post sa social media sa pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay ay tinatamaan ako ng takot ukol sa bagay na ito.
2) KATOTOHANAN
Maraming nagkukubli sa kasinungalingan dahil takot silang malaman ng ibang tao ang katotohanan sa likod ng kanilang pagkatao. Minsan pinipilit natin takpan ng kasinungalingan ang mga bagay at pangyayari dahil sa takot natin na mabunyag ang katotohanan. May mga pagkakataon na mas pinipili natin maging masaya sa kasinungalingan dahil masakit tanggapin at mamuhay sa katotohanan.
3) PAGKABIGO
Ang pagkabigo sa pagkamit ng tagumpay, pagkabigo sa pag-ibig at mga gampanin at pangarap sa buhay ay kinakatakutan natin. Minsan dahil sa kabiguan ay may mga taong kinikitil ang kanilang sariling buhay dahil sa depresyon na dulot ng kabiguan. Kaya isa ito sa kinakatakutan natin dahil maaaring maapektuhan nito ang ating tiwala sa sarili at pananaw sa buhay.
4) PAG-EDAD O PAGTANDA
Parte ng ating buhay ang pagtanda ngunit hindi rin natin maiiwasan na matakot kapag tayo ay tumatanda na. Natatakot tayo sa mga bagay na maaaring mabago na dulot ng ating pagtanda katulad ng pagkulubot ng ating balat at paghina ng ating mga buto. Kaalinsabay na nito ang paghina ng ating katawan, mata at isipan.
5) KARAMDAMAN O SAKIT
Limitado lamang ang mga bagay na nagagawa natin kapag tayo ay may sakit kung kayat kinakatakutan din natin ito. Katulad sa panahon natin ngayon natatakot tayong mahawa ng lumalaganap na sakit na covid-19.
6) TRAHEDYA, AKSIDENTE O SAKUNA
Katulad ng nabanggit ko kanina hindi natin hawak ang buhay at oras natin sa mundo. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng oras na maaaring maglagay sa atin sa bingit ng kamatayan katulad ng mga trahedya na nangyayari ngayon sa buong mundo. Takot tayo sa sunog, bagyo, pagbaha, pagguho ng mga lupa at pagsabog ng mga bulkan na no magdulot sa atin ng trauma at mapait na karanasan. Natatakot tayo na kung hindi man tayo mamatay ay magkaroon tayo ng depekto at abnormalidad o kapansanan dahil sa aksidente na pwedeng mangyari kahit anumang oras o kahit saang lugar.
7) KALUNGKUTAN AT PAG-IISA
Kakambal na ng pag-iisa ang kalungkutan. Sino ba naman ang hindi natatakot na malungkot at mag-isa lamang sa buhay? Lahat tayo naghahangad ng makakatulong at makakasama habambuhay. Maaaring mangailangan tayo ng oras para sa ating sarili ngunit sa maikling panahon lamang. Hindi magtatagal maghahanap din tayo ng makakasama at makakausap. Lahat tayo naghahangad na maging masaya at magkaroon ng buong pamilya.
8) KASAMAAN
Natatakot tayo sa mga bagay at taong masasama. Maaring tayo ang maging biktima ng kasamaan o tayo mismo ang gumawa ng masama laban sa ating kapwa. Minsan dahil sa labis na inggit nakakagawa ng masama ang isang tao. Laganap na ang kriminalidad sa buong mundo kung kaya labis itong nagdudulot ng takot sa mga tao. Katakot-takot ang mga balita, kung makikita mo marami na ang halang ang mga kaluluwa na kayang pumatay ng tao na para bang normal na lamang ito. Kaliwa't kanan din ang mga nakawan at parami ng parami ang bilang ng mga panggagasaha sa mga kababaihan na gawain lamang ng mga demonyo at nagkakatawang tao lamang. Katulad nga ng sinsabi ng iba "matakot ka na sa buhay at huwag lang sa patay" sapagkat ang patay ay wala ng kakayahan pang gumawa ng kahit na anumang bagay ngunit ang taong buhay pa ay nasa kanya lahat ng kakayahang gumawa ng kabutihan at kasamaan.
Ngunit tandaan natin na lahat ng bagay ay may kasagutan, huwag lamang tayong mabalisa at mawalan ng pag-asa. Ipagkatiwala nating lahat sa Dios at gawin ang ating tungkulin bilang kanyang tagapaglingkod.
*****Filipos 4:6-7*****
***[6] Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.***
***[7] At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.***
Mawawala ang ating takot kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang lahat ng ating kabalisahan sa buhay. Ngunit tandaan din natin ang kasabihang "Nasa Dios ang awa, Nasa tao ang gawa". Malaki pa rin ang parte natin dahil tayo mismo ang gumagawa ng mga bagay at pangyayari sa ating buhay. Maging maingat na lamang tayo sa ating mga salita at gawa. Lahat ng bagay ay may katapusan kaya huwag tayong matakot at mabalisa.
Translate it!
This is supposed to be a short post but I post it here because creating a short post doesn't allow you to add photos. As you can see most of my published articles previously were in the Filipino language. Just in case you don't know I will give you a hint on how to translate articles in different languages by using read. cash platform.
So, if you want to read my article in the English language see the photo below and click the one with the red circle.
You can see the title of my article in Tagalog words(encircled with a yellow tint) but if click the one with a red circle it will directly translate to the English language, see the next photos.
There you go!
Try it and see how it works. I can say that it was more accurate than google translation.
I wrote and prefer my language because I express everything in my mind without changing words or phrases just to make it sounds good to readers. I sincerely apologize to my subscribers for writing Tagalog articles but please do me a favor, if you want to read my article or please try to read my articles in the English language by translating them first. I appreciate your effort if you will.
Thank you so much, readers and writers!
Thank you read.cash for this great opportunity for us!
@rosienne
Sodium bicarbonate: Benefits
We may overlook the use of these inexpensive products but this highly ignored baking soda has several purposes and benefits that everyone doesn't know. It is not just for baking to make your cakes and muffins soft and fluffy. It can act as your full-time cleaner all over your home. Its pure and white granules are the effective and safest way to eliminates kitchen and bathroom stains and bad odor. It can make your fridge free from odor and shine your sink and other kitchen tools. It is safe to use all over your house and body at the same time.
Baking soda is made of soda ash which is also called sodium bicarbonate. Baking soda is also a kind of salt. It has many health and beauty benefits. Let me show you below.
Health and beauty benefits of baking soda
Baking soda can treat heartburn or acid reflux.
Good for bowel cleansing.
Use to treat patients with poor kidney function.
Use to treat stomach ulcers and indigestion.
Sodium bicarbonate injection used in heart resuscitation and reviving of newborns.
It helps soothes skin inflammation.
Use to treat skin problems such as burns, acne, eczema, insect bites, and scaly and itchy skin.
Baking soda paste is good for whitening teeth, removing dental plaque, and exfoliating dead skin cells.
You can use it as your mouthwash to treat bad breath and can also be gargled to relieve throat pain.
You can directly apply it to your armpit to prevent body odor and sweats.
Baking soda may also have a positive effect on vaginal pH. A study found that sodium bicarbonate killed Candida cells that lead to yeast infections.
It has a high pH which can be used to remain active and delay fatigue.
Health Risk
Baking soda is not recommended for daily usage. It is important to consult your doctor if you decide to include baking soda as your natural remedies for your health issues.
*Person with high blood pressure should avoid using baking soda because it can increase blood pressure.
*It can lower blood potassium levels. A person with low potassium should also avoid consuming too much sodium bicarbonate.
*Sodium bicarbonate can worsen heart and liver functions in patients.
*Person with sensitive skin should also avoid using baking soda because it can cause skin irritation.
Baking soda is a very versatile ingredient that can be used in several ways. It can act as an overall cleaner, deodorizer, and odor eliminator. Baking soda is also used to wash off the wax and pesticides in fruits and vegetables.
Mga sakit na maaaring makuha sa kagat ng lamok
Isa sa pinakamaliit na insekto ngunit katakot-takot ay ang lamok dahil sa mga sakit na maaaring maipasa nito sa tao. Hindi direktang galing sa lamok ang bacteria o virus nagiging carrier lamang sila nito pagkatapos na makagat nila ang taong may sakit at napapasa sa iba pang magiging biktima nila. Sa artikulong ito tatalakayin natin ang iba't-ibang uri ng sakit na nagmumula sa kagat ng lamok. Ang natural na sintomas ng kagat ng lamok ay ang pagkakaroon ng mapula at pantal o butlig sa parte ng katawan kung saan kumagat ang lamok. Maaring mangati ito at magdulot ng allergy sa may mga sensitibong balat. Ang kagat ng lamok ay nawawala lamang pagkatapos ng ilang araw. Ngunit maaari mong lagyan ng gamot sa pangangati kung nangangati ito at namamantal. Ito ay natural lamang na reaksyon ng balat. Ang mga delikadong sakit na maaaring magmula sa lamok ay ang mga nasa ibaba. Basahin at alamin natin ang mga ito at paano nga ba natin masusugpo at mapipigil ang pagdami ng mga lamok.
Iba't-uri ng sakit na mula sa lamok
*1) Dengue fever*
Ito ang kilalang sakit ng mga tao na mula sa kagat ng lamok. Ang sakit na ito ay tinatawag na Aedes Aegypti o kaya naman ay mula sa lamok na Aedes Albopictus. Ito ay impeksyon na dulot ng virus na galing sa lamok. Ang lamok na may dalang dengue fever ay halos matatagpuan sa maraming bansa na mayroong tropikal na klima katulad ng Pilipinas.
Sintomas:
Matinding sakit ng ulo
Pananakit ng mata
Pabalik-balik at mataas na lagnat
Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan
Pagsusuka at kawalan ng gana sa pagkain
Pamamantal
Pagdurugo ng ibang bahagi ng katawan
Sa ngayon ay wala pang gamot o bakuna para sa sakit na dengue. Nilulunasan at ginagamot lamang ang epekto ng mga sintomas nito sa pamamagitan ng pagpapababa ng lagnat, pagpapalakas ng immune system, paglunas sa pananakit ng pangangatawan at pagpapanatiling hydrated sa taong biktima nito.
*2) Malaria*
Ang malaria ay hindi galing sa virus at bacteria, ito ay nagmumula sa isang parasites na kung tawagin ay *Plasmodium*. Ang parasitiko ay naipapasa ng babaeng lamok (Anopheles mosquitoes) sa tao.
Sintomas:
Mataas na lagnatat konbulsyon
Pananakit ng ulo
Panginginig at pananakit ng katawan
Pagpapawis
Pagsusuka at pagtatae
Paninilaw at pamumutla
*3) Chikungunya*
Ito ay halos kapareho ng dengue dahil sa pagkakapareho ng ilang mga sintomas at parehong mula sa Aedes Aegypti o Aedes Albopictus na lamok. Ito ay dulot ng isang virus na tinatawag na alphavirus. Ang ibig sabihin ng chikungunya ay pamimilipit kung kaya naman ang mga pasyente na may sakit nito ay talagang namimilipit sa sakit ng katawan.
Sintomas:
Mataas na lagnat
Sakit ng ulo
Pananakit ng mga kasu-kasuan
Pamamantal
Pagsusuka
Katulad ng sa dengue, ginagamot lamang ang mga sintomas nito. Mas marami ang nakakarecover sa sakit na ito kumpara sa kaso ng may dengue. Ngunit kahit na gumaling na ang isang tao sa sakit na ito ay maaari pa rin siyang makaramdam ng pananakit ng katawan sa loob ng anim na buwan o kaya naman ay isang taon pagkatapos ng gamutan. Ayon din sa pagsusuri isang beses lamang magkakaroon ng sakit na ito ay isang tao at pagkatapos nito ay magiging immune o ligtas ka na.
*4) Zika virus*
Naililipat ito sa tao sa pamamagitan ng Aedes mosquito na kumakagat (o sumisipsip ng dugo) kapag araw. Ito ay maihahalintulad din sa dengue.
Sintomas:
Lagnat
Pananakit ng ulo at katawan
Pamamantal
Pamumula ng mata o pagmumuta
Kapag may lumalaganap na ganitong sakit ay labis na pinag-iingat ang mga buntis dahil maaaring magdulot ito ng sakit o abnormalities sa sanggol katulad ng pagliit ng ulo na maaaring maging sanhi ng maagang pagkamatay ng sanggol.
*5) Yellow fever*
Ang sakit na ito ay nakakahawa sa pamamagitan ng kagat ng lamok na carrier ng sakit na ito at maaring mapasa ng tao sa kanyang mga nakakasalamuha.
Sintomas:
Lagnat
Panginginig
Sakit ng ulo
Sakit ng kalamnan
Walang gana kumain
Naduduwal
Pananakit ng tiyan
Mayroong bakuna para sa sakit na ito kung kayat hinihikayat ang isang tao na magpabakuna muna kung pupunta sa lugar na nagkaroon na ng kaso ng sakit na ito.
6) Japanese Encephalitis
Ang Japanese encephalitis ay isang malubhang karamdaman na mula sa kagat ng lamok at maaaring makamatay. Ang impeksyon na ito ay nagdudulot ng pamamaga utak at naaapektuhan ang spinal cord ng isang tao. Tinawag itong Japanese encephalitis dahil una itong naiulat sa bansang Japan taong 1871.
Sintomas:
Lagnat
Pagkahilo
Pagkalito
Pangingisay(seizure)
Panghihina o pananakit ng kalamnan
7) West Nile Virus
Ang sakit na ito ay mula rin sa kagat ng lamok na unang nailathala sa Estados Unidos taong 1999. Ang taong nahawa sa sakit na ito ay kadalasang hindi nagpapakita ng mga sintomas. Maaari din itong magdulot ng pamamaga ng utak kapag hindi naagapan agad. May ilan ding nagpapakita ng sintomas na katulad ng mga sumusunod:
Lagnat
Sakit ng ulo at katawan
Pamamantal
Pamamaga ng mga lymph glands
Ang mga sakit na sanhi ng kagat ng lamok ay maaring lumala at maging sanhi ng kamatayan kapag hindi naagapan kaagad. Mahalagang magpakonsulta sa doctor kapag nakaranas ng mga sintomas at pabalik-balik ang lagnat. Panatilihin na malinis ang kapaligiran upang hindi pamugaran ng lamok.
Mga bagay na dapat gawin upang makaiwas sa sakit mula sa kagat ng lamok.
Panatilihing malinis ang bahay at kapaligiran. Hanapin ang mga pinamumugaran ng lamok. Iwasan mag-imbak at itapon ang tubig na maaaring pag-itlugan ng lamok.
Huwag magtatambak ng basura. Isilid sa isang lalagyan o sako upang hindi mgpakalat-kalat ang mga basura na maaring pamugaran ng mga lamok.
Iwasan ang magsampay kung saan-saan. Itupi agad ang mga sinampay upang huwag na itong pamugaran ng lamok.
Panatilihing maliwanag ang buong bahay. Buksan ang mga bintana at ilaw kung kinakailangan. Lagyan ng screen o harang ang bintana o pintuan upang mabawasan ang lamok na maaaring makapasok sa loob ng bahay.
Magsuot ng mahahabang kasuotan, may manggas at gumamit ng kulambo kapag matutulog.
Gumamit ng mosquito repellent. Mabisa din ang paggamit ng citronella oil o candles upang mabawasan ang lamok sa bahay. Inererekomenda din ng CDC (Center dor Disease Control) ang paggamit ng eucalyptus and lemon oil bilang natural na mosquito repellent.
Maghugas ng kamay pagkatapos na patayin ang lamok na dumapo sa bahagi ng iyong katawan.
Labanan natin ang pagdami ng mga lamok sa ating lugar at humingi ng tulong sa mga numuno sa barangay upang magpausok sa buong barangay sa oras ng outbreak ng mga sakit na maaaring kumalat na dulot ng lamok. Ang pagpapanatili ng kalinisan ay mabisang paraan upang manatili tayong ligtas at malayo sa anumang karamdaman. Mag-ingat lagi at huwag lalabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.
Mga bagay na dapat ipagpasalamat araw-araw
Isa ka ba sa libo-libong tao na nakakaalala lamang sa Dios kapag may kailangan? O isa ka sa mga nagpapasalamat araw-araw? Ang pasasalamat sa ay isang pagtanaw ng utang na loob at kabutihan na ipinapakita at ibinibigay sa atin araw-araw. Ugaliin nating magpasalamat kahit sa maliit na bagay. Wala namang mawawala sa atin kung tayo ay magpapasalamat lagi sa Dios at sa mga taong tumutulong sa atin.
Narito ang nga bagay na dapat ipagpasalamat natin sa araw-araw.
Ang buhay at lakas na ibinibigay sa atin ng Dios upang masilayan natin ang isa pang panibagong araw at makasama pa ang ating mga mahal sa buhay. Tanging ang Dios lamang ang makapagbibigay sa atin ng mga bagay na ito kaya pahalagahan natin ang ating buhay at kaluluwa.
Ang mga trabaho, oportunidad at pagkakataon na ipinagkakaloob at ipinagkakatiwala sa atin upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan at maayos na pamumuhay.
Ang hiram na oras na bigay ng Dios ay hindi natin mabibili at maibabalik kapag ito ay lumipas na. Kaya habang may oras pa tayo dito sa mundong ibabaw igugol natin ito sa mga makabuluhang bagay.
Ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa atin lalong-lalo na ang ating pamilya(ama, ina, kapatid, lolo at lola), kaibigan, kapit-bahay at mga tao sa ating paligid na hindi nagdadalawang isip na tumulong sa atin kapag tayo ay nangangailangan.
Ang manatili tayong malusog at malayo sa karamdaman ay napakalaking bagay na dapat nating ipagpasalamat lalo na panahon ngayon ng pandemya. Mapalad tayo na hindi tayo nadapuan ng sakit na kumakalat sa buong mundo. Kaya alagaan nating mabuti ang ating kalusugan upang ang buhay natin ay magtagal at maging masaya tayo sa paglalakbay dito sa mundong ibabaw.
Ang mga kaalaman o talino, talento at kakayahan na ipinagkaloob sa atin ng Dios upang makatulong sa paghubog ng ating pagkatao at maging instrumento upang maging isang mabuting modelo ng ating kapwa-tao.
Ang pag-ingat at paglayo sa atin ng Dios sa kapahamakan at sa lahat ng anyo ng masama upang mabigyan pa tayo ng pagkakataon na magbago, maliwanagan at makaalam ng totoo.
Sa panibagong taon na darating ating pagnilay-nilayan ang mga bagay at pangyayari sa nakaraan. Huwag natin sayangin ang bawat oras na lumilipas sa mga walang kwentang bagay. Magpasalamat tayo sa lahat ng biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Dios at ng mga tao sa paligid natin. Maging ang mga maliliit na bagay ay ituring nating malaking gantimpala.
Ugaliin nating magpasalamat kahit saan man tayo mapunta at ano man ang mangyari sa atin. Ang simpleng pag-ihi at paghinga natin ay dapat nating ipagpasalamat ng labis dahil marami ang nahihirapang umihi at nahihirapang huminga ng normal dulot ng kani-kanilang mga sakit at karamdaman. Kaya napakapalad natin kung tayo ay walang sakit na dinaramdam. Ang mga maliliit na bagay na ginagawa ng ating kapwa ay bilangin natin bilang kabutihan. Hindi natin kayang mabuhay mag-isa kaya marapat na tayo ay magpasalamat sa mga taong umuunawa at nagtitiis sa ating mga pagkakamali at mga kalikuan.
Ang pagpapasalamat ay isang paraan upang maipakita natin ang ating pagpapahalaga sa mga bagay o pangyayari, sa mga tao, at sa mga pagpapala ng Dios. Araw-araw tayo magpasalamat hindi lang tuwing espesyal na araw at hindi lang kada taon, o tuwing pasko at kaarawan. Dapat araw-araw dahil araw-araw tayong nakakatanggap ng maraming biyaya na hindi lang natin napapansin dahil abala tayo sa ibang bagay.
Salamat sa Dios sa lahat ng kanyang pagpapala sa araw-araw!
Mga katangian ng isang Ulirang Ina
Naisulat ko nung nakaraang araw ang tungkol sa isang dakilang ama at ngayon naman aking ilalathala ang pananaw ko sa isang dakilang ina. Alamin natin ang katangian ng isang dakilang ina at pagyamanin ang ating kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod na talata.
Bilang isang magulang na rin marami ang pagsubok na dumating sa aking buhay na nagsilbing aral sa akin. Ang ilan dito ay nagbigay lakas sa akin upang manatiling nakatayo at huwag sumuko para sa aking mga anak. Samantalang ang ilan naman ay tumatak sa aking isipan at hanggang ngayon ay akin paring dala-dala ang hirap at sakit na naranasan. Hindi madali para sa akin ang mga pangyayari ngunit ako ay patuloy pa ring nagtitiis para sa aking mga anak. Tunay na hindi madali ang maging isang magulang lalo na ang maging isang ina dahil wala ka ng ibang iisipin kundi ang makakabuti para sa iyong anak.
Gaya rin naman ng mga nabanggit kong katangian ng isang dakilang ama ay gayundin naman sa isang ina, handang gawin ang lahat ng bagay para lamang sa mga anak. Ang kaibahan lamang ay magkaiba ng tungkuling ginagampanan ang ina at ama ng tahanan. Ang ina ay ilaw ng tahanan dahil siya ang magsisilbing liwanag ng pamilya. Ang ina ang tagapangalaga ng mga anak habang ang ama ay nagtatrabaho para sa kanilang mga pangangailangan.
Narito ang ilang mga katangian ng isang dakilang ina.
Ang dakilang ina ay walang ibang iniisip kundi ang ikabubuti ng pamilya lalung-lalo ng kanyang mga anak.
Hindi makasarili ang dakilang ina. Lahat ng kanyang maibibigay ay ibinubuhos niyang lahat para sa kanyang pamilya at mga anak.
Sobrang magmahal, mag-alaga at maglingkod sa pamilya.
Gagawin lahat ng makakaya upang mailayo sa karamdaman at kapahamakan ang mga anak.
Handang magsakrispisyo, magtiis at magsilbi sa asawa at mga anak habambuhay.
Mayroong mahabang pasensya at pang-unawa sa lahat ng bagay.
Hindi kayang ipagpalit ang anak para sa pansariling kalayaan at kaligayahan.
Masipag at may kakayahang pagsabayin ang mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga anak. Hindi nagrereklamo sa kanyang responsibilidad.
Tinutulungan ang kanyang asawa upang mapanatiling matatag ang pamilya at mabigyan ng protesyon ang tahanan.
Sa pagbubuntis pa lamang makikita mo na ang hirap at sakripisyo ng isang ina mabigyan lamang ng magandang kalusugan ang kanyang sanggol sa sinapupunan. Tinitiis ang sakit at hirap na mga sintomas ng pagbubuntis. Ang sakit at hilab ng tiyan na hudyat na ng kapanganakan. Ang panganganak ang isa sa pinakamahirap na parte ng pagiging nanay dahil katulad ng lagi nilang sinasabi habang ikaw ay nanganganak ang iyong isang paa ay nasa hukay dahil maaaring malagay sa panganib ang iyong buhay. Hindi dito natatapos ang paghihirap at sakrispisyo ng isang ina dahil habang lumalaki ang kanyang anak mas lalo pang nadagdagan ang kanyang tungkulin.
Hindi biro ang pagod at puyat ng isang ina para mabantayan ang anak at mapakain sa tamang oras. Ang paglalaba, paglilinis, pagluluto, paghuhugas at iba pang gawing bahay ay nakakapagod ngunit lahat ng iyan ay kinakaya ng isang ina, sabayan pa ng pagsaway sa mga makukulit at mga pasaway na mga anak. Nakakapagod pero sa bandang huli nakakatuwa at nakakagalak makita ang iyong mga anak. Ang makitang masaya at malusog ang anak ay sapat na itong kabayaran sa pagod ng isang ina.
Ang tungkulin ng isang ina ay hindi matatawaran ng kahit sino man. Walang makakapantay sa pagmamahal na kayang gawin at iparamdam ng isang ina. Lahat ng bagay ay posible sa kanya lalung-lalo na pagdating sa kanyang anak. Ang mga nabanggit ko sa itaas ay iilan lamang sa katangian ng isang dakilang ina. Iba't-iba ang pamamaraan ng isang ina upang maproteksyunan nya ang kanyang pamilya at mga anak.
Nakakalungkot lang isipin na may mga ina na mas pinipili ang pansariling kaligayahan at nagagawang iwan ang anak para sumama sa ibang lalaki at magsisimula ng panibagong buhay na parang dalaga. Labis din ang aking pagdaramdam sa mga balita na mga sanggol na nakikita sa basurahan, sa liblib na lugar at palutang-lutang sa ilog. Hindi ko lubusang maisip na kaya itong gawin ng kanilang sariling magulang. Mahirap maging isang ina ngunit hindi kayang mapantayan ng mga materyal na bagay o ng kahit ano man ang saya at ligaya na hatid ng mga anak lalo na kapag nakikita mong masaya at nakangiti sila saiyo. Ang bigat na iyong nararamdaman ay kaya nilang pawiin sa pamamagitan ng isang ngiti lamang.
Bilang isang ina gagawin ko rin ang lahat ng aking makakaya huwag lang mawalay sa akin ang aking mga anak. Sisiguraduhin ko na buo ang aking pamilya kahit mahirap para lamang sa aking mga anak. Titiisin ko ang mga bagay na nagpapahirap sa sitwasyon at sa aking buhay manatili lamang kaming buo at magkakasama. Hindi ko bibigyan ng pansin ang mga sinasabi at iniisip na masama sa akin ng ibang tao dahil kahit ano man ang aking gawin ay hindi pa rin sapat at lagi pa ring may mali at kulang sa kanilang paningin. Gagawin ko lamang ang parte ko bilang isang ina sa aking mga anak at hindi ko hahayaan na maapektuhan ang aking pananaw bilang isang magulang dahil lamang sa mga sinasabi at puna ng ibang tao.
Kaya bilang anak pasalamatan at bigyan natin ng gantimpala ang ating mga ina hindi lang tuwing may okasyon o espesyal na araw. Anuman man ang tawag mo sa iyong ina, mama, nanay, inay,mamang o inang mahalin natin sila ng katulad ng kanilang pagmamahal sa atin. Matuto tayong tumanaw ng utang na loob sa kanila. Igalang natin sila ng higit pa kanino man. Gantihan natin ang lahat ng sakripisyo na ginawa nila para mabigyan lamang tayo ng magandang buhay. Huwag natin silang pabayaan kapag matanda na sila at nahihirapan ng maglakad. Lingapin natin sila katulad ng paglingap satin noong tayo ay maliliit pa. Habang nakakasama pa natin sila pahalagahan ang bawat oras at araw upang hindi mo pagsisihan sa bandang huli. Huwag din tayong makalimot magpasalamat sa Dios dahil binigyan tayo ng pagkakataong mabuhay.
Mag-ingat sa mga binibitawang salita
Alam naman nating lahat na mahirap kalaban ang galit. Ngunit kailangan nating pag-aralan ang pagpipigil o pagkontrol sa ating mga sarili at mag-ingat sa mga binibitawang salita upang maiwasan nating makapanakit ng damdamin ng iba. Ang mga salitang binibitawan natin maganda man o hindi ay tumatagos sa isip at puso ng isang tao. Lalo na kung nakapagbitaw tayo ng mga masasamang salita laban sa ating kapwa. Ang sugat at sakit na dulot ng mga masasamang salita ay hindi agad naghihilom katulad ng sugat na literal. Mahabang panahon ang ginugugol dito upang tuluyang makalimot ang isang tao sa mga salitang kanyang narinig mula sa kanyang kapwa.
***Kawikaan 18:21***
***“Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; At ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.”***
Ang kapangyarihan ng salita ay maaaring magligtas ng buhay o magdulot ng kamatayan kaya dapat nating pag-isipan ang mga salitang ating bibitawan upang hindi tayo magsisi sa bandang huli. Tayo rin ang makikinabang at babalikan ng mga salitang ating binibitawan. Isipin muna nating mabuti ang maaaring kahinatnan ng ating mga sasabihin. Maging maingat tayo sa pagbitaw ng mga salita at pag-aralan maging malumay at magpakumbaba sa kapwa.
Ang mga salitang binibitawan natin ay pinanghahawakan ng isang taong may kaugnayan sa atin lalo na kung ikaw ay nangako dito kaya mahalagang matupad mo ito upang huwag sumama ang loob ng taong pinangakuan mo. Ang mga pangakong hindi natutupad ay nag-iiwan ng marka sa puso ninuman. Mahirap at masakit umasa sa taong hindi marunong tumupad sa usapan at sa kanyang pangako. Kaya huwag kang magbibitaw ng salita na hindi mo naman kayang panindigan.
Ang kapangyarihan ng salita ay maaaring magdulot ng magandang impluwensya sa isang tao. Ito ay magbibigay sa kanya ng lakas at determinasyon upang magawa ang isang bagay. Maaari nya itong paghugutan ng lakas upang huwag sumuko at patuloy na lumaban. Ang mga magagandang salita ay nagpapagaan sa kalooban ng isang tao at nagbibigay ito ng inspirasyon upang makamit ang isang bagay.
May mga oras din na hindi natin namamalayan na nakakapagbitaw na pala tayo ng mga masasama. Iba-iba ang dulot nito sa mga biktima. May ilan na kayang pigilin ang kanilang sarili upang huwag gumanti at makipagsagutan. Kadalasan din itong nagdudulot ng away na nagiging sanhi ng sakitan at samaan ng loob. Mayroon ding maramdamin na napopoot agad sa simpleng bagay. At isa sa pinakamesirableng maaaring mangyari ay ang pagpapakamatay. May mga taong sobrang baba na ng tingin nila sa kanilang mga sarili dahil sa pang-aalipusta ng mga tao sa kanilang paligid. Ang masasakit na salita na kanilang naririnig ay nag-iiwan ng malaking marka sa kanilang puso na hindi agad kayang maghilom. Pakiramdam nila wala silang halaga at bilang dito sa mundong ibabaw. Kung kayat naiisipan nila ang saktan ang kanilang sarili. Ito ay dahil na rin sa nagdudulot ng matinding depresyon ang mga salitang kanilang narinig. Ang masasamang salita ay mas masakit pa sa sugat ng kamay o ng kahit anong uri ng kagamitan. Ito ay nagdudulot ng labis na pinsala sa isip at puso ninuman.
Ang mga taong may maiksing pasensya ay mainitin ang ulo kaya huwag tayong magkakamaling magbitaw ng mga salitang hindi nila magugustuhan. Hindi natin alam ang takbo ng kanilang utak at hindi natin alam kung ano ang mga kaya nilang gawin kung sakali man na mapikon sila sa nasabi mo. Mag-ingat dahil maaaring makapanakit sila o baka higit pa dito ang kaya nilang gawin.
Kaya dapat tayong mag-ingat sa ating mga salitang binibitawan dahil sa atin din ang balik nito. Habaan na rin ang pasensya sa mga tao sa paligid mo. Huwag maging basehan ang posisyon o kalagayan sa buhay para magbitaw ng mga salita laban sa iyong kapwa. Hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari kapag nakapagbitaw tayo ng salita lalo na sa mga taong hindi marunong magtimpi. Mag-ingat sa lahat ng uri ng gagawin at pag-isipang mabuti lahat ng ito. Humingi din ng tawad kapag nagkamali at alam mong nasaktan mo ang ibang tao gamit ng iyong mga salita. Hindi naman masama ang magpakababa ka lalo na kung alam mong ito ang nararapat mong gawin.
Dakilang Ama
Ang unang pumapasok sa isip ko kapag naririnig ko ang katagang dakilang ama ay ibang tao. Nakakalungkot isipin na hindi ako nabiyayaan ng isang amang responsable at may paninindigan. Lubos na pinagpala ang mga anak na hindi pinabayaan ng kanilang haligi ng tahanan. Ganun pa man marunong pa rin akong tumanaw ng utang na loob sa aking ama at nirerespeto ko pa rin sya sa kabila ng kanyang kapabayaan sa pamilya. Hindi ko lang talaga maiwasan ang magdamdam dahil naiinggit ako kapag ako ay nakakakita ng ama na ginagawa ang lahat para sa kanyang pamilya.
Kung ikaw ang tatanungin paano mo mailalarawan ang isang dakilang ama? Sapat na ba na napagtapos ka niya ng pag-aaral at naibigay ang iyong pangangailangan? Gumawa ako ng sariling batayan upang matawag ko ang isang ama na dakila. Tunghayan ang mga sumusunod.
Matatawag kong dakila ang isang ama kung siya ay responsable at may paninindigan.
Ang kanyang pamilya ang una sa lahat. Pamilya ang kanyang prayoridad.
Kayang ipaglaban ang binuong pamilya hanggang sa dulo ng kanyang buhay.
Marunong magtimpi at magtiis para lang sa pamilya.
Hindi agad nagpapadala sa tukso dahil ang pamilya ang laging nasa isipan.
Mas pinipili at inuuna ang makakabuti at pangangailangan ng kanyang mga anak kaysa sa kanyang pansariling pangangailangan.
Naibibigay ang pangangailangan ng pamilya galing sa malinis at tamang paraan ng pamumuhay.
Napalaking may takot sa Dios ang mga anak at natuturuan ng mabuting asal.
Umiiwas sa mga bagay na posibleng makasira sa pamilya katulad ng bisyo at babae.
Iniisip ang kinabukasan ng mga anak.
Inaakay ang asawa sa paglilingkod sa Dios.
Nadidisiplina ang anak sa pamamagitan ng pagturo sa mga mabuting gawain at paglayo sa mga masasama.
Hindi lang sa pagbibigay at pagtugon sa pangangailangan ng pamilya nasusukat ang pagiging mabuting ama. Marami sa atin ang akala ay sapat na na maibigay ang pisikal at materyal na pangangailangan ng mga anak. Mayroon din dapat papel na ginagampanan ang ama sa paghubog ng pagkatao ng kanyang anak pisikal, mental at emosyonal man. Napakahalaga ng tungkulin ng isang ama na matupad ito dahil ito ang magsisilbing salamin ng kanyang mga anak hanggang sa paglaki ng mga ito.
Ang ama ang tinaguriang haligi ng tahanan dahil siya ang magbibigay lakas at proteksyon sa kanyang pamilya upang manatiling matatag at buo ito. Mabigat ang tungkulin na nakaatang sa kanya kung kayat nararapat na manatili siyang matatag sa pagharap ng mga suliranin sa buhay. Ang ama ang dapat na namumuno sa isang pamilya dahil siya ay lalaki at ito ay nakapaloob din sa banal na kasulatan. At ang asawang babae na magpapasakop sa kanyang asawang lalaki upang maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin at responsabilidad bilang magulang.
Marami akong kilalang dakilang ama na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para lang sa kanilang pamilya. Nagtatrabaho maghapon at magdamag, hindi iniinda ang sakit ng katawan upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang mga anak. Binubuwis ang buhay para sa kaligtasan at katahimikan ng pamilya. Hindi alintana ang init na dulot ng sikat ng araw at ang basa at lamig ng ulan kumita lamang sa malinis na paraan. Ito ang mga taong hinahangaan ko ng labis kumpara sa mga amang mas pinipiling kumapit sa patalim kahit alam nilang masama ang kanilang gagawin. Maraming paraan para kumita at maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Mahirap magtaguyod mag-isa ngunit mas mahirap kapag ikaw ay nasa nasadlak sa mga gawang masama na maaaring ikapahamak ng iyong buhay at ng iypng pamilya.
May kanya-kanya tayong kategorya upang matawag na dakila ang isang ama. At ang mga naisulat ko sa itaas ay batay lamang sa aking pansariling pananaw. Hindi ko man naranasan na magkaroong ng dakilang ama mayroon naman akong ina na tumayong ilaw at haligi ng tahanan upang lumaki akong hindi kulang sa aruga at pagmamahal. Sa kabila man ng lahat ng kapabayaan ng aking ama sa aming pamilya ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil nagkaroon ako ng pagkakataong mabuhay dito sa mundong ibabaw. Hindi man kami nagkakausap at nagkikita alam kong nagsisisi din siya sa kanyang mga pagkukulang. Panahon na lamang ang magtatakda ng mga bagay para sa kanya.
Mapalad kayo kung ang inyong ama ay dakila. Huwag ninyong sayangin ang mga pagkakataon na maipakita ninyo ang inyong pagmamahal sa kanila. Pasalamatan ninyo sila sa kanilang kabutihan at sa lahat ng kanilang ginagawang sakripisyo mabigyan lamang kayo ng magandang buhay. Tandaan natin na maikli lang ang buhay kaya matuto tayong magpasalamat, magpatawad at magmahalan. Bigyan natin ng gantimpala ang mga ama at ina na hindi sumusuko para sa kinabukasan ng mga anak at ng kanilang pamilya.
Pinakro (Ginataang Saging)
One of my favorite dishes is "pinakro" in Bicol and commonly known as ginataang saging in Tagalog. It was a plantain banana that was simmered in coconut milk until it becomes tender.
I remember when I was a kid we are always served pinakro as breakfast and snack in the afternoon. But sometimes when we don't have anything to eat it is also served as our meal for lunch and dinner. That's how poor we are but instead of complaining, we are still grateful because we have something to eat. Oftentimes we did not have any proper meal because my Dad was always intoxicated. He just spends his money on his vices than buying us food and other necessities. But thanks to my Mom she still managed to raise me and my siblings properly.
I missed Bicol dishes so much. It's been 4 years already since the last time I go there. I missed buko, suman sa ibos, binatog, nilupak, and many more. Bicol was known for its spicy and coconut cream-based dishes like Bicol express so there's no wonder why another snack in there was cooked with coconut milk.
By the way, let's go back to the pinakro dish. If you want to try this dish here's the recipe.
Ingredients:
8-10 pcs. medium plantain banana(ripe or unripe)
1 cup of coconut milk
1 tablespoon of sugar (you can add more)
Pinch of salt(optional)
Procedure:
Peel off a banana and cut it into desired slices.
In a pot, pour coconut milk, sliced banana, and a pinch of salt.
Cook in medium heat, bring to a boil, add sugar and simmer for 10 minutes or until it becomes tender and the coconut milk thickens.
Transfer in a bowl, serve, and enjoy!
*I don't like it when it too sweet but you can adjust the taste by adding more sugar and coconut milk.
Try it, it's very inexpensive but healthy and tasty.
*Photos are all mine*
Pangarap para sa lahat
Bata pa lamang tayo marami na ang nagtatanong kung ano ang ating pangarap sa buhay. Ano gusto natin maging sa paglaki natin. Noong elementarya at hayskul ako ay madalas kong marinig sa mga kaklase ko ang kanilang mga pangarap. Pangarap na maging isang doktor upang makatulong sa mga maysakit at karamdaman, maging isang guro upang magturo sa mga batang musmos at wala pang alam, maging pulis upang masugpo ang karahasan at mga simpleng pangarap na gusto ay makatulong lamang sa kanilang kapwa at maiangat ang sarili sa kahirapan.
Kahulugan ng Pangarap
**Ang pangarap ay sumisimbolo sa mga mithiin at mga ninanais sa buhay. Ito ay ang mga bagay na gusto natin maabot at makamit sa hinaharap.**
Ang halimbawa nito ay pagnanais mo na maging Doktor, guro, pulis, nars, chef at marami pang iba. Ngunit minsan ang pangarap natin ay paghahangad ng mga materyal na bagay katulad ng pera, bahay at kayamanan. May mga pangarap din tayo para sa ikakasaya ng mga mahal natin sa buhay. Pangarap natin na magkaroon sila ng maganda at tahimik na pamumuhay sa hinaharap. Nais din natin na makatagpo ng taong makakasama at mamahalin natin at tayo hanggang sa ating huling hininga. Pangarap para sa anak na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho at kinabukasan.
Kahalagahan ng Pangarap
**Mahalagang papel ang ginagampanan ng pangarap sa buhay ng isang tao dahil isa ito sa magbibigay direksyon at inspirasyon sa kanyang buhay. Ito ang magbibigay motibasyon sa isang tao upang huwag sumuko at manatiling nakatayo at lumalaban. Sa pamamagitan ng pangarap nahuhubog ang kanyang kakayahan at talento. Naipapakita ang determinasyon upang makamit ang mga hangarin at ninanais sa buhay. Ang pangarap ang magsisilbing instrumento upang masukat ang katatagan at talino sa pagharap sa mga hadlang upang makamit ito.**
Libre lang naman mangarap, kaya mangarap tayo hanggang gusto natin. Mahirap man o mayaman, lahat tayo ay may karapatang mangarap sa buhay. Hindi man lahat ng pangarap natin ay matupad may aral naman tayong napupulot sa ating pagkabigo na magagamit natin sa hinaharap.
Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap ay mayroon tayong mga bagay na dapat taglayin upang maisakatuparan natin ang mga ito. Pag-aralan ang mga sumusunod na nasa ibaba.
**1.) Magtiwala sa sarili**
Mahalagang kasangkapan ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili dahil ikaw mismo ang tutupad sa iyong mga pangarap. Ang tiwala mo sa iyong sarili ay napakahalaga sa kahit anong uri ng sitwasyon na mayroon ka. Ikaw mismo ang gagawa ng paraan para matupad ang iyong mga pangarap kaya kailangan na may tiwala ka sa sarili mo upang hindi ka agad sumuko at mawalan ng pag-asa upang tuparin ang iyong mga pangarap sa buhay.
**2.)Magdasal at Manampalataya**
Sa pag-abot ng mga pangarap ay napalahalaga ang pagdarasal upang gabayan ka ng Dios sa iyong mga hakbangin sa buhay. Mas malaki ang magagawa ng Dios kumpara sa mga kaya nating gawin dahil ang ating talento at kakayahan ay lumitado lamang.
**3.) Mag-isip at magplanong mabuti**
Kailangan nating pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang mga gagawin nating hakbang sa pagtupad nito dahil maraming mga bagay ang maaaring humadlang sa iyong mga hangarin sa buhay. Tanungin mo rin ang iyong sarili kung ito na ba talaga ang pangarap ko para sa aking sarili? Minsan naiipit tayo sa sitwasyon na gusto natin laban sa kailangan natin. Minsan din dahil sa kagustuhan natin na mapagbigyan at masunod ang ating mga magulang ay mas pinipili natin ang kanilang pangarap para sa atin kaysa sa pangarap na talagang gusto natin para sa ating mga sarili. Ngunit kung ikaw ay wala ng ibang mapagpipilian tuparin mo ito ng bukal sa iyong kalooban dahil hindi ito magbubunga ng maganda kung ikaw ay napipilitan lamang.
**4.) Maging masipag at matiyaga**
Hindi mo matutupad at maaabot ang mga ninanais mo sa buhay ng hindi mo ito paghihirapan. Maging masipag at matiyaga upang maabot mo ang iyong mga minimithi at ninanais na mga bagay. Huwag umasa sa tulong ng iba, pagsikapan mo na abutin ito sa pamamagitan ng iyong sipag at tiyaga.
**5.) Magsikap at huwag susuko agad**
Sikapin at gawin lahat ng makakaya at magagawa sa malinis at tamang paraan upang maabot ang iyong pangarap. Marami mang pagsubok ang iyong daanan huwag kang susuko agad dahil isa ito sa magpapatibay sa iyo sa pagharap sa mga maramimg problema habang pilit mong inaabot ang iyong mga mithiin sa buhay.
**6.) Huwag aasa sa tulong ng iba at sa suwerte**
Maaari kang humingi ng tulong sa panahon ng iyong kagipitan ngunit hindi mo pwedeng iasa sa ibang tao ang iyong mga pangangailangan sa pagkamit ng tagumpay. Huwag ka ring aasa sa suwerte o mga pampaswerte dahil ito ay hindi makakatulong sa iyo sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Lahat ng bagay ay nangyayari ng mayroong mga dahilan hindi dahil sa swerte o kamalasan.
**7.) Maging positibo lamang**
Iwasang mag-isip ng kung anu-anong mga bagay na maaaring makaapekto sa iyong mga desisyon at magiging hadlabg upang makamit ang iyong inaasam-asan. Iwasang mag-*overthink* at *negative thinking.* Huwag magpadala sa mga sinasabi ng iba laban sa iyo. Manatiling positibo sa at kalmado lamang.
**8.) Pangkalahatang pagbabago**
Kinakailangan ng pagbabago sa lahat ng iyong nakagawian, mula sa iyong sarili, panloob at panlabas na kaanyuan. Lahat tayo ay nagkakamali at nagkukulang kaya dapat kilala natin ang ating mga sarili upang mapaghandaan ang mga posibilidad na mangyayari sa hinaharap sa gitna ng pagtupad sa pangarap. Kung kinakailangan magtipid, magtipid ka, tipirin mo ang iyong sarili upang makaipon ka para sa iyong kinabukasan at iyong pangarap. Baguhin mo ang iyong ugali kung kinakailangan. Kung mayroon kang bisyo ay mas mabuting ito ay itigil mo dahil baka ito ay magdulot ng masama sa iyong kalusugan at kaisipan dahilan para hindi mo maisakatuparan ang iyong mga pangarap sa buhay.
Bagamat hindi lahat ng pangarap natin ay natutupad huwag tayong mawalan ng pag-asa upang mangarap ulit dahil libre lang naman mangarap. Wala namang mawawala kung susubukan natin ulit. Gaya nga ng kasabihan ***"Habang may buhay may pag-asa".*** Huwag natin itong kalilimutan dahil napakahalaga ang manatili tayong matatag at patuloy na lumalaban sa buhay.
Maniwala tayo sa ating mga sarili at higit sa lahat sa magagawa ng Dios na makapangyarihan sa lahat. Sabay-sabay nating abutin ang ating mga pangarap. Pangarap para sa sarili, sa asawa, sa anak, sa pamilya, kaibigan at sa mga minamahal sa buhay. Tuparin natin itong lahat sa pamamagitan ng mabuti at tamang paraan.
Check prices
What's happening? I am about to cry. I think she was right. Someone told me that cryptocurrency dumps every end of the year.
The $20 in my bch wallet was now only $16. I think this is the right time to buy another one. Buy at a very low price and sell it at a high price.
Always remember don't be emotional when investing in cryptocurrencies. As they always say "Invest what you can afford to lose."
Red flag..😭😭😭
Take profit
I started last week to save and invest in crypto. The bch I earn in this platform, I decided to split it into another cryptocurrency. And now I have 1,000 pesos in my bch and btc address while I only have 500 pesos in xrp. And I am planning to buy ethereum when I earn more next month.
My strategy was very simple and easy. I just take the profit when the price of crypto increases and still hodl the amount I invest and wait for the next few more hours or days to increase the value and take the profit again and again. When I save enough I bought another crypto with the lowest price.
I exclude myself from shopping online and craving for food to save more and to achieve my goals. It was kinda exciting and discouraging at the same time. Discouraging because the value of crypto was very volatile and you will never know when will your work will take off.
I always look at the chart to monitor the fluctuations.
Please let me know if you have some advice for someone like me who's willing to learn more about crypto just comment down below. Please help us beginners in the world of crypto.
I think I've lost my mind. I couldn't think properly and concentrate on composing the article this time. Even in my language, I having a difficult time starting to write. 😥😥😥
Gaano nga ba kahalaga ang panalangin araw-araw?
Sa bawat yugto ng ating buhay ay mayroon tayong pagsubok na pinagdaanan na nagbigay sa atin ng panibagong pag-asa, lakas ng loob at nagsilbing aral na ating mapapakinabangan habambuhay. Sa kabila ng maraming problema at balakid sa buhay nananatili pa rin tayong matatag at lumalaban. Ngunit alam mo bang labis na makakatulong sa paglutas ng ating mga suliranin kung marunong tayong tumawag sa pangalan ng Dios sa pamamagitan ng pananalangin?
`1 Tesalonica 5:17`
`Magsipanalangin kayong walang patid;`
Ang panalangin o pagdarasal ay pag-usal ng mga salita na humihingi ng tulong at pasasalamat sa Dios. Isa itong paraan na nagpapatibay sa ating pananampalataya o paniniwala na may Dios na lumikha ng sanlibutan. Malaking bagay ang pananalangin sa araw-araw upang magabayan tayo sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin. Malaki ang magagawa ng panalangin sa ating buhay lalo na kung gagawin natin ito araw-araw. Sa pamamagitan ng panalangin maaari tayong mailayo nito sa mga sakit o karamdaman, sakuna at anumang uri ng kasamaan na nagbabadya sa ating kapaligiran. Ang panalangin ang magsisilbing panangga o panlaban natin laban sa kasamaan. Ang panalangin ay makakatulong upang magkaroon ng katahimikan ang ating puso at kaispan. Magkakaroon ng direksyon ang ating buhay dahil sa pagtitiwalang ibinibigay natin sa maykapal. Ang kaparaanan ng Dios ay higit at dakila sa lahat ng bagay. Ang panalangin ay tumutulong upang huwag tayong matukso sa mga maling bagay sapagkat inilalayo ng Dios upang tayo ay huwag mapahamak at masadlak sa kasalanan.
Mabisa din ang panalingan na gamot sa taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Ang pakikipag-usap sa Dios sa pamamagitan ng panalangin ay magpapagaan sa iyong pakiramdam. Sa kanya mo iiyak lahat ng sakit na iyong nararamdaman. Siya ang makapangyarihan sa lahat na kayang gumawa ng mga bagay na hindi abot ng kakayahan ng tao lamang. Ang panalangin ay makakatulong din upang maibsan ang takot at pagkabalisa na dulot ng mga trahedya at mga pangyayaring hindi inaasahan.
Bagamat hindi lahat ng panalangin ay napagbibigyan ng Dios hindi ito sapat na dahilan upang tumigil at humina ang ating paniniwala sa kanya. Tandaan na may dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari sa sanlibutan. Minsan may mga bagay na gusto natin maabot ngunit hindi tayo napagbibigyan dahil siya ang mas nakakaalam ng mas nakakabuti para sa kanyang mga anak. Ang akala natin na ikabubuti ng lahat, minsan ay nagdudulot sa atin ng masama. Matuto na lamang din tayong sumunod sa aral at utos ng Dios upang mapagbigyan din ang ating mga kahilingan.
Alalahanin nating lahat na hindi natin maaabot ang isang bagay na hindi natin pinagpapaguran at pinagsisikapan. Gawin natin ang pagtupad sa mga ito sa tamang paraan at may kasamang pananalangin at pasasalamat sa Dios sa lahat ng kanyang pagpapala sa atin sa araw-araw. Ang panalangin ang magsisilbing patnubay at gabay natin sa araw-araw kaya pagsikapan natin ito na maisakatuparan. Ang pananalangin at pasasalamat lamang ang ating tanging maigaganti sa Dios sa lahat ng kanyang pagpapala.
Pag-iisang dibdib
Ang pag-iisang dibdib o pag-aasawa at pagpapakasal ay isang seremonya sa magkatipan upang pag-isahin ng banal na espiritu sa pamamagitan ng aral ng Dios na lumikha na gumagamit ng kasangkapan na magbabasbas sa magkasintahan. Ito ay maaaring ganapin sa simbahan o di naman kaya ay lugar na kung saan gusto ng ikakasal. Maari ding magpakasal sa huwes kung mas gusto mong makatipid. Ang pagpapakasal sa huwes ay kadalasang isinasagawa ng kinatawan ng pamahalaan. Dito sa Pilipinas madalas ay mayor ang nagkakasal at sa kanyang opisina mismo ito isinasagawa. Mayroon din namang libreng kasal o mas kilala sa "Kasalang bayan". Ang kasalang bayan ay madalas idinaraos sa isang malawak na lugar na maaring magtipon-tipon ang mga nag-iibigan na sabay-sabay tatanggap ng basbas galing sa huwes at mangangakong magsasama habang buhay sa hirap at ginhawa at sa sakit man o kalusugan.
Ang pag-aasawa ay isang napakakomplikadong desisyon sa buhay kung kaya dapat mo muna itong pagnilay-nilayan. Pag-isipang mabuti ang bagay na ito bago mo pasukin dahil hindi ito laro lamang. Huwag kang papasok sa sitwasyong ito na ikaw ay napipiltan lamang.
Bagamat dito sa Pilipinas ay marami pa rin ang napipilitan magpakasal dahil sila ay nabuntis o nagalaw na. Ang magulang mismo ang nagdedesisyon na ipakasal ang kanilang anak sa nobyo nito na nakabuntis o nakagalaw. Kung tutusin hindi ito sapat na batayan para ipakasal ang isang magkasintahan lalo na kung hindi pa sila handa na magsama bilang mag-asawa. Kadalasan sa ganitong sitwasyon ay nauuwi lamang sa hiwalayan dahil sa mahinang pundasyon ng samahan at pag-iibigan.
Mahalaga sa pag-aasawa ang pagiging handang emosyonal, mental at pinansyal. Ang pagmamahal ang dapat na nangungunang dahilan at sentro ng pagpapakasal hindi ang kung anu-anong mga dahilan. Ang pagmamahalan ninyo ang magbibigkis at magpapatibay ng inyong relasyon, pagsasama at pagbubuo ng pamilya. Nakakalungkot lamang isipin na marami ang nakakaranas at biktima ng hiwalayan dulot ng mga mabibigat na problema at kanya-kanyang dahilan ng mag-asawa. Marami ang nauuwi sa sakitan na dulot ng matinding away ng mag-asawa kapag hindi na nagkakaintindihan at nawawalan na ng pagmamahal sa isa't-isa. Kaya kung ikaw ay mag-aasawa pag-isipan mo muna ng maraming beses kung ikaw ay nakahanda ng pumasok sa sitwasyon na hindi mo maaaring takasan.
Laging tatandaan na bawat desisyon mo ay may kalakip na maganda at hindi magandang kahihinatnan na dapat mong paghandaan.
December 30, It's a Holiday!
Did you know why the Philippines and USA marked December 30 as a holiday? If you don't, let me tell you the reason behind this date.
December 30 is a regular holiday in the Philippines. It is a commemoration of the death of Dr. Jose P. Rizal known as the national hero of the said country. Rizal Day was first declared and instituted by President Emilio Aguinaldo on December 20, 1898, and celebrated on December 30 as grieving for Rizal and all victims of the Spanish colonial constitution in the Philippines. Rizal was known for his writings as his way to fight for freedom instead of using force and weapons. He gave up his life for the freedom of many Filipinos who are suffering from the Spanish conquest.
December 30 is also celebrated as National Bacon Day!
Who was a bacon lover here?
As far as I know, most of us love bacon. Especially nowadays, Korean was made Filipinos love their samgyupsal which commonly serve with pork belly(bacon cut). Well, who doesn't love the meat candy? I can still smell and taste the bacon I ate last day.
The National Bacon Day was invented in 1997 by Danya “D” Goodman and Meff Leonard to gather people together. Bacon Day is the best day ever even though you can eat bacon anytime you want. The best way to celebrate bacon day is to serve and eat bacon and you can also send a bacon gift or any food with bacon such as pizza bacon or a sandwich with bacon to your friends and family.
***"Everything goes better with bacon"***
Enjoy the upcoming holidays!
Huwag mong laitin ang iyong kapwa
Lahat tayo ay mayroong pagkakaiba ngunit ano pa man ang ating kalagayan sa buhay ay wala tayong karapatan na manlait ng kahit sino man. Tandaan natin na lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Dios. Walang mayaman o mahirap, walang pangit o maganda. Sa paningin ng Dios tayo ay pare-pareho lang. Kung may mga nakikita ka man na kakulangan at depekto sa isang tao hindi ito dahilan upang pagtawanan mo sya o laitin bagkus dapat mo siyang kahabagan. Ang mga taong may kapansanan katulad ng bulag, pipi, bingi at pilay ay hindi nila kagustuhan ang mga bagay na ito. Hindi sila karapat-dapat pagtawanan o laitin dahil mas kailangan nila ang habag, kalinga, pagmamahal at pang-unawa ng kanilang kapwa.
Ang mga taong nakakaranas ng panglalait ng kapwa ay mas lumiliit ang kanilang tiwala sa sarili. Tingin nila sa mga tao ay huhusgahan lamang sila at kakaunti lamang ang makakaunawa sa kanilang kalagayahan. Nagdudulot din ito ng sama sa kanilang kalooban. Nagbibigay daan din ito upang makaranas sila ng depresyon at kalungkutan. Marami din ang napapabalitang nagpapakamatay dahil sa panglalait ng ibang tao dahil sa kanilanv itsura at pagkatao. Mabuti na lamang ay may batas na nagbabawal sa panlalait at panghahamak sa kapwa.
Ang mga taong ipinanganak na may kakulangan sa pag-iisip at depekto sa katawan ay dapat na ituring na special ng lipunan. Ang pangungutya ng mga tao ay mas masakit at mas mahirap tanggapin kumpara sa kanilang kalagayan. Alam natin na mahirap ang mga kalagayan ng taong may kapansanan kaya huwag na natin dagdagan ang nagpapahirap sa kanilang kalooban. Dapat tayo ang magsilbing sandigan at instrumento upang lumakas ang loob nila sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay.
Kung ikaw ay may nakikitang mga pulubi o mga batang pakalat-kalat sa daan na madudungis at nangangamoy tiisin mo na lamang. Ito na ang kanilang katayuan sa buhay na mahirap alisan kaya bilang mas nakakataas ang abilidad at katayuan sa buhay mas mabuting tulungan mo sila kahit sa maliit na paraan imbes na kutyain at pandirihan. Kung may hindi man kagandahan sa iyong paningin ito ay normal lamang. Lahat naman tayo ay may kakulangan. Hindi tayo perpekto para magtaas-taasan. Kailangan nating tanggapin na mayroong pangit at maganda, may matangkad at pandak, may mataba at payat, may maitim at maputi, may mayaman at mahirap at may matalino at mahina ang utak. Lahat ng ito ay likas na sa tao. Hindi mo na ito maiaalis o mababago pa man.
Ang utos ng Dios ay magmahalan, magtinginan at magtulungan. Maiksi lamang ang buhay dito sa mundong ibabaw kaya matuto tayong gumawa ng kabutihan sa ating kapwa. Gawin natin ang mga bagay sa pamamagitan ng utos ng Dios upang magkamit tayo kapayapaan at masayang puso.
Tandaan:
***Lucas 14:11***
***Sapagka't ang bawa't nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas.***
Mas mahalaga ang pagkakaroon ng busilak ng kalooban dahil ito ang magsisilbing daan upang magkamit tayo ng buhay na walang hanggan. Lagi nating tatandaan na pinagpapala ng Dios ang taong marunong mahabag sa kanyang kapwa. Manaig sa ating lahat ang pagpapakumbaba at pagmamahal sa isa't-isa.
Money can't buy happiness
According to the study, money can also bring happiness but not all the time. Money is just a temporary source of happiness. It is true that the more money you have the more likely you become happy with your life but it can only correlate to certain material and earthly things.
As a human, having money is a plus and a reward to be more satisfied in your living but it doesn't make any sense if you live just for money. We have various needs to obtain. Money can be a part of it but it's not what we need all the time. Even the billionaire people have their own set of concerns like family anxiety to their kids, family, and health matters. Money can't even help to solve these consequences.
Sometimes money can be deceptive. It can cause life-threatening, block mailing, and harm your families. Money is not helpful all the time. You don't even know if the person loves you or your money. If you achieve one thing you don't even know if it because of your ability or is it because of your money. Sometimes people will treat you well because of your money.
We have our level of happiness and can be from different aspects. Other people are not longing for money to be happy. Dwelling in a very simple way with their family and loved ones are their true happiness. While other people who have high satisfaction in life can hardly fall into that kind of happiness. For them, money is everything.
There are many things that money can't buy. Check the list below.
**LOVE**- people with a lot of money will sometimes hardly get the true love they desire. Most of the time's women/men also seek someone with money to love. You may not able to differentiate people who love you for who you are or for what you have. But using the money you can make good memories and experience with your love.
**TIME**- anyone can make money but we can never buy or get more time. So cherish every second of your life because no matter how rich you are your money is useless against time.
**GOOD HEALTH-** rich people are less likely to pay attention to their health because of their busy schedules. They sacrifice their health for the sake of their wealth. Yes, money can afford good and private hospitals but your health can't go back to normal.
**KNOWLEDGE-** it can't be brought with money. It takes a lot of time and effort to make it. If you want to be intelligent you have to go through the process of learning, discovering, and experiencing it.
**TRUTH**- you can cover and suppress the truth for a while but at the end of the day, the truth will always prevail.
Based on what I learned for the past year and experiences money can make our life easier, comfortable and better. But don't get the wrong idea about money, because money is temporary and it can be lost anytime. There are a lot of things money can't buy. Most of them are cannot be seen but eternal and you can feel them.
Source:/https://statusquoteswishes.com/tag/best-motivational-quotes/

Paano makahanap ng totoong kaibigan?
Sa panahanon ngayon mahirap magtiwala sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw. Maging ang mga taong kilala mo na dati pa ay mahirap din pagtiwalaan. Napakapalad mo kung ikaw ay nakatagpong kaibigan na totoo saiyo kapag ikaw ay nakaharap at nakatalikod man.
**Narito ang ilang mga bagay na dapat pagbatayan upang makahanap ng totoong kaibigan.**
1.) Magpakatotoo
Kailangan mong magpakatotoo sa iyong sarili at sa mga tao. Kapag totoo ang iyong pakikisama ay mabilis kang makakakuha ng simpatya ng mga tao at magiging maluwag at bukas ang pakikisama nila saiyo. Iwasang magpanggap ng mga ilang bagay na walang kaugnayan sa iyong pagkatao at personalidad. Hindi ito makakatulong sa pakikitungo sa iyo ng mga nakakasalamuha mo at magiging daan pa ito upang hindi saiyo magtiwala ang mga tao. Madalas ka pa nilang mapag-isipan ng masama kapag hindi ka nagsabi ng katotohanan sa likod ng iyong pagkatao. Bagamag may mga bagay na hindi mo naman dapat pang sabihin katulad ng iypng mga sikreto ngunit maging totoo ka lang sa sarili mo at sa mga tao magiging magandang panimula ito upang makatagpo ka ng taong sasamahan ka sa hirap, lungkot at saya.
2.) Magtiwala
Bago mo unahin ang pagdududa magtiwala ka muna sa mga tao sa paligid mo dahil ikaw mismo ang makakaalam kung sino ba ang dapat at hindi mo dapat maging kaibigan at pagtiwalaan. Ang pagtitiwala ay napakahalagang uri ng pakikisama dahil ito ang pundasyon ng lahag ng uri ng relasyon.
3.) Huwag maging mayabang
Wala itong maibubungang maganda saiyo at sa mga tao sa paligid mo. Kung may kakayahan ka man sa buhay mas maganda pa ring ugaliin ang pagiging *humble* lamang.
4.) Huwag maging mapanghusga
Kung ikaw ay naghahanap ng totoong kaibigan huwag mong huhusgahan ang isang tao base sa kanyang itsura, pananamit at katayuan sa buhay. Dapat ay tanggap mo kung ano at sino sila.
5.) Maging tapat
Maliban sa pagpapakatotoo sa iyong pagkatao ang pagiging tapat ay magbibigay daan upang makapili ka ng kaibigan na tapat at totoo din saiyo. Hiwag kang magtatago ng sikreto kahit alam mong ikakasakit ng kanyang kalooban ito. Kung mayroon kang sama ng loob sa isang tao ay dapat sa kanya mo unang sabihin ito upang alam nya dahil hindi maganda kung sa ibang tao nya pa malalaman ito. Isipin mo ang mas makakabuti sa inyong pagkakaibigan at huwag kang maging makasarili.
Ang mga ilang bagay na nabanggit ko sa itaas ay iilan lamang sa mga paraan upang makahanap ka ng totoong kaibigan. Maraming paraan upang makahanap ng totoong kaibigan. Mas maganda na ang pipiliin mong kaibigan ay taong maraming karanasan at mayroon positibong pananaw sa buhay. Kaibigan na sasamahan ka sa hirap at saya. Hindi lang sa aliwan kundi maging na rin sa kalungkutan ay dadamayan ka. Kaibigan na nagpapakita ng magandang intensyon sa lahat ng pagkakataon.
Maganda rin kung ang iyong mapipiling kaibigan ay mayroong takot sa Diyos upang mas tumibay ang inyong pananampalataya at samahan. Mahalaga rin na kayo ay nagkakaintindihan at nagpapatawaran pagkatapos ng away o ng hindi pagkakaintindihan. Huwag kang maghahanap ng kaibigan na magdadala lamang sa iyo sa kapahamakan at magdudulot saiyo ng masamang impluwensya.
Hindi madali makahanap ng totoong kaibigan lalo na panahon ngayon na talamak na ang pekeng kaibigan na gagamitin ka lamang para sa kanilang kapakinabangan. Marami ng mapanglamang at manloloko sa panahon ngayon kaya dapat mag-ingat sa pagpili ng pakikisamahan.
To the moon!
Look at the picture above. What an amazing view, right? How I wish I hodl everything I got from this platform. Just in case you don't know what "to the moon means" it's an exclamation and slang uses in cryptocurrency when the token has greatly increased its value.
Well, it's not too late I just need some focus and discipline. Let us commit to hodl so, at the end of the day, we will not be sorry. It's a good investment this time. If you lose the chance this year don't make the same mistake next year.
I will include this thing in my New year resolution list. I think it's a good start. You too can do it, just believe in yourself.
Let's do it!
Fighting!