Join 83,229 users already on read.cash

Murder me with your Love Part 4

20 63
Avatar for leejhen
Written by ย ย 519
2 months ago

Ahhhhhhhh!!!!

Napasigaw si Athena habang pinapalo ng kanyang payong kung sino mang anino na kanina pa nakasunod sa kanya.

"Ahhh!!! wait Athena! Athena! Ako ito." Sabi ng isang lalaki.

Huh? Tumigil si Athena sa pagpalo at pinagmasdan ng mabuti kung sino.

"J-Joshua? Ano ang ginagawa mo dito? Natakot ako sayo ah!"

"Ah, M-may ibibigay lang ako sa-sayo" nauutal na sagot nito.

" Okay ano yon?"

"I-ito." Nanginginig pa ang kamay ni Joshua habang iniaabot ang sobre kay Athena.

"Si- sige uwi na ako" at mabilis na itong kumaripas ng takbo.

Isang love letter ang binigay ni Joshua. Simple at napaka cute lang basahin.

ANONYMOUS PERSON

"I will surely not make you happy! All of you will suffer from my wrath!!!

Revenge ba kamo gusto niyo? Well, take my Revenge too" at sumilay ang mala demonyong ngiti ng isang babae na nakatago sa dilim habang pinagmamasdan si Joshua papalayo.

"LET THE GAME BEGIN!

HIDE AND SEEK.....

Photo Credit to Unsplash

AT THE SCHOOL

Habang papasok si Athena sa University may lumapit sa kanya na mga estudyanteng lalaki at may dalang Bulaklak na rose.

Nagtataka man ay tinaggap niya ang mga yon isa isa till she finally reach their room.

Andun si.....

Joshua??

Yeah Joshua is holding a bouquet of Roses. At masayang nakangiti.

Lumapit ito sa kanya at ibinigay ang Flowers.

"Good morning babe!" Masayang bati nito sabay halik sa pisngi niya.

Woahhhhh babe daw!!!

Ay sila na ba????

OMG ka kilig hehe....

Hiyawan ng mga classmates nila.

Di makagalaw si Athena dahil sa shock!

Babe? Ano daw?

Bago pa makapag salita si Athena ay biglang dumating si Sir Rainier.

"Ehem! Remember! strictly no flirting! during class hour!" At yon lang deretso na siya sa paglalakad at walang lingon likod na nakasimangot.

"Babe! Did you like the flowers?"

Eww! what the?? Kinikilabutan si Athena sa naririnig niya.

Ano ba ang nakain nitong si Joshua?

Hinila niya si Joshua sa likod ng paaralan. Di pa naman nag bell.

"Joshua what happened to you? Bakit babe ang tawag mo sa akin at may pa flowers ka pang nalalaman?" Tanong ni Athena.

"Hah? Di ba yan ang request mo sa akin? You told me yesterday.!"

"Ano? Eh bigla kang tumakbo matapos mo ibigay ang sulat mo sa akin!"

"Huh? Sinundan mo ako at niyakap sabi mo gusto mo din ako!."

Nabigla si Athena! Siya ba talaga yon?

"Ako? Joshua huling kita natin ay yong tumakbo ka."

Naguguluhan na si Joshua.

"No! Sinundan mo ako at binigay mo pa nga number mo. Nag text tayo hanggang madaling araw." Nalilito na sagot nito.

Number???

"Show me Joshua. Let me see my number". Agad naman kinuha ni Joshua ang Cellphone niya at hinanap ang number ni Athena na naka phonebook as Babe.

Biglang kinabahan si Athena ng makita ang number niya na sinasabi ni Joshua.

She will never forget that number! Number ito nang nagpakilalang Athena kay Matthew!

"We better go to the Dean's office now!" At agad na hinila si Joshua na naguguluhan pa rin.

The only lead for Matthew and Dolores Murder is the cellphone number that texted Joshua.

Kaya nakakalat na sa buong bulletin board ng school ang number ng suspected killer. Para ma aware ang lahat ng students.

Kawawang Joshua. Naudlot ang kaligayahan sa pag aakalang girlfriend niya na si Athena.

Unang kita niya palang kay Athena ay na love at first sight na siya!

Napakasaya niya ng gabing iyon na napalitan lang ng lungkot ngayong umaga.

ANONYMOUS PEOPLE

"Hey! What did you do? "

"Do what?"

" Bakit mo binigyan ng clue ang mga police?"

"Huh? I don't know what you're talking about."

" Humarap ka bwesit!" Sabay putok ng baril.

" This is my last revenge! So don't meddle with my business!"

" Revenge to the wrong people? Sinabi ko na ayaw ko na. Tumigil ka na!"

" I will never stop unless I'm dead! Dare to kill me?"

"Dinadamay mo ang mga walang kinalamanan.!"

"At isa pa stop showing me your gun! Very annoying!

" Tsk! Eh sa feel ko magpatutok eh haha! But wait...

What are you talking? I didn't make my next move until now!"

"Kung hindi ikaw? Sino???"

Photo Credit to Unsplash

SCHOOL EXAMINATION

At dahil masama ang pakiramdam ni Mr. Dimataga si Mr. Gonzalez muna ang acting adviser nila.

Well Mr. Dimataga is just at the clinic nagpapahinga lang muna dahil biglang tumaas ang BP niya.

"Ang gwapo talaga ni Sir Rainier!!

"Agree di bagay sa kanya maging teacher besh baka model or artista hehe."

Tilian ng mga girls..

"Shhhh mag tigil nga kayo! Focus kayo sa exam! Baka itlog na naman ulit score niyo!" Si Mylene na kanina pa naiirita sa mga classmates niya.

"Kalma ka lang Mylene haha, hayaan mo na sila." Si Athena na nakangiti at di namalayan ang paglapit ni Sir Rainier.

"What's funny? Ms. Dela Merced?" Nakasimangot na tanong nito.

Paktay!!!

"Ah n- nothing Sir" Kinakabahan na sagot ni Athena.

"Give me your paper and leave!"

Nagulat si Athena! Hindi pa siya tapos!

"Ah Sir I'am not finish yet. Can I stay?"

"No! Leave! now!" Tila galit pa ito.

Anong nangyari sa lalaking ito? May period? Itlog na naman ang score ko nito Hayyy!!!

Walang nagawa si Athena kundi ang umalis but before she went out the room may pahabol pa si Sir Rainier.

"Wait! Go to the clinic and bring me a medicine for headache. Sumasakit ulo ko sa inyo."

Hmmpp!! Paki ko...

Nagmamaktol na sagot ni Athena sa isipan. Ganun paman nagpunta parin siya sa Clinic.

Para maka inom ng gamot ang bugnuting lalaki hehe.

Pagdating niya sa Clinic nakabukas ito kaya hindi na siya kumatok. Papasok na sana siya ng makarinig ng bulungan.

At nagimbal siya sa kanyang nakita! Si Mr.Dimataga! May ka flirt na estudyante! At ang sagwa pa ng posisyon ng dalawa.

Ewwww!!!

Ay ang uniform ng babae! Kita na ang singit!

Sino kaya ang walang modong babaeng ito? Nasa school pa naman siya!.

Mas lalong nagulat si Athena ng tumayo ang babaeng estudyante! Hindi siya makapaniwala sa nakikita!

Kamukha Niya!!!!

WTF???!

Ng biglang may magsalita sa likuran niya....

"Ms. Dela Merced! What took you so long? Tapos na ang exam ang gamot ko wla pa!"

Si Sir Rainier!!!

Naku! Ano ang gagawin ko? Think brain think! Mag isip ka!!!!

Paano ako makapag iisip eh ang gwapo ng nasa harapan ko!

Naku Rainier you are not helping! Sobrang gwapo mo huhu!

Hoy utak! Anong petsa na? May naiisip ka na ba?

Bilisan mo brain go!!! Think!

To be continued....

leejhen ๐Ÿ’ž

Love the Story?

Start reading at the beginning....

Part 1

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-1-84e0f0aa

Part 2

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-2-95a1a470

Part 3

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-3-ccf113f5

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/7WyrxWlRUkb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

๐Ÿ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

๐Ÿ‘‰https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty
empty

20
$ 13.97
$ 13.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.10 from @PVMihalache
+ 6
Sponsors of leejhen
empty
empty
empty
Avatar for leejhen
Written by ย ย 519
2 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Either kambal tlaga ito ni Athena or close friend nya na ginaya ang mukha nya. Nakakaduda na. Yay, nakakahabol na ulit ako! hehehe.

$ 0.05
2 months ago

Haha go lang.

$ 0.00
2 months ago

Omoooo, kapangalan pa ni crushie 'yung may gusto kay Athena ay. ๐Ÿ™ˆ Pero sino nga kaya 'yung killer? Tama kaya hinala ko na twinnie s'ya ni Athena or something na ginaya 'yung mukha n'ya? Wala, bagong naisip ko lang. Hehe! Buhol-buhol na braincells ko dahil sa kakaisip kung sino ba 'yung killer. ๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ

$ 0.05
2 months ago

Haha ako ang killer charot ๐Ÿ˜

$ 0.00
2 months ago

Hahaha part 5 na kaagad, Atee.

$ 0.00
2 months ago

Sino poba talaga ung killer?? Pinapatay naku ng curiosity ko sa story na ito HAHA , waiting na namn po ako... Hehe

$ 0.05
2 months ago

Hahaha. Di ko alam kung sino lol.

$ 0.00
2 months ago

Hayst sino kaya totoong killer.

$ 0.05
2 months ago

Haha to be continued..,lol

$ 0.00
2 months ago

May kakambal si Athena? ,curious ako? Hehehe.

$ 0.05
2 months ago

Ewan ko lol ๐Ÿ˜

$ 0.00
2 months ago

Abangan lang sa susunod na kabanata.

$ 0.00
2 months ago

First of all good Morning Dear to you dear friend have a Good Day, this day Will bring a Lot OF happiness and pleasant Environment for you

I listen this word after few days Halloween but I can't understand , I listen this word to my friend he was telling to me he will win something about Halloween and make complete task

But I surely tell I totally understand about this reading articles and tell you I can understand about activity

Best wishes for you and This day Will give you a smile

$ 0.00
2 months ago

Sounds scary! Even if I couldn't understand it! :D

$ 0.05
2 months ago

Oh thanks. It was written in Tagalog ๐Ÿ˜…

$ 0.00
2 months ago

Kakatakot may isang taong ginagaya yung mukha ni Athena.๐Ÿ˜ฒ kakaba nito si Athena pa talaga. Gusto ko na malaman maam leejhen kung sino ba talaga yang taong kamukha niya... Waiting ako sa continuation maam...

$ 0.05
2 months ago

Ako ang killer hahha charot๐Ÿ˜

$ 0.00
2 months ago

Sino kaya talaga uong killer may kamukha si athena, e wait ko ang next episode.. By the way sis thanks di ako ang naka una mag read pang apat na ako sa naka basa pero di nila open ..

$ 0.05
2 months ago

Haha akala nila wala ng lamang๐Ÿ˜… pero nice open mo parin just to make sure. Congrats ๐Ÿฅณ

$ 0.00
2 months ago

Oo inopen ko pa din hahaha salamat

$ 0.00
2 months ago