read.cash Log in
@dziefem

The Black Hole XD ****3/12/22**** Sa hindi kalayuang siyudad kami naninirahan ng aking mga ka-tribo. Palagi kaming naglalakbay upang humanap ng pagkain para iimbak. Sapagkat malapit na ang tag-ulan at mahihirapan na kaming maghanap ng makakain sa panahon na iyon.  May mga araw na masaya kaming umuuwi dala-dala ang aming mga pagkain na nakuha at may mga araw din na luhaan. Luhaan sapagkat sa aming paglalakbay ay may napapahamak, nagiging sugatan, at may namamatay sa hindi inaasahang pagkakataon o 'di naman kaya'y sinasalakay kami. Ngunit gayon pa man ay kailangan naming magpatuloy sapagkat maraming umaasa sa amin, ang aming pamilya. Sa araw-araw na pakikipagsapalaran namin ay hindi na ito bago, nakahanda kaming mamatay.  Kaya't kapag kami ay napapahamak, sa halip na pagkain ang uwi ay mga sugatan at namatay na kasamahan na lamang. Masakit man ngunit kailangan tanggapin sapagkat sa paniniwala namin ay hindi na mawawala ang ganoong karanasan. Hanggang sa isang araw, habang ako at aming mga kasamahan ay naglalakbay, bigla na lamang lumindol. Bigla kaming nataranta ng aking mga kasama. Ilang minuto ang lumipas bago huminto ang malakas na lindol. Dumilim ang paligid at laking gulat namin nang kami ay tumingin sa itaas.

**Source** https://giphy.com/gifs/tree-wood-scale-3o7aDgIk23zC7x7HCE **Isang malaking butas ang aming nasaksihan.** Maya maya pa ay may inilaglag ito na malaking bagay. Bagamat malayo ang iba kong kasamahan, sa kasamaang palad ay inabot sila ng mahaba at malaking bagay na nahulog sa malaking butas. Sila ay nadaganan nito. Bukod sa malaking sukat nito ay mukha itong may kalambutan at may hindi kaakit-akit na amoy.  Dali-dali kaming tumakbo papalayo sapagkat pakiwari namin ay hindi man kami nadagnan nito, ikamamatay naman namin ang amoy. Wala na kaming nagawa para iligtas ang aming kasamahan na nasa ilalim na iyon. Bukod sa hindi namin matagalan ang amoy ay hindi namin kayang i-angat. Maya maya pa ay may nahulog nanaman ngunit parang may tubig na itong kasama at mas lalong sumama ang amoy. Medyo natalsikan ako at ang iba kong kasamahan, lahat kami ay masuka suka. Kalahating oras ang lumipas nang mawala ang black hole, muling lumindol ng malakas. Nagpagulong gulong kami sa lupa at masasabi kong mas nakahinga ako ng maayos sapagkat nabawasan ang amoy ng mabahong tubig na may kaunting dumi na kasama. Habang tumatagal ay humihina ang lindol hanggang sa tuluyang mawala at lumiwanag muli ang paligid.  Hingal na hingal kami sa pag karipas ng takbo. Nang hindi na namin naaamoy ay napag desisyunan naming magpahinga sandali. Napasabi na lamang ako sa aking mga kasamahan na "*ganito na lamang ba tayo palagi? Noong nakaraan ay pinaliguan tayo ng mabahong tubig, ngayon naman ay hindi matantong bagay na sobrang baho at may kasamang lindol. Ano sa susunod?*"  **Hindi na talaga ligtas kaming mga langgam dito sa mundo.** ****Lead Image:**** ****source**** https://giphy.com/gifs/tree-wood-scale-3o7aDgIk23zC7x7HCE Hahahahaha. Pasensya na sa article na 'to. Hindi ko alam bakit ito yung pumasok sa utak ko kanina. Indirect naman yan kaya hindi masyadong ano haha. Sorry natatawa ako sa sinulat ko. 😆 **Thank you so much for reading!** (◍•ᴗ•◍)

29¢

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.