Will this be a happy ending: The continuation

14 41
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Binitin ko lang talaga kayo sa una at kung hindi mo pa nababasa ito ay basahin mo muna alam kong mahaba pero sana hindi ka magsawa. Salamat sa patuloy niyong pagsuporta.

https://read.cash/@icary/my-young-love-part-i-09949020

https://read.cash/@icary/my-young-love-part-ii-the-ending-3ab494e6

https://read.cash/@icary/will-this-be-a-happy-ending-4e9a00a9

After mong mabasa ang mga iyan ay welcome ka nang bumalik sa part na ito.

Hindi naman lahat ng happy ending nagsisimula agad sa masaya. Likewise, hindi lahat nang masaya pang habang buhay na. Binulag kasi tayo ni disney na laging may "true love" at "happily ever after", minsan 'di na si prince charming ang hahanap sa'yo, sisipain ka nalang ni tadhana sa taong nakalaan talaga sa'yo.

Ronniel's POV

Katapos mo kong ligawan ay sinagot na kita, oh 'di ba ang gwapo ko ako talaga ang naligawan mo. Syempre hindi naman ako nagpatalo, ikaw ang nagtanong ako ang nagtuloy. Niligawan kita ulit araw araw, ngayon hindi na galing sa baon ko kundi sa bulsa ko. Ang sosyal ko nang pakinggan 'di ba?

Everyday ay hatid sundo kita sinasabi mo lagi sakin na kahit 'wag na, kaso makulit ako ayokong matagal kang nawawala sa paningin ko feeling ko kasi anytime babawiin ka ni tadhana sakin pero hindi naman ako papayag syempre. Weekly may dala akong flowers and chocolate sa'yo, para nababawasan yung stress mo. Niyaya rin kitang magtravel or road trip kapag day off para kahit papaano'y marelax ang utak mo.

Unexpectedly nagkaroon ako ng business trip abroad, kailangan kong mawala for atleast 2 weeks nalungkot ako kasi 'di kita maaalagaan.

"Cha, gusto mo bang sumama sa akin next week for my business trip?"

"Aalis ka? For how long?"

"Approximately 2 weeks long, medyo marami kasing need asikasuhin. What is your decision?"

"Oh, sorry I can't. Kahit gustuhin ko sana pero hectic din ang sched namin this days. Punuan ang mga appointment, hope you understand."

"Of course I do, I love a workaholic woman afterall." Kissed your forehead gently.

"Let's have a date trip kauwi ko, is that fine with you?"

"Hmm- okay, I'll file my leave prior to our trip. Thank you love."

She hugged me sweetly, kung pwede lang kitang kidnappin at isama baka ginawa ko na but I understand that you have your priorities.

We both bid good bye and went on our separate ways. I packed my luggages and waited for my airline ticket from Zen. Nasa airport na ko and I called Charmaine.

"Cha, nandito na ako sa airport mag iingat ka ha? I'll call when I arrive there."

"Yeah sure, have a safe flight Ron."

You're always my energy pill. Nang makarating ako sa U.S ay kabilaan ang mga appointment ko, walang katapusan ang mga business meetings ko at si Cha naman ay kabilaan din ang mga pasyente kaya naman nabusy kaming dalawa at hindi na masyadong nakapagcommunicate.

I went back to the Philippines at dumiretso agad ako sa hospital na pinagtratrabahuhan ni Charmaine, gusto ko kasi siyang surpresahin. May dala akong bulaklak at madaming pagkain, mahilig kasi siyang kumain. I saw her standing so I hugged her from the back na naging dahilan naman nang pagkagulat niya.

"Surprise I brought you flowers and foods."

"Grabe, kailan ka pa nakabalik? Bakit hindi mo sinabi sakin para sana nasundo kita."

"No need for that alam ko naman pagod ka kaya halika rito at maupo ka. Kainin mo 'yang mga dala ko tawagin mo yung secretary mo at co-workers mo baka gusto rin nila."

"Oh sige wait."

Nakita ko sa calendar mo ang picture nang isang tourist destination sa Batangas.

"Cha"

"Yes?"

"Do you remember yung usapan natin na magtritrip tayo kabalik ko?"

"Yeah, of course. Nagbigay na ko nang leave para doon, why?"

"Let's go to Batangas tomorrow."

"As in bukas na agad? Wala man lang intro intro?"

"Wala na, need pa ba yun? Consider that as our time for relaxation."

"Oo na, kailan ba ko nanalo sayo."

"Lagi ka naman panalo sa puso ko."

"Cornyyyy"

"I still have my luggages with me, can I stay at your house tonight? I missed you for the whole 2 weeks. Please?"

"Matatanggihan ko ba ang mukhang 'yan? I'll pack my things na then we're ready to go."

"Okay love."

Nakarating na tayo bahay mo and nag ayos naman ako para matulog, napagod kasi ako sa flight and sa dami nang mga ginawa.

"Cha, mauna na akong matulog sa'yo. Is that okay?"

"Sure, don't forget na magbihis muna bago matulog. Mabigat ka 'di kita kayang itulak okay?"

"Yes ma'am."

Kagising ko nang umaga ay siyang pagbungad ng maamo mong mukha, grabe ang laki nang eyebags mo kaya hindi na kita ginising pero bago pa man ako bumaba nang higaan ay narinig na kitang humiyab.

"Good morning Cha."

"Good morning."

"What do you want for breakfast?"

"Magluluto ka?"

"Oo, tingin mo sa'kin hindi marunong? Gordon Ramsey siguro 'to."

"Aga aga lakas mo magtaas nang bangko."

"Oo na bumangon ka na diyan at maghilamos, sumunod ka sa kusina katapos."

Hinalikan kita nang bahagya sa labi para tuluyan kang magising. Katapos nating kumain ay nagprepare na tayo para naman sa trip nating dalawa.

Karating natin sa resort sa Batangas ay kinausap ko agad ang front desk para magbook nang room at place sa resto.

"Love, pwede na tayong pumunta sa room nakapagpabook na ko."

"Oh sige, 'di ka ba papasok muna?"

"No, titignan ko lang saglit yung place. You can take a rest first mamaya pa naman ang dinner."

"Oh okay, mag rest lang ako ah?"

"Okay love, rest well."

Nagtingin tingin ako sa buong lugar at may mga napili akong mga spot, pumunta na ako sa loob at nakita kong nag aayos na si Cha para sa dinner mamaya.

"Are you ready to go out na?"

"Yes, how about you?"

"Just give me a minute mag wash lang ako."

"Sure, I'll wait here."

Natapos na akong mag ayos at niyaya ko na si Cha na pumunta sa labas para makita namin ang paglubog nang araw.

Papalubog na ang araw sa may dalampasigan, kaya naman manghang-mangha itong si Cha sa ganda nito. While she was mesmerize I am getting ready with my plans.

(Please click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)

"Cha"

Lumingon naman sa akin si Cha at nagulat sa nakita niya, ang lalaking dati lang ay inaasar siya ngayon ay nakaluhod na sa harap niya. Nasa likod nito ang kaniyang mga magulang, kapatid, kaibigan at mga staff nang resort.

"Cha, all my life ikaw lang yung pinangarap at pinagdasal kong makasama ko sa hirap at ginhawa hanggang sa tumanda. I did everything I can do to be better for you, to be better for us. Buong akala ko talaga katapusan na nating dalawa nung iniwan mo ko, inihanda lang pala ako nang Panginoon para maging better sayo. I am thankful for your family dahil naglabas sila nang isang Cha na mamahalin ko habang buhay, isang Cha na tinanggap ako nang buong buo. Cha from this day forward inaalay ko sa'yo ang buhay ko, nangangako ako sa harap ng mga taong nandirito pasasayahin kitang buong buhay mo. Now, I am kneeling infront of you to ask for your hand in marriage, Charmaine Cruz Will you marry me?"

"Yes Ronniel, Yes!"

Wala nang mas sasaya pa sa'kin ngayong araw na ito, ang babaeng dati ko lang pinapangarap ngayon ay malapit ko nang matawag na asawa.

"Pa'no mo naplano lahat 'to? Akala ko ba nagbusiness trip ka last 2 weeks?"

"Yeah, that's true. Maaga kasing natapos lahat nang nasa schedule ko kaya pumunta akong Canada para makausap family mo, kinausap ko si Shiela para malaman ang whereabouts nila at para humingi na rin nang tulong na maarrange lahat nang ito. Tita at tito, hindi po kayo magsisising binigyan ako nang permisyo niyo na makasal ko si Charmaine. Hindi niyo po alam kung gaano ako kagalak nung malaman kong tanggap niyo ang relasyon naming dalawa. I swear with all my heart, hindi ko po sasaktan ang unica ija niyo."

"May tiwala kami sayo iho, naprepare ka na ni God nang maayos."

"Cha, wala nang bawian. Touch move. "

"Walang wala na, hindi ka na pwedeng maagaw ng ibang babae sa'kin."

We are the happiest that time, ayoko na ngang matapos ang oras kung sa tutuusin pero gusto ko na rin bumalis ang araw para tuluyan na kitang matawag na asawa.

The Wedding Day

Ito na ang pinakahihintay nang lahat at kasama na ako roon, ang makita ang babaeng pinakamamahal kong naglalakad sa harap nang altar na ako ang ending part. God eto na po iyong babaeng ipinagdasal ko sa'yo, maraming salamat po sa pagtupad nang mga dalangin ko.

Ikaw ang pinakamaganda sa lahat while wearing your white wedding gown, papalapit ka sakin at hindi ko mapigilan ang bawat luhang pumapatak sa mata ko. Finally nandito na rin tayo, malapit na kitang matawag na misis ko. Malapit nang mukha mo laging bubungad sa aking araw araw, ang siyang bubuo sa aking bawat dasal.

Ronniel, do you take Charmaine to be your wife?

Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?

"I do."

Charmaine, do you take Ronniel to be your husband?

Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others, and holding only unto him forevermore?

"I do."

[Exchanging of rings and vows]

And now by the power vested in me, it is my honor and delight to declare you married. Go forth and live each day to the fullest. You may seal this declaration with a kiss.

[Kiss]

I am so pleased to present the newlyweds, Mr & Mrs. Reyes.

Natapos na nga ang lahat Charmaine pero sa puntong 'to natapos ang chapter sa buhay natin bilang magkasintahan dahil maipagsisigawan ko na ngayon na misis na kita sa wakas.

Hindi talaga natin masasabi ang buhay, grabe kung maglaro si tadhana. Sabi nila kung para kayo, para kayo talaga sa isa't isa, pero naniniwala rin ako na kahit para kayo kung walang kumilos sainyo mapag iiwan kayo nang panahon.

Maraming salamat sa pagtangkilik sa ibigang ChaNiel, nawa'y naantig ko ang puso niyo kahit na marami na kayong nabasang love story. Ikaw na nagbabasa 'wag kang panghinaan nang loob dahil kahit nalagpasan mo na si itinadhana gagawa pa rin nang way si God para magkatagpo kayo. Have a good day every one.

By: Icaryxghost (Special thanks to mamsh @EvilWillow ❤️)

8
$ 8.23
$ 8.23 from @TheRandomRewarder
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Comments

HAHHAHAHA go mamsh, basahin ko yan laters paguwi ko 😍💛💛

$ 0.00
3 years ago

Goraaaa mamshhhhh😘😘

$ 0.00
3 years ago

Wieeee, tadhana 😍💛 Magtatagpo't magtatagpo talaga.. sanalahat 😂💛

$ 0.00
3 years ago

Nagtagpo naman kayo kaso ayaw mo na siya hahahahahahha😂😂

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA baka may jowa sya? Huhu di talaga kami tse HAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Awww sad hahahaha okay lang madami pang isda sa dagatttttt

$ 0.00
3 years ago

true, sana d shokoy jk huehue

$ 0.00
3 years ago

edi hanap nalang ibon sa langit kadami hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

ay bet. Papana kupido HAHAHAH

$ 0.00
3 years ago

panain mo lahat silaaaaaaaaa

$ 0.00
3 years ago

HAHHAHAHA nilahat. Baaad

$ 0.00
3 years ago

kery na yun, the more the merrier

$ 0.00
3 years ago

Maganda hanggang dulo....if kayo tlga magiging kayo pa rin sa takdang panahon...

$ 0.00
3 years ago

Tama po, sabi nga nila if there's a will, there's is a way talaga.

$ 0.00
3 years ago