Her TOTGA: Is this it?

26 46
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Hello there, before reading this part might as well check the 1st, 2nd and 3rd part of the story listed below. Enjoy reading.

https://read.cash/@icary/her-totga-part-i-04a73ed0

https://read.cash/@icary/her-totga-part-2-c275cde0

https://read.cash/@icary/her-totga-part-3-a8c2c08e

(Click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)

Aya's POV

Isang taon na mula nung umalis ako para magtrabaho sa probinsya, isang taon na rin na puro chat lang ang komunikasyon nating dalawa. Ngayon lang ako ulit uuwi nang lugar natin sa kadahilanan pang may kumalat na text tungkol sa akin. May gumamit nang number ko at itinext lahat nang kamag anak at kakilala ko pero hindi ka isa sa mga nakatanggap nito may nagmagandang loob lang na magsabi sayo.

"Magandang araw po, ako po si Corporal Cruz. Kakilala niyo po ba si Aya Santos? Nakita po namin ang katawan niya malapit dito sa tulay ng Balanga, Bataan. Tadtad po ito nang mga saksak at nakita namin na hawak niya ang kaniyang cellphone bago ito namatay na siyang ginamit namin para macontact kayo. Naitext na po namin lahat nang pangalan na nasa contact list niya at kung maaari ay maipagbigay alam niyo ito sa ibang malalapit pa sakaniya."

Wala akong kaalam alam na mayroon na palang kumakalat na balita tungkol sa akin habang ako'y nasa loob lamang ng bahay nang mga gabing iyon. Pag gising ko nang umaga ay puno nang mensahe at tawag sa akin ni Kiel at nang mga kamag anak ko kaya naman napagpasyahan ni Tita na pauwiin na ako sa probinsya para lamang maayos ang gulong idinulot nang text na iyon.

December na nang makauwi ako ulit sa probinsya at sakto naman ay may fiesta noong umuwi ako. Napagpasyahan namin ng kapatid ko na mamasyal sa Plaza dahil matagal tagal na rin nang hindi ako makapunta roon, nakita ko si Kiel na nakaupo sa isa sa mga bench doon kasama ang mga kaibigan niya. Nilapitan ko naman siya sa kinaroonan niya.

"Pangit, kumusta?"

"Okay na 'yan simula nung malaman niya na buhay ka talaga" ang kaibigan niya ang unang sumagot para sakaniya.

"Kung alam at nakita mo lang kung gaano siyang umiyak nung pinabasa ko sakaniya yung text na nareceive ko" dugtong pa ng kaibigan niya.

May kirot sa puso ko nung marinig ko iyon sa kaibigan niya, hindi ko alam kung gaanong sakit ang pinagdaanan ni Kiel nung mga araw na akala niya'y wala na ako sa mundong ito. Naawa ako sa pagmumukha niya nang mga oras na iyon, nagpatuloy kami sa kwentuhan namin at inexplain ko sa kanila ang mga pangyayari. Matapos noon ay naisipan kaming ilibre ni Kiel nang bibingka kaya naman napahaba pa ang oras naming magkasama.

"Aya, babalik ka pa ba sa Bataan?"

"Hindi ko pa alam"

Pagkatapos naming kainin ang bibingkang libre ni Kiel ay nagyaya na akong umuwi.

"Uuwi ka na nga? Dito ka muna, usap pa tayo"

"Uuwi na talaga kami oras na"

Walang ano ano ay kinuha niya ang cellphone ko at syaka siya kumaripas nang takbo kaya naman wala akong nagawa kung hindi ay habulin siya.

"Mamaya ka nalang kasi umuwi"

Naghahabulan pa rin kaming dalawa habang sinasabi niya ang mga iyon. Nang maabutan ko siya ay nakuha ko ang cellphone ko sakaniya pero pilit niya pa rin itong kinukuha sa akin para mapigilan ako sa pag uwi. Hindi ko namalayan ang posisyong meron kami ngayon, ang mga kasama ko kinikilig na lamang habang nakatingin sa amin habang kami ay nagtatalo pa rin sa cellphone na hawak ko. Nakayakap na pala siya sa likuran ko nang mga oras na iyon. Nang tuluyan kaming mapagod ay sinabi kong uuwi na talaga ako dahil napagod na rin ako sa biyahe kanina kaya naman hindi na siya nagpilit at hinatid na lamang kami sa bahay.

Simula nang umuwi ako sa probinsya ay lagi na kaming nagkikita sa Plaza para na rin manuod nang mga event doon. Isang araw nagtanong siyang muli sa akin.

"Babalik ka pa ba talaga sa Bataan?"

"Hindi ko pa rin alam"

"Huwag ka nalang umalis"

Hindi na ako kumibo sakaniya nang sabihin niya iyon pero ramdam ko 'yong lungkot niya nang mga oras na iyon.

"Suot mo pa rin pala 'yang binigay sa'yo na singsing ni Jam"

"Oo hindi na kasi ako sanay na wala akong suot na singsing"

"Akin na lang 'yan"

"Ayoko nga"

Tinanggal niya ang singsing na suot ko at isuot sa akin ang singsing na kanina ay suot niya.

"Ayan palit nalang tayo nang singsing para fair"

Hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan na lamang ito sakaniya para wala nang diskusyon na maganap. Hindi rin nagtagal ay umalis ulit ako nang probinsya pero this time wala na kaming contact dalawa.

Buwan ng Marso bago dumating ang kaarawan ko, nagkaroon kami nang malaking problema. Napagbintangan si kuya sa kasalanang hindi naman niya ginawa, hindi namin siya magawang dalawin dahil hindi pwedeng pumasok ang minor sa loob nang kulungan. May isang lalaki na nanligaw sa akin doon kaya naman simula noon ay pinapayagan na naming makita si kuya pero 3 months lamang ang itinagal naming dalawa.

August nang makilala ko ang lalaking ngayon ay kinakasama ko na, isang taon na rin nang mawalan kami nang komunikasyon ni Kiel. LDR kaming dalawa ni Adrian nagtratrabaho siya sa laguna habang ako naman ay nasa manila.

Buwan nang December umuwi ulit ako nang probinsya, nagkita kami ni Kiel at nagkayayaang mag inuman. Kasama ko ang kapatid ko nang mag inuman kami at gaya pa rin nang dati sinasalo ni Kiel ang mga tagay sa akin kapag alam niyang hindi ko na kaya.

"Kumusta ka?"

"Okay lang naman, balita ko may girlfriend ka na ah?"

"Ikaw nga diyan nakatatlong boyfriend ka na"

Nagtaka ako dahil alam niya iyon samantalang wala na kaming komunikasyon.

"Sinong nagsabi sa'yo?"

"Basta alam ko lang kung anong nangyayari sa'yo"

Muli siyang tumagay nang matapos niyang sabihin iyon sa akin. Sumobra na siya sa alak at hindi na niya kinaya kaya naman nagsimula na siya magduwal pero hindi magkamayaw ang pagyakap niya sa akin.

"Ihatid na natin siya"

Ihahatid na sana namin siya nang mapansin ko ang panginginig niya at dahil naniniwala kami sa mga pamahiing matanda ay isinakay namin siya sa tricycle at dinala sa tatay namin dahil marunong itong manggamot o kung tawagin nila ay "albularyo".

Nang matapos siyang tignan ni tatay ay nakatulog na si Kiel, tinabihan ko siya sa higaan kasama naman ang kapatid ko at ang asawa niya. Hindi ko magawang matulog kaya naman inalagaan ko si Kiel habang nagpapahinga siya, nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at idinikit ito sa pisngi niya.

"Sayang" binanggit niya ito habang patuloy na pumapatak ang luha nito.

Patuloy niyang binibigkas ang salitang iyon habang hinahalikan ang kamay ko na hawak niya, tumayo siya bigla at hinalikan ang noo ko katapos ay bumalik na siya sa pagtulog hindi niya pa rin binitawan ang mga kamay ko. Naupo lamang ako sa gilid niya at paminsan minsan ay nahihiga.

Kinabukasan ay maaga siyang umuwi, hindi na siya nagpatid sa kung sino mang tao ang nasa bahay. Ilang minuto katapos umuwi ni Kiel ay dumating sa bahay namin si Adrian, walang lumabas na salita sa pamilya ko tungkol kay Kiel dahil alam naman nila na close talaga kami ni Kiel.

Lumipas ang mga araw at kailangan ko na ulit bumalik sa manila hindi na kami muling nag usap ni Kiel hanggang sa makaalis ako dahil lagi ko nang kasama si Adrian. Madalas ko siyang nakikita kapag nadadaan kami sa tapat nang bahay nila pero hindi na niya ako pinapansin, kahit ngitian man lang ay wala akong natatanggap.

Lumipas ang mga panahon at nagkaroon nang labuan sa amin ni Adrian nalaman ko kasi na may iba siyang nililigawan na babae sa laguna kung saan siya nagtratrabaho, napansin ko lamang ito nang madalas na kaming hindi makapag usap dahil lagi niya sa aking sinasabi na sandali lang. Napagpasyahan kong umuwi nang probinsya dahil sa galit na nararamdaman ko sakaniya pero pinilit niya ko na ihatid hanggang probinsya, hinayaan ko na lamang siya dahil lumuwas pa siya ng laguna hanggang manila para lang maihatid ako.

Nakasakay na kaming dalawa sa bus at naisipan niya na siya ang magbayad, kaopen ni Adrian nang wallet niya ay ang pagbungad ng picture nang ibang babae. Hindi ako kumibo sa buong biyahe namin, hinatid niya ako hanggang sa bahay namin at syaka na siya umuwi sa kanila. Kinabukasan din ay bumalik na si Adrian sa laguna. Nalaman ni Kiel na bumalik na ako nang probinsya kaya nagchat siya sa akin.

"Aya magkita tayo"

Pagdating nang hapon ay nagkita kami ni Kiel kasama ang kapatid ko. Niyaya ko siyang mag inom dahil sa sakit na nararamdaman ko sa panglolokong ginagawa sa akin ng boyfriend ko. Nakita ni Kiel ang pagiging matamlay ko at mas kinagulat pa niya ang pag aaya ko nang inuman, hindi niya ako kinulit para malaman kung bakit bagkus ay kinausap niya ang kapatid ko. Hindi ko sila naririnig dahil nauuna ako sa kanila.

Pagkarating sa bahay ni ate ay inayos ko na ang pag iinuman namin pero walang salita na lumalabas sa akin. Nang mag umpisa na kami ay nakatingin lamang sila sa akin dahil ang dami nang tagay na nilalagay ko sa baso ko, noong una ay hinayaan lang nila ako pero nang magtagal ay kinuha na sa akin ni Kiel ang baso ko.

"Ano bang problema mo Aya?"

Hindi ko kinibo ang tanong niya pero inagaw ko ulit ang baso sakaniya kaya naman sinenyasan siyang muli nang kapatid ko para pigilan ako.

"Ano ba kasing problema? hindi ka naaman ganiyan dati"

"Wala lang, gusto ko lang uminom"

Hindi siya tumigil sa pagtatanong, inulit ulit niya kung ano ang problema. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak.

"Wala nga kasi"

Naramdaman ko na ang tama nang alak at feeling ko ay nasusuka na ako, hindi ko na rin mapigilan ang pagpatak nang mga luha ko kaya dali dali akong lumabas nang bahay.

Habang nasa labas ako ay tinawagan nila ate si Adrian at tinanong kung ano ang problema sinabi naman nito na wala rin siyang alam sa nangyayari. Tumawag sa akin si Adrian pero pinatay ko ang cellphone ko para hindi na ulit niya ako matawagan habang si Kiel naman ay nasa tabi ko at pinapatahan ako.

"Ano ba kasi ang nangyari?"

Hindi ko na napigilan pa kaya kwinento ko lahat sakaniya pero matapos noon ay sinermonan pa niya ako.

"Oh edi maghanap ka na rin ng iba. Ayaw kitang nakikita na ganiyan"

"Ayaw mo akong nakikita na ganito? Bakit? Hindi mo naman ako gusto. Hahanap ako ng iba? Pare-pareho lang naman ang mga lalaki"

"Hindi naman lahat"

"Wala naman akong ibang mahahanap"

"Ako"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Ewan ko sa'yo, sasabihin mong ikaw pero hanggang ngayon gusto mo pa rin si Ellaine"

"Hindi ko na nga siya gusto"

Galit na siya pero nangingibabaw pa rin sakaniya ang pag aalala sa akin. Hinatid niya ako sa bahay at bago pa man ako pumasok sa bahay ay tinanong ko siya.

"Sabi mo hindi mo 'ko gusto? Bakit ganoon mo nalang ako alagaan kanina, pa-fall ka rin"

"Hindi kita aalagaan kung hindi"

Pabulong niyang sinabi sa akin iyan kaya nagkunwari akong walang narinig.

"Ano?"

"Wala, ganiyan ka naman. Kapag ako ang nagsasabi nagbibingi bingihan ka"

Bago siya umalis ay may sinabi pa siya sa akin.

"Bukas pumunta ka nang Plaza, may sasabihin ako at magbabago ang lahat"

"Ano 'yon?"

"Basta, bukas"

Kinabukasan ay nagkita kami sa Plaza, nagpanggap ako na wala akong naaalala dahil nahihiya na ako.

"May naaalala ka kagabi?"

"Wala bakit? May nasabi ba ako?"

"Wala"

"Ano bang sasabihin mo? Kayo na ulit ni Ellaine?"

"Puro ka nalang Ellaine, hindi nga"

"Eh ano nga kasi? Bilisan mo gabi na, aalis pa 'ko bukas"

"Bakit? Ano gagawin mo?"

"Kukuha ako nang mga papeles ko magtratrabaho ako sa factory"

"Saan?"

"Sa laguna kung saan pinsan ko"

"Eh diba nasa laguna rin si Adrian"

"Oo pero malayo"

"Kayo pa?"

"Hindi ko alam"

Hiniram niya ang wallet ko at nilagay niya ang picture niya. Akala ko ganoon lang ang gagawin niya pero kinuha niya ang ID ko.

"Huwag kang pumunta nang laguna"

"Akin na 'yang ID ko, kailangan ko 'yan"

Ayaw niya pa rin itong ibigay sa akin kaya hinayaan ko na.

"Bahala ka nga diyan"

"Kunin mo nalang 'to bukas sa'kin, bukas ko sasabihin yung gusto kong sabihin sa'yo. Maraming magbabago kapag sinabi ko 'yon"

"Hindi pwede, baka kapag nakuha ko na lahat nang papeles aalis na kami para pumuntang laguna"

"Ayaw mo papigil?"

"Kailangan eh"

"Okay, kumain nalang muna tayo"

Hindi rin nagtagal lumuwas ako papuntang laguna para magtrabaho, hindi ko na napakinggan ang gusto niyang sabihin tungkol sa magpapabago sa relasyon namin.

May komunikasyon pa rin kami ni Kiel magmula nung umalis ako sa probinsya, madalas ay sakaniya ako naglalabas nang sama nang loob kapag may problema kami ni Adrian. Napamahal na rin ako kay Adrian kaya hindi ko magawang iwan siya, kung sana kami nalang ang unang nagkakilala ni Kiel baka-- hayaan na nga.

Sa tuwing nagkakaproblema kami ni Adrian ay kinakausap ako ni Kiel at lagi niyang binabanggit sa akin na,

"Sana pala rati sinabi ko na"

Kiel's POV (cut)

Nung panahong nabasa ko 'yong text about sa'yo hindi ko alam kung paano ko haharapin 'yong bukas na iniisip hindi ko na muli pang masisilayan 'yang mukha mo, 'yang mga tawa, 'yang pag aalaga mo kahit na ang turing mo lang sa akin ay kaibigan mo. Sobrang sakit para akong binabasag paulit ulit pero buti nalang nalaman kong ayos ka lang.

Alam mo ba Aya, noong araw na tinanong nila tayo kung gusto ba natin ang isa't isa balak ko sanang umamin na pero inunahan mo kong magsalita. Akala ko may pag asa na tayong dalawa pero lagi mong sinasabi na gusto ko pa rin si Ellaine.

Nabalitaan kong lahat tungkol sa'yo hindi mo alam kung gaano akong nag alala para sa'yo, nalaman ko rin palang may Adrian na sa buhay mo. Dapat ako 'yon diba? Iyong hahawak sa kamay mo kapag naglalakad, iyong mag aantay sa'yo sa altar. Nalaman ko nga rin pala na uuwi ka galing manila pero hindi ko mawari 'yong pagmumukha mo noong makarating ka.

Syaka ko lang nalaman na mayroon palang problema sainyong dalawa. Akala ko may pag asa na ako ulit, sorry pero umaasa talaga ako para sa ating dalawa. Sabi ko may sasabihin ako sa'yo pero hindi ko alam na aalis ka na naman pala, hindi ba talaga pwedeng dito ka nalang Aya? Dito sa tabi ko, dito tayong dalawa. Kung mas una lang talaga kitang nakilala, kung pareho lang sana tayo nang edad, sana hanggang sana nalang ba talaga?

"What if I never forget you? What if, all my life, when I meet someone new, I can never fall for them because they aren't you?"

"At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya"

Dito na nagtatapos ang kwento ni Aya at Kiel, maraming salamat sa walang sawa niyong pagsuporta. Nawa'y hindi niyo ako iwan sa iba ko pang mga kwento, enjoy everyone. Stay safe!

By: icaryxghost

11
$ 5.27
$ 5.26 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Hestia
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Comments

Di naman masaketπŸ˜πŸ˜–πŸ˜­ LESSON LEARNED, NO TO ALCOHOLIC DRINKSπŸ˜‚ AYA NAMAN KASE NAPAKAMANHID! PATI DIN TONG SI KIEL TORPE!!! pero di rin namn papakasalan yon ni AYA kay Adrian kung di niya mahal. Pero bakit ganooooooonnn???? KIEL AKIN KA NALNG! 😭🀣 AALAGAAN KITA PROMISE, SABAY TAYONG MAGLALASING MAGDAMAGπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

BTW, gusto ko yung story. Ito yung story na matagal mawala sa isip ko HAHAHAHHA baka mapanaginipan ko pa to. Icaryyyyy paki sabi kay Aya God bless 🀣🀣🀣

$ 0.00
3 years ago

πŸ˜‚ πŸ˜‚ ang haba

$ 0.00
3 years ago

Yung story o si Kiel? ahahhahahahahahahha. Dibaaaaaaaaa? feel mo ko habang sinusulat ko yan? Sarap sabunutan ni Aya diba? hahahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Tara hanapin natin si AyaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

tara na huntingin hahhaahahahah

$ 0.00
3 years ago

Sugurin ba natin πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Huhuhu whyyyyy. Regrets regrets huhu

$ 0.00
3 years ago

Hindi lahat ng ending happyyyyyyy hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Ang sakit mamsh ha huhu

$ 0.00
3 years ago

Okay lang mamsh yung sayo naman sigurado happy

$ 0.00
3 years ago

Ay ay, sana meron muna wahahahah

$ 0.00
3 years ago

Soooooooooooon hahhahaha

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA bet ko yern

$ 0.00
3 years ago

At ako'y nakahanda para isulat ka hahahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahhahahaha Sige send tea akoπŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

hahahahahha ito ba yung sa ano?

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAH ay yung mala Ronniel. Wis mamsh, sooner mwahahah kumaaaa..

$ 0.00
3 years ago

WAHHAHAAHAHAHA woahhhhhh waitinggggg

$ 0.00
3 years ago

True wahahahah. Hero nanaman tayo. Isang linyahan ng comment HAHAHAHAH

$ 0.00
3 years ago

aahhahahahhah malapit na talaga tayo makick out ni readcash sa pagiging maingay natin

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA nakikitang daldaleras huhu

$ 0.00
3 years ago

sa susunod nakamute comment box na tayo hahahahhaa

$ 0.00
3 years ago

πŸ˜‚ tawa nalang ako πŸ˜‚ masakit eh πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

mali ka pa nang comment box ahahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Galing talaga πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Syempre naman alam mo pinagmulan🀣🀣

$ 0.00
3 years ago