Hello mga friendship ko dito sa read cash, sa mga avid subscribers na masipag mag comment at sa mga tamang basa lang. Share ko lang 'tong bagong natuklasan ko sa paggamit ng read cash. Hahahaha di ako sigurado kung alam nyo na to at ganito na ang ginagawa nyo pero ako kasi ngayon ko lang natuklasan to. So eto na nga, aware naman na siguro kayo na para mas makakuha ka ng maraming points sa articles na sinusulat natin is to publish it sa mga communities. Mas maraming communities, mas mas maraming chance na may magbasa at mag comment. Siyempre more more points yun para sa atin. Pag kasi dun ka directly nag publish sa 'Write Tab' walang makakabasa nun unless marami ka nang subscribers kasi magnonotify yun sa kanila. So yun nga, ako kasi kapag nagpa-publish ng article ang ginagawa ko tina-type ko muna sa notepad ko para may back up kung sakaling magloko ang internet at di ko na uulitin muli. Tapos diretso sa isang community then click 'post to community', 'write full article' then submit tapos uulitin ko na naman yun dun sa iba pang community. Medyo hassle at nakakainis din kapag mabagal ang internet. Tapos ngayon medyo nag explore ako dito sa website nakita ko na pwede naman palang isahan ang pag submit. Hahahaha di ko alam baka ako lang talaga ang ignorante dito pero share ko pa din para dun sa mga nangangapa pa din. So yun kapag pala nagpublish ka, para isahan ang pagsubmit sa mga communities iclick mo lang yung "Add Communities" hahahaha natatawa pa rin talaga ako na ngayon ko lang napansin yun, 3 days na ko dito pero ngayon ko lang talaga napansin. Parang sa love lang yan minsan yung para sayo nandyan lang pala sa tabi tabi di mo lang napapansin đ Di ako sure kung makakatulong to.
đđđ At first. Ako ganun din.