My Mother's 14 children (Tagalog)

14 44
Avatar for itsmeCguro
2 years ago

Just a background of this story - since it's January 14th, I thought of writing something related to number 14. This number is really special to me so I decided to post this story - My Mother's 14 children.

This is a fiction story of my mother's 14 children. Originally, it's in Tagalog so I didn't bother to translate it in English. I think it's better that way. If I'm going to translate it in English, the rhyme will change. It is my first time writing in Tagalog so bear with me.

Ang Labing Apat na Anak ni Nanay

Lead Image created by me via Canva

"Ano ba naman itong mga kalat na ito!"

Nadatnan na naman ni Nanay na magulo ang bahay.

"Huwag na kayo dito sa loob ng bahay maglaro. Ang dami ko na namang ligpitin!"

Iyan ang laging sinasabi ni Nanay tuwing dadatnan niyang magulo ang aming bahay. Mahirap talaga kapag naglalaro kaming lahat na magkakapatid.

Umalis si Nanay nang malinis ang bahay, babalik siyang magulo na at wala sa ayos.

Hindi kasi namin mapigilang hindi magkalat kasi ang dami naming naglalaro.

Alam mo ba kung ilan kami?

Labing apat!

Labing apat ang anak ni Nanay!

Ako ang panganay at ako ang naiiba.

Ako ang talagang anak niya.

'Yung iba, bigay lamang ng mga kakilala ni Nanay at 'yung iba naman naligaw lang sa aming bahay dahil walang matitirhan. Napakabait ni Nanay dahil kinupkop niya silang lahat.

Pero, kahit na sino at saan pa man kami galing, mahal kaming lahat ni Nanay.

Masaya ako na maraming anak si Nanay.

Labing tatlo ang lumalambing sa akin pagkadating ko galing iskul.

Labing tatlo rin ang kalaro ko sa tagu-taguan at habul-habulan.

Tuwing ako'y nag-iisa at nalulumbay, labing tatlo silang lalapit sa akin.

Labing tatlo rin ang kasama ko kapag umaalis at namamalengke si Nanay.

Nagiging Ate ako kapag kasama ko sila.

Kapag wala si Nanay, ako ang nag-aalaga.

Ako ang naghahain ng kanilang pagkain at inumin,

Pati pag-aayos ng kanilang higaan, ako rin.

Nakita ko ang pag-aalaga ni Nanay sa labing tatlong pusang nasa bahay namin.

Walang pinagkaiba sa pag-aalaga niya sa akin.

Minamahal, inaayusan ng higaan, pinapakain at inaalagaan.

Kahit na hindi sila tunay na anak ni Nanay,

Labing apat ang tinuturing niyang anak na tunay.


I'm not really a fan of cats but they look really cute. I can still recall how people used to associate my face with cat's face - cute and innocent or maybe because I do look like I have whiskers when I laugh and smile. Imagine haha! Anyway, thank you for reading my first ever Tagalog story. I'm not really good with Tagalog words so bear with me. Nighty night hoomans! ✨

January 14,2022 | 11:58pm

4
$ 1.50
$ 1.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @yhanne
$ 0.02 from @Usagi
+ 5
Sponsors of itsmeCguro
empty
empty
empty
Avatar for itsmeCguro
2 years ago

Comments

Akala ko talaga mga bata na literal tao hahaha. Pero ganda ng story ate. Saka ang hirap nun ha. Sa limang meron kami dito nga hirap na kami mag alaga eh.

$ 0.01
2 years ago

Yun talaga ang gusto ko iportray haha para may plot twist naman sa dulo. Hirap nga pag marami na sobra.

$ 0.00
2 years ago

Pag madami ate parang nag tayo ka na bahay ampunan ng mga pusa heheehe.. ayoko naman umabot sa ganun. Wala akong will para mag alaga ng ganun kadami din eh..

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga, mas marami na ang pusa nyay haha

$ 0.00
2 years ago

Pero may kilala akong 15 talaga biological children niya. Hmm, hindi masama maganak ng madami basta naibibigay mo mga needs nila. In her case, hindi. Hey, I like cats, too!

$ 0.01
2 years ago

Meron din akong kilalang ganyan. Nakakaawa na lang yung mga bata kasi they can't have what they need. Sad. Yey, cute diba ng cats!

$ 0.00
2 years ago

Akala ko talaga mga bata. Haha. Ang cute ng story mo sis. I'm a fan of cats more than dogs, madali kasi silang alagaan tsaka magaan. Hehe

$ 0.01
2 years ago

I do agree sis, mas independent ang pusa kesa sa dogs.

$ 0.00
2 years ago

I clicked on the title coz it was catchy,,, unfortunately I can't read it... :(

$ 0.01
2 years ago

I'm glad you find the title catchy, so sorry, it's written in Tagalog. Thinking of translating this one into English so you can read 'em.

$ 0.00
2 years ago

That would be appreciated my friend... You're very nice...

$ 0.00
2 years ago

Bet it’s a nice write up even though I couldn’t read them 😁

$ 0.01
2 years ago

Aww sorry bigshegs, can't translate this one into English 😆

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda ng story sis hehe , more stories to tell pa.

$ 0.01
2 years ago