"Ipasok na 'yan!" Sigaw ng pulis sa kasama nito. At kagaya nang sinabi niya, itinulak ako papasok sa madilim at mabahong selda kahit nagpupumiglas pa 'ko rito. The fuck right? Lalo lang tuloy sumasakit ang ulo ko.
Muntik-muntikan lang rin akong sumalampak sa maruming sahig; kung 'di lang ako nauliratan sa pangyayari, malamang may malaking pasa na ako sa pisngi. To date it, it's definitely the worst day of my life!
Ugh. 'Di ko kinakaya 'yung hangin sa loob ng selda. Magkahalong amoy ng alak, pawis, ihi at kung ano man ang bumungad sa ilong ko at 'di ko napigilan ang pagsuka. Nailabas ko yata ang lahat ng laman ng tiyan ko, na ngayon ay nakakalat na sa sahig. Shit. Won't this day be over yet? Pinunasan ko ang bibig ko at nang matapos, tumayo ako at galit na inalog ang rehas. Ano ba'ng ginawa kong kasalanan? Bakit nila ako hinuli?
"'Oy! mga gago ba kayo? Sino ba kayo sa akala n'yo para tratuhin ako nang gan'to? Ha!" galit kong sigaw ngunit walang pumansin sa paghi-hysteria ko, kaya naman sapilitan akong nanahimik pasalampak muli sa sahig.
"Letse," bulong ko sarili. Wala akong matandaan sa mga nangyari bago ako mapunta sa kamay ng mga pulis at kung ano ba'ng nagawa ko. Kagaya lang nang dati; ang huli kong naaalala ay ang malakas na buga ng tunog sa club na pinuntahan ko. Itinulak ko ang katawan ko patalikod upang sumandal sa pader. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit; hangover na naman. Tsk. Mukhang naparami ang inom ko. Ang mali lang, pakiramdam ko may dapat akong matandaan.
"Aray!" sigaw ng pader. Shit.Teka 'di naman nagsasalita ang pader, 'di ba? Pero sa panahon ngayon...Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Hindi ko maaninag sa dilim ang itsura niya pero dahil sa dating ng boses, malamang lalaki ito.
"Shit, I'm sorry," mahina kong sambit dito. Napabuntong hininga ako at umurong sa bakanteng puwesto sa tabing pader. Isinandal ko ang ulo ko sa semento at nag-isip. May klase pa ako bukas, hindi ako puwedeng mag-pagabi sa selda. "Letse talaga, o! Ba't ba kasi wala akong maalala?"
"Iinom-inom ka tapos itatanong mo 'yan sa sarili mo? Tsk. Tsk. Ang masama kasi sa inyong mga babae feeling n'yo laging may darating na prinsipeng magliligtas sa inyo kapag napapahamak kayo," saad ng lalaki sa tabi ko.
Napatanggal ang kamay sa mukha ko at napalingon ako dito. "May problema ka ba?" mahina kong tanong sa kaniya. Sino ba siya para pangaralan ako? Wala siyang alam sa buhay ko.
"E...ikaw naman kasi dapat hindi ka umiinom nang lagpas sa kaya ng sistema mo. At kung maaari lang lumayo-layo ka nang kaunti, hindi ko kinakaya ang amoy mo," sambit pa nito.
'Di ko na rin kinaya pa ang sarili ko, amoy suka nga ako pero may mas maganda namang paraan para sabihin 'yun 'di ba? Nagalit ako at napasigaw. "Sino ka ba sa tingin mo? At anong problema mo sa amoy ko? Kung ayaw mo sa naamoy mo, ikaw ang lumayo," mariin kong saad.
"Hindi naman sa mabaho ka, miss. Kung may mabaho man dito e, 'yung selda 'yun at 'di ikaw. Pero kasi baka...hindi ako makapagpigil kaya maaari lang..." napahinto siya at humarap sa akin. Then I see them, the red glinting eyes, looking straight at me as if he wants to devour me, like I'm the only food left on earth.
Bampira, ang bulong ko sa sarili.
Napabalikwas ako at mabilis na umusog ng puwesto. Ano ba ang iniisip ng mga pulis at isinama ako sa isang bampira? Sa isang lalaki? Kung alam lang niya kung ano talaga ako.
Isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa selda, "Don't worry, diet ako," pabirong sabi niya.
Siguradong naririnig nito ang bumibilis na tibok ng puso kong takot na takot. Alam ko namang hindi niya ako maaaring saktan dahil sa bagong kasunduang isinabatas, pero kasi...may kakaiba sa kaniya. I just can't put a name on it but it's weird. Isina-walang bahala ko na lamang ang ideya at nanahimik.
"Kayong dalawa maaari na kayong lumabas!" sigaw ng isang pulis matapos ang tatlong oras kong paghihintay. Agad-agad akong tumayo upang makalabas pero para akong natalisod sa hindi nakikitang bato, marahil dahil sa matagal na pagkaka-upo. Sakto naman ang pagsalo sa akin ng isang matipunong katawan, napabalikwas ako at mabilis na tulak sa bampira para makalabas na ako. He is messing something inside me.
"Kamusta?" Bati ni mang Jener, ang butler ng pamilya ko.
"I'm fine," saad ko, matapos ay binigyan ito nang matipid na ngiti.
"Sa susunod ijah, magdadala ka ng ID, ang pagkakakilanlan mo. Nasa batas ito. Isa pa ang mga menorde edad ay pinagbabawal sa mga club...iba na ang panahon ngayon. Magiingat ka at sa uli-uli ay gamitin ang utak." Ang pangaral ng hepe bago ako tuluyang lumabas ng estasyon.
Irap ang isinagot ko rito at bumaling naman siya sa kasama ko; sa lalaking bampira. Napatingin ako rito at napanga-nga ako sa nakita ko. Alam ko, lahat ng bampira ay sadyang biniyayaan ng 'di masukat na kagandahan. Pero may kakaiba talaga sa isang ito, hindi pa 'ko kailan man nabighani sa kagaya niya. May parang bato balaning humihila sa mga mata ko na ayaw ialis ang paningin ko sa...sa kabuuan niya. As in, he's like a freaking greek god or something! Gusto kong haplusin ang bawat kurba ng kaniyang mukha: mula sa matulis niyang ilong, prominenteng baba at ang mapupulang labi. I swallow a lump on my throat and then...he look straight at me, with the color of the sea and not red.
"Manong Jener tara na ho," bigla kong sambit, putol ng titigan sa lalaki.
"Malamig ho ma'am baka magkasakit kayo," paalala ng matandang sa akin, isang jacket ang ipinatong niya sa balikat ko bago kami tuluyang lumabas sa kadiliman ng gabi. Pumasok ako sa sasakyan at tuluyan naming nilisan ang prisinto, pero, patuloy ang paglalaro sa isipan ko ng bampirang 'yon.
Humugot ako nang malalim na hininga at napatingin sa bintana ng sasakyan. Sa mundong aking kinagagalawan na minsan ay nakakasakal, lalo na kung wala kang kalayaan. I wish most of the time I wasn't born in my family.
"May nakakilala ho ba sa inyo?" Ang tanong ni mang Jener na pumutol sa pagmumumuni-muni ko.
"I'm sorry but wala kasi akong maalala-" napatigil ako. "Alam na po ba 'to nila Mama at Papa?" Ang pahabol kong tanong. Hindi kaagad nakasagot ang matanda, senyales na tama ang nasa isip ko.
"Senyorita, hindi po 'atang magandang sabihin 'yan sa mga magulang ninyo, malamang at magalit sila," paalala pa nito. Tumango na lamang ako para sabihing naiintindihan ko, para naman din kasing may magpapabago pa sa reyalidad ko.
Makaraan ang ilan pang saglit pumasok na kami sa isa sa pinakamayamang subdibisyon sa Maynila. Ang Carmichael Estate, isa sa pagmamay-ari ng aking pamilya. Dumiretso kami sa sentrong bahay sa subdibisyon at huminto ang sasakyan sa malaking kahoy na pintong may ukit ng limang simbolo ng bawat lahi, nagpapatunay na kaanib ang pamilya ko sa layunin ng gobyerno; isang mapayapang komunidad kasama ang limang lahi. Which in my opinion is really ironic.
Ipinagbukas ako ni mang Jener ng pintuan para makalabas ng sasakyan. "Salamat po," sabi ko rito, bago umakyat ng hagdan patungo sa pintuan ng bahay.
Akma ko pa lamang hahawakan ang pinto nang kusa itong bumukas na para bang may umihip na malakas na hangin dito.
"Celestine!" Nakatatakot na sigaw ng aking ama. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at hinarap ang galit na mga mukha ng mga magulang ko.
"Dad." Ang mahina kong sagot dito.
"Ilang ulit nalang ba natin gagawin ang eksenang ito? Celestine, malaki ka na para malamang mali ang mga ginagawa mo! Pa'no nalang kung may nakakilala sa'yo? Pagpep'yestahan tayo ng media! Headline: Nag-iisang anak na babae ni Arthuro Carmichael nahuling lasing sa isang pinagbabawal na club! To think you are a minor! God! Celestine! Grow some brain in that head of yours!" Galit nitong singhal.
Tumawa ako. Malakas at matinis na tawa. "Like they'll care! Malamang sawa na sila sa mukha ko...oh! No! Wala nga palang nakakaalam na may anak kayong babae!" Padabog kong inihakbang ang mga paa ko paalis ng sala pero napigilan ako. 'Di ako makagalawa. May pumipigil sa kilos ko na parang may humihila sa akin pababa at ilang saglit pa, napaluhod na 'ko nang tuluyan.
"Arturo, please stop it. Pagod ka, magpahinga ka na, ako na'ng bahala sa anak mo." Mahinahong sabi ng aking ina na biglang pumagitna sa aming mag-ama.
"Suit yourself, Elena!" Sabay talikod ng aking ama at akyat sa hagdan.
Kasabay nang pagkawala niya ang pagbalik ng kilos ko. Hinintay muna namin na mawala ang ingay ng yapak nito bago mag-umpisa sa pag-uusap.
"Mom. I'm sorry...I only wanted to have fun...I'm always cooped up in this house! Hindi ba p'wedeng kahit minsan, maging normal naman ako?"
"Kailan mo rin ba matatanggap na hindi ka normal!? Hanggang anak kita hindi ka magiging normal, umaarte kang isang paslit. Tama ba 'yan Elena?" Singit ng ama ko gamit ang isap niya para makipag-usap.
"Normal!? Oo! NORMAL ako! The only one in this house actually! I'm way passed my sixteenth birthday! Ikaw 'yung hindi tumatatanggap sa pagiging NORMAL KO!" Hindi ko napigilan at bigla nalang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko.
"Arturo!?" Galit na pigil ng aking ina. Akma niya akong yayakapin pero nagtaas ako ng kamay.
Tuluyang nanahimik ang ama ko at hinayaan na lamang kami sa pag-uusap, gayun pa rin, alam kong pinakikinggan kami nito.
"Alam mo namang may reputasyon tayong pinanghahawakan 'di ba anak? Alam ko ring mahirap maging anak ng ama mo, pero wala na naman tayong magagawa sa bagay na iyon, 'di ba? Act as your age, be mindful and responsible. And on the other hand, your just a late bloomer. Malay mo sa susunod na full moon?"
"But mom..." Alam kong pinapalubag lamang niya ang loob ko, kaya lang hindi maalis sa isip kong ikinahihiya ako ng sarili kong pamilya. "Matutulog na po 'ko." Paalam ko rito para hindi na humaba pa ang usapan.
"Another thing...Celestine, anak. Your dad and I have made the decision to sent you to a...um...a boarding school." Napatigil ako at biglang napatingin sa mukha niya. It's not her idea, I can see the resistance in her eyes. The sadness of me going away. Her only daughter.
"Can I say anything to change that...decision? Wala ba talaga 'kong say, ma?"
"Anak..."
"Nah, it's okay. I know very well that it wasn't you. But, ma, keep in mind that it won't change anything. I won't magically grow a tail, the second I step in that school." Tumalikod ako at patuloy na naglakad hanggang makarating sa kuwarto ko.
Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at patuloy na umiyak hanggang kunin ako ng tulog at managinip. Sa tanging lugar na maaari akong maging masaya.
Author's Note: Am I trying hard? Ahahah.
If you like this story here's the link to the previous chapter:
https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-1-ang-bagong-mundo-fe012b9a
Sis ano na mangyayari kay Celestine sa next full moon? Haha