Agosto: Buwan ng Wika

14 39
Avatar for bbyblacksheep
3 years ago

Noong mga nakaraang linggo ay meron akong mga nababasang mga artikulo na sulat gamit ang ating sariling wika, Filipino. Taon-taon ay ginugunita ang buwan ng wikang pambansa tuwing Agosto. At dahil ngayon ang huling araw sa buwan ng Agosto, naisipan ko na ang aking artikulo ay nakasaad sa wikang Filipino.

Naalala ko nung bumisita ang aking kapatid kasama ang kanyang asawa at anak noong isang araw ay nabubulol ang aking inaanak sa pagbigkas ng salitang Filipino. Hahaha. Pagkarating niya kasi ay siya ay nagmano sa lahat. Nang marinig ko na sinabi ng aking kapatid na "bless to Grandpa", ay sinabi ng aking inaanak ay "mano po" at sinundan niya na ito raw ay isang tradisyon ng mga Filipino. Ako ay natuwa ng marinig ko na magsalita sa wikang Filipino ang aking inaanak. Ang karaniwang itinuturo na kasi sa mga kabataan ngayon ay ang wikang Ingles. Samantalang noon kami ay bata pa ay ang talagang itinuro sa amin ay ang wikang Filipino. Natuto kaming magsalita sa wikang Ingles nung nag-aaral na lamang kami. Ang aking kapatid ay sumali pa sa isang maikling pag-aaral para mas mapalawak niya ang kanyang pakikipagtalastasan sa wikang Ingles.

Sa aming dalawa, ang aking kapatid ang mas magaling pag dating sa pakikipag-usap sa wikang Ingles. Kaya ko rin naman makipag-usap sa iba sa wikang Ingles ngunit minsan ay binubuo ko pa sa utak ko kung ano ang aking mga bibitawang mga salita. Hahaha. Kayo din ba ay ganun din? Sa pagsusulat naman sa wikang Ingles ay walang problema sa akin ngunit ako ay hindi naman perpekto kaya alam ko meron akong mga pangungusap na mali. Iyon bang mapapaisip ka kung ang salita ba ay pang nagdaan, pang kasalukuyan o pang hinaharap. Naalala ko lang ang mga iyan sa asawa ng kapatid ko. Pati na ang mga patinig at katinig. Dahil minsan ay sinasabi niya sa amin kung ano ang paksa ng aralin ng aking inaanak.

Alam niyo ba na ako ay laging palakol sa Filipino? Ang aking mga marka ay laging nasa linya ng 7. Hahaha. Pero isama na din natin ang Ingles at Agham at Kalusugan. Nahirapan talaga ako mag-aral noon na ang tanging gusto ko lang ay ang kumain, matulog at maglaro. Hindi ko alam bakit hindi ko nagustuhan ang mag-aral noon samantalang ngayon ay panay ang aking pananaliksik sa Google kapag ako ay may gustong malaman. Nagkapareho na naman ba tayo? Apir tayo diyan.

Ikaw ba ay batang Batibot o batang Sesame Street? Naalala ko kasi ang aking kapatid na isinisisi ang aming ina kung bakit hindi maganda ang pananalita namin sa wikang Ingles. Kasi raw pinalaki daw kami na nanonood ng Batibot imbes na Sesame Street. Hahaha. Iba kasi talaga ang dating kapag yung sobrang diretso ka makapagsalita sa wikang Ingles. Kaya sabi niya noon na kapag siya ay magkakaanak ay talagang Iinglesin niya ito. Totoo nga at pati ang mga anak ng aking pinsan ay Ingles. Wala naman masama kung anong wika ang ituro sa ating mga anak pero maganda pa rin yung may alam sila sa wikang Filipino. Kaya ako ay natuwa nung naririnig ko na may mga salitang Filipino binigkas ang aking inaanak. Noon pa man ay tinuturuan na siya kung ano ang katumbas sa wikang Filipino ng ibang mga salitang Ingles. Ngunit sa pakikipag-usap ay sa salitang Ingles talaga ito.

Pero kung ako ay magkakaanak, gusto ko ay alam din niya ang ibang mga lengguahe gaya ng French, Chinese, Spanish, Korean at iba pa. Isama na rin natin ang mga diyalektong Cebuano, Ilonggo, Kapampangan, Ilocano, Chavacano, Waray o Bicolano. Ang aking ama ay maraming alam na diyalekto gawa ng kung saan-saan siya nadedestino noong siya ay nagtatrabaho pa. Ano-anong lengguahe at diyalekto ang gusto mong matutunan ng iyong anak o magiging anak?

Hindi ko inaasahan na pa tungkol sa lengguahe ang magiging paksa ng aking artikulo ko ngayon. Balak ko sana ay ikwento ko ang nangyari sa akin sa araw na ito pero mukha namang maganda ang kinalabasan nitong aking ginagawa. Ako ay Pilipino pero sa totoo ay may mga salita sa wikang Filipino na hindi ko pa alam. Noong Sabado lamang nang nag-uusap ang aking mga tiya sa aming panggrupong chat sa Facebook Messenger ay nabanggit ng isa kong tiya ang salitang "mantikaan". Sabi niya ay mantikaan na naman daw sila sa Lunes. Ako ay nagtanong talaga kung ano ang mantikaan. Sadyang meron mga salitang napakalalalalim para sa akin. Pero kahit ganoon pa man ay mahal ko ang ating wikang Filipino.

Ito ay yung araw na nalaman ko ang salitang mantikaan. Hahaha

Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng artikulo na gawa sa ating sariling wika pero mapa Filipino, Ingles o Taglish pa man o ibang lengguahe at diyalekto ng ating mga artikulo, ang mahala ay tayo mismo ang gumawa nito. Ibinigay natin ang ating buong puso, isip at oras sa pagkokonsepto ng ating artikulo. Huwag masyadong mag-alala kung mali-mali man ang mga pagbaybay natin ng mga salita o ang kabuoang balarila. Ang mahalaga ay ito ay personal mong ginawa at hindi kinopya sa ibang tao.

Siya nga pala. Ako ay merong katanungan na tinanong ko kina @bbghitte at @Firenze na baka alam niyo rin ang sagot. Ako ay naguguluhan kung ano ba talaga ang lengguahe natin. Ito ba ay Tagalog o Filipino? Kalimitan kasi ng nakikita ko sa ibang mga pagpipilian ay Filipino. Dito sa platapormang ito ay awtomatikong nadetektong Tagalog ang aking artikulo. Huwag niyo po ako sana isumbong sa mga guro at baka akp ay ibalik sa elementarya. Hahaha.

Bukas ay Setyembre na at baka aking sisimulan na buksan na lahat ng mga nasa notipikasyon ko. Alam ko ay palagi ko itong sinasabi pero sana talaga ay magawa ko na ito.

P.S. ang aking punong imahe ay ang aking inaanak na nakasuot ng Barong Tagalog para sa buwan ng wika noong siya ay papasok pa lamang sa eskwelahan. Ito ay pinadala agad sa amin ng aking kapatid.

6
$ 3.20
$ 3.04 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @LykeLyca
$ 0.05 from @Momentswithmatti
+ 2
Sponsors of bbyblacksheep
empty
empty
empty
Avatar for bbyblacksheep
3 years ago

Comments

ang hirap gumawa ng tagalog na article..tinry ko once sa steemit abay antagal ko natapos sa 300 words..lol..

$ 0.01
3 years ago

Grabeng challenging niya. Hahaha. Pinilit ko talaga na hindi maTagLish para talagang pagbibigay pugay sa ating sariling wika.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha

$ 0.00
3 years ago

Gagawin mo namang sunod na rizal ang magiging anak mo hahaha. Daming lengwahe niyan pero maganda din may alam sys sa lahatt mga mga yan pagkat importanter yannn. Ako batang oggie and the cockroaches finna ko nakakapag salita hahahah

$ 0.01
3 years ago

Hahaha. Oo nakalimutan ko si Rizal sa maraming lengwahe. Pero advantage din kasi tingin ko. Parang sa mga call center. Tsaka para kapag may ibang nagaasalita ng ibang language at least malalaman agad kung ano pinaguusapan. Mamaya niloloko na pala porket hindi naiintindihan.

$ 0.00
3 years ago

Blame YouTube for the kids already speaking English, hahah! Tawag sa kanila Youtube babies, pamangkin ko ganyan, we speak to him in our dialect pero English pa rin ng english hahha!

Sa tanong mo, we call our language Filipino officially, Tagalog is a local dialect.

$ 0.01
3 years ago

Thank you for enlightening me with Filipino and Tagalog. 😊

Ang slang na ng mga bata kung magTagalog sila di ba? Naloloka ako. Pero kailangan nila matuto na magTagalog pa din. Naalala ko nung college kami meron isang group lagi English. Ayun bihira namin kausapin kasi baka manosebleed kami. Hahaha. Hanggang sa kinausap na lang namin ng Tagalog pero sasagutin din kami English.

$ 0.00
3 years ago

Naririnig ko yan sa mga oldies dito yang batibot. Hahaha ano yan, movie? Movie na ang linggwahe ay Filipino?

$ 0.01
3 years ago

HAHAHAHAHA! GRABE SA OLDIES. ARAY! 🤣 Ano siya parang Filipino counterpart ng Sesame Street.

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha sorry po

$ 0.00
3 years ago

Oo nga advantage nman kc tlg ang maraming languages na alam.. Mga kids ko din gusto ko multilingual din sila if may chance.. 💪👍

$ 0.01
3 years ago

Kaya yan. Maganda nga bata pa lang matutunan na ibang languages lalo mas madali nila makabisado. Yung inaanak ko noon minsan nagugulat ako may ibang lengwahe. Yun pala nagbibilang na ng French at Chinese. Alam ko pa yung Spanish. Nagulat lang ako doon sa dalawang language. Hahaha. May laruan kasi siya na pwede pumili ibang language. Ang bilis nilang matuto. Nakakbilib. 😊

$ 0.00
3 years ago

Para akong naging makata sa pagbabasa ng iyong artikolo

$ 0.01
3 years ago

Hahahaha. May kalaliman ba? Ang challenging ng straight Tagalog. 😅

$ 0.00
3 years ago