My Fiance is a Playboy Part 2

Avatar for leejhen
2 years ago

First day of school ni Macey as a First Year College at Soredad University.

Pinasabay siya ni Tita Rebecca kay Zander dahil bago pa siya at hindi alam ang pasikot sikot sa Manila.

Excited na kinakabahan ang nararamdaman niya.

Pero sa kalagitnaan ng kalsada ay biglang huminto ang sasakyan ni Zander.

"Get off!" Walang ganang sabi nito.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Macey.
Pero hindi niya magawang gumalaw man lamang.

Kung bababa siya, paano siya makakarating sa University?

"Bingi ka ba? I said get off!"Medyo galit na ito.

"Pero, walang sasakyan na dumadaan dito. Kahit taxi, wala." Katwiran niya.

"I don't care. Hindi ka bagay sa kotse ko. Kaya baba!"

Sapilitan nitong tinanggal ang kanyang seatbelt.

Gustong maiyak ni Macey pero hindi niya ginawa.

Pinasok niya ito. Kaya kakayanin niya.

"Okay, mag-ingat ka sa pag drive ha." Paalala niya kay Zander. Dahil sa car accident ay namatay ang mama niya at nawala ito sa kanya.

Tinawanan lang siya nito. At pinaharurot ang sasakyan. Nag iwan pa ng napakaraming usok.

Kaya mo yan Macey!

Nasanay naman siya maglakad ng napakalayo. Makakaabot din siya sa eskinita ng sakayan.

Nagsimula na siyang maglakad. Kung ma late man siya ay bahala na. Ang importante malaman niya kung saan ang room niya.

Medyo malayo pala ang sakayan. Nasa private place kasi ang Mansion ng mga Montelibano.
Puro may kaya at mayayaman ang nakatira. At ang kalsada natural na private din.

Wala talagang sasakyan na papasok dahil puro may wheels ang mga ito.

Pero hindi parin siya huminto sa paglalakad at nagpatuloy lang kahit nagsisimula ng pumatak ang kanyang pawis.

Napapagod na rin siya.

Nang biglang may nag beep. Tunog ng sasakyan!
Nabuhayan siya ng loob sa pag-aakalang binalikan siya ni Zander.

Pero ibang sasakyan ang nasa harapan niya.

Bumukas ang bintana nito at sumilip ang isang napakagwapong lalaki na nakangiti.

"Hey Miss, want a ride?" Offer nito.
Nagdadalawang isip pa siya. Hindi niya ito kilala.

Nahulaan naman nito ang kanyang iniisip.

"Don't worry, I'm not a bad person. Napakalayo pa kasi ng labasan dito. Baka ma late ka. Saan ka ba nag-aaral?" Tanong nito.

"Sa Soredad University." Matipid niyang sagot.

"Sakto, doon din ako nag-aaral. Sabay kana." Nakangiting offer ulit nito.

Choosey pa ba siya?
May nag offer na ng sasakyan kaya go na Macey.

No choice sumakay na siya sa mamahaling sasakyan nito.

At habang binabaybay nila ang kahabaan ng kalsada napanganga nalang si Macey.

Dahil napakalayo pala ng labasan. Aabutin yata siya ng tatlong oras. Kung maglalakad.

Na swerte parin siya at may nagmagandang loob na nag offer sa kanya ng ride.

Ang problema niya kung paano siya mag-aaral bukas?
Baka pababain ulit siya ni Zander.

Bahala na. Ang importante ay na save siya ngayong araw.

******************************
Soredad University

Napag alaman niyang Jerome pala ang pangalan nito. At hindi naman maitatanggi na mayaman din ang pamilya.

Tinulungan siya ni Jerome hanapin kung saang building siya.

Business Management ang kinuha niyang course at si Jerome ay sa Engineering Department.

Napakabait nito at inihatid pa siya sa kanyang building. Paulit-ulit siyang nagpasalamat sa pagtulong nito sa kanya.

Tinuruan pa siya ni Jerome na mag download ng app sa cellphone para magย  book ng taxi na maghahatid sa kanya sa school.

Bilang laki sa probinsya, labis siya na natuwa. May ganyan pala sa Manila.

At solve na ang problema niya kahit iwan siya ni Zander at hindi ihatid. May pera naman siya na ibinigay ng kanyang papa para sa pansariling pangangailangan.

Nang makarating na sa kanyang room. Nakita niya si Zander.

Classmate pala sila! At iniwan lang siya nito.

Gustuhin man niyang magalit ay hindi niya magawa.

She owe her life to him.

During the accident from 5 years ago. Zander risk his life para sa kanya.ย 

Kaya kakayanin niya at titiisin ang pagsusungit nito. At hindi magandang pagtrato.

Napakaraming estudyanteng babae na nakapalibot kay Zander.

Gusto niyang magselos pero pinigil niya ang kanyang sarili at pinakalma ang kanyang puso.

Classmate niya rin ba ang mga babaeng ito?
Parang sakit sa ulo lahat.

Nang biglang may sumigaw na grupo ng mga kababaihan.

The Queen is coming! Tabi kayo, tabi!

Queen? At nasagot naman ang tanong ni Macey.

Lumabas from the crowd ang isang napakagandang babae. Hindi ito naka uniform sa halip naka skirt at blouse lang.

Parang model kung maglakad lalo pa at naka 4 inches high heels ito.

Napakatamis ng ngiti ni Zander habang papalapit ang Queen sa kanya.

Mga ngiting na miss niya...

Ang mga babaeng kanina ay nakapalibot kay Zander ay nagsipag alisan.

"Good morning babe, bati nito kay Zander sabay halik sa pisngi at pagkatapos ay yumakap pa." Gumanti naman ng yakap si Zander.

Hindi niya magawang tumingin kaya dali-dali nalang siyang pumasok sa room.

Parang dinaganan ng napakalaking bato ang dibdib niya dahilan para di siya makahinga.

"Are you okay?" Tanong ng isang cute at magandang babae.

"Okay lang ako, thanks."Yon lang ang tanging nasagot niya dahil baka mapaiyak siya kapag nagsalita pa siyang muli.

"Here, drink this. You look pale, are you sure that you are really okay?" Panigurado nito. Ang bait at ang ganda niya.

Tinanggap naman ni Macey ang mineral bottle ng tubig at ininom. Medyo guminhawa na ang kanyang pakiramdam.

Tumunog ang bell at ang lahat ng estudyante ay pumasok na sa kanilang room.

Ria ang pangalan ng mabait na babae. Pero sayang at hindi sila magkatabi ng upuan.

Nasa likuran siya at bakante ang katabi niyang silya.

Pagpasok ni Zander nag sigawan ang mga girl students at kanya kanyang pa cute.

Sikat pala siya sa school. Natural napakagwapo niya.

Nakalapit ito sa kanya ng di niya namamalayan.

Pabagsak nitong inilapag ang bag. Ang kanina nakangiti nitong mukha ay napalitan ng galit.

"Hey witch, lakas din naman ng powers mo ha. Nakarating ka talaga dito sa school. Sumakay ka ba sa mahiwaga mong walis?" Nang iinis na tanong nito.

Para walang gulo, ay hindi nalang pinansin ni Macey si Zander. Na lalong ikinagalit nito.

Napakapit siya sa kanyang upuan ng itulak ito ni Zander palayo mga 3 feet ang layo.

"Diyan ka bagay. Huwag kang makalapit sa akin." At yon lang hindi na siya pinansin nito.

Pero ang bulungan ng mga classmates nila ay naririnig niya ng malinaw.

Naku napakamalas naman ng babaeng yan.

Oo nga napag initan ng badboy ng campus.

Good luck to her. Araw-araw siyang nasa hell niyan dahil kay Zander.

Ano kaya ang kasalanan ng babaeng yan?

Baka sobrang flirt hehe. Yan ang ayaw ni Zander.

Siya, flirt? Eh ni hindi nga niya nahawakan kahit buhok ni Zander.

Pero noon abot kamay niya lang ito...

Hindi nalang niya pinansin ang mga ito. Parang mga bubuyog ang iingay. At ang kanilang professor bale wala lang din. Parang bingi na walang naririnig.

Ganyan nalang din ang gagawin niya.

Uwian na, at si Zander walang pakialam sa kanya. Hindi siya pinapansin nito.

Paano siya uuwi?
Ay ang app pala na pwede tumawag ng taxi!

Nagsimula na siyang kalikutin ang kanyang cellphone ng may tumawag sa kanya.
Si Ria.

"Macey, hindi ka pa uuwi? Sabay na tayo sa parking lot." Pag aaya nito.

Nakakahiya naman. Wala nga siyang bisekleta na ma e park. Kotse pa kaya.

Puro mayayaman nga talaga ang mga nag-aaral dito.

"Mauna kana Ria, tatawag lang ako ng taxi." Medyo nabigla ito pero hindi naman nagpahalata.

"Sumakay kana sa akin. Let's go." At hinila na siya ni Ria dahilan para hindi siya makatanggi.

Nang makarating na sila sa parking lot. Di niya inaasahan na nandoon sina Zander at Katrina the Queen.

"Babe, ang bilis naman matapos ng araw. Bukas pwede ba ako ulit ang Queen?" With matching puffy eyes at todo pa cute ang Queen Katrina.

Humagikgik ng tawa si Ria. Kaya imbes na malungkot siya sa nakikita ay tumawa nalang din siya.

"Bakit?" Bulong niya kay Ria.

"You will know tomorrow. Bago ka pa kasi sa school." Na curious tuloy siya kung ano ang tinutukoy nito.

"Pa suspense naman hehe." Mahinang tawa niya na hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Zander.

"What's funny, witch?" Galit na tanong nito.

Naku, ayan na naman ang menopause na si Zander.

Hindi siya sumagot at lumapit ito sa kanila.

Buti nalang at nabuksan na ni Ria ang kanyang kotse at agad na pinasakay si Macey.

Hindi maipinta ang mukha ni Zander ng humarurot na ang sasakyan at binugahan siya ng usok.

Medyo na guilty si Macey. Pero mabilis ng nakalayo ang kanilang sasakyan.

"Hey, bakit galit sayo ang badboy ng campus?" Nagtatakang tanong ni Ria.

Ano ba ang isasagot niya? Hangga't maaari, gusto niyang gawin pribado ang kanyang buhay.

"Hindi ko alam eh, baka naglilihi lang." Nakatawa niyang sagot.

Natuto na rin siyang mag joke sa isang araw na nakilala niya si Ria.

At nagpapasalamat siya na napakabait ng Diyos at nakilala niya ang mga tumulong sa kanya na sina Ria at Jerome.

Lalo siyang nabuhayan ng loob na lumaban para kay Zander.

Hindi siya nagpahatid sa mismong gate ng mga Montelibano. Sa isang eskinita lang na malapit dahil baka magka issue pa at magalit na naman si Zander.

And speaking of the campus badboy...

Pagbukas ng gate, ang galit na mukha ni Zander ang bumungad sa kanya.

Umatras siya at gustong tumakbo papalayo.

Pero saan naman siya pupunta?

"Finally you are here, witch." Nakangiti pa ito nang nakakaloko.

Masama ang kutob niya sa mga ngiti nito...

leejhen ๐Ÿ’ž

Like the story?

Part 1

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-1-c9799b50

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/UjyrSazhPlb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

๐Ÿ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

๐Ÿ‘‰https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty


18
$ 5.02
$ 4.53 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.10 from @Crackers
+ 7
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Oh Zander ayan na si Jerome pede kana mag left the group nangigigil talaga ako sayo eh hahahaha charrlungss. Ganda po nang story kahit medjo nahighblood ako๐Ÿ˜†

$ 0.05
2 years ago

Haha Kaso hindi ko na muna maipagpapatuloy dito dahil isasali ko siya sa Dreame contest. Doon na siya mababasa. Waiting for approval pa ako.

$ 0.00
2 years ago

awesome

$ 0.00
2 years ago

Grabe Ang bad ni kuya kay ate pero okay lang may oras ka rin kay ate sigurado hahabul habulin mo kuya si ate at who you ka sa kanya pagdating Ng panahon, Hahahahaha charrrrr ๐Ÿ˜, Parang meron na Naman akong aabangan nito sis.

$ 0.05
2 years ago

women's feelings are sensitive, easily hurt and hurt. playboy to the sea alone. I'm a man but angry with the attitude of a playboy

$ 0.00
2 years ago

Mga ganitong kwento ang pinanggigigilan ko wahahaha ung galit pero deep inside is na hurt dn nmn. hehehe may bago akong susubaybayan ulit.๐Ÿ˜Š

$ 0.05
2 years ago

Hahha last na ito at need ko na tapusin silang lahat. May dalawa pa pala haha.

$ 0.00
2 years ago

hehehe oo nga po amg dami nyo na pong kwento lng ginawa eh.

$ 0.05
2 years ago

Thank God after Soo many waiting that was Post . I'm waiting for last two days part two and now finally it's going to read , that was ending at interested time so I'm reading and give you feedback on next part Hope you are already think about next and surprised to us

$ 0.00
2 years ago

Ayan na Zander! Andyan na si Jerome na iibig kay Macey? Heheh, ,bitin ako kaya next please.

$ 0.05
2 years ago

Haha ang next bukas pa.

$ 0.00
2 years ago

Abangan ko yan bukas sis.

$ 0.00
2 years ago

Next please! nakakabitin eh! heheh ,, ano kaya ang gagawin ni Zander hmmp..

$ 0.05
2 years ago

Hahaha surprise wala naman sila ginawa.

$ 0.00
2 years ago

Aw, Zander naman parang kang may dalaw lagi, buti nalang nandyan si Jerome at Ria na Nagasaki kay, Macey.

$ 0.05
2 years ago

Nag menopause na siya haha.

$ 0.00
2 years ago

Ang kasunod ,hahaha

Salbahe na Jerome yon ah ,parang nag lilies hehhe

$ 0.05
2 years ago

Bakit salbahe si Jerome? Haha pero salbahe talaga siya.

$ 0.00
2 years ago

Salbahe nag kamali ako ng type heheh

$ 0.00
2 years ago

Nabitin na naman ako maam leejhen. Nakaka thrill naman to. Ang ganda na ng part 2. Ang sungit ni Zander.๐Ÿ˜… Grabe ginawa niya kay Macey. Pinalabas sa sasakyan at pinalakad. Hehe sana magbago na siya. Waiting sa part 3 maam leejhen.โ˜บ๏ธ

$ 0.05
2 years ago

Yay! Thank you for your shareable link!

$ 0.05
2 years ago

Congratulations ๐Ÿฅณ

$ 0.00
2 years ago

Thank you so much!

$ 0.00
2 years ago