Ang aking bakasyon sa Isla ng Siargao

8 42
Avatar for ann-ann
3 years ago

Nagbakasyon ako sa Siargao Island kasama ang aking pamilya noong 2019 pa.Na siyang naging huling bakasyon narin namin,hindi na ito na sundan dahil sa covid-19.Mahirap na kasi magbyahe ngayon lalo na kung walang sariling sasakyan,maraming travel requirements at higit sa lahat delikado talaga.

https://images.unsplash.com/photo-1593407580968-2cb199a41421?crop=entropy&cs=tinysrgb&fit=crop&fm=jpg&h=190&ixid=MnwxfDB8MXxyYW5kb218MHx8U2lhcmdhbyAgdmVyeXJhbmRvbXRoaW5nbnVtYmVyNS4zMDYwNzk0ODg2MTgxNjV8fHx8fHwxNjMxMTA2NDI0&ixlib=rb-1.2.1&q=80&utm_campaign=api-credit&utm_medium=referral&utm_source=unsplash_source&w=250

Sa Siargao Island ang lugar na pinagmulan ng aking ina simula ng magkaroon ng sariling pamilya bihira na lang din nakakapunta dun si mama malayo din kasi ang lugar namin.Pero noong 2019 napagkasunduan na mag ipon ipon ang kapatid ni mama dun sa Siargao Island ,kumbaga parang reunion nilang magkakapatid at sa araw ding iyon ay fiesta sa kanilang lugar.Kaya naman kahit nagsimula na ang aking klase ay umabsent talaga ako ng isang linggo para sumama kila mama .Syempre minsan lang yun eh.

Dalawang beses nako nakapunta sa Siargao Island,ang una ay maliit pa ako nun.At ang Siargao Island naman ay hindi pa iyon sikat na Isla sa bansa.Ang mga kalsada doon sa panahong iyon ay hindi pa sementado ,kunti lang din ang mga sasakyan na dumadaan.Kaya noon kapag pumupunta kami sa kabilang baranggay ay nilalakad lang din namin.Syempre sa unang tapak ko sa isla ,labis ang aking pagkamangha sa lugar.Sobrang linis ng paligid,wala akong napansin na mga basura na nakakalat mapapansin talaga na noon paman pinahalagan at inalagaan ng taga roon ang kanilang isla.At sobrang ganda talaga ang Isla parang paraiso ito sa aking mata,napakalinaw ng tubig at sobrang puti ng buhangin.

Ang pangalawang punta ko doon ay noong 2019.Sa aking pagbabalik doon makalipas ang mahabang panahon napansin ko agad ang malaki nitong pagbabago.Marami ng sasakyan ,sementado na ang daan,marami ng nakatayong resort na pagmamay -ari ng mga dayuhan.Naging sikat na ang Isla bilang isang turist attraction sa bansa.Gaya ng unang kong pagtapak sa Isla ay labis parin ang aking pagkamangha sa sobrang ganda ng Isla .

Sa aking pagbabalik mas naging masaya ang bakasyon ko kasi sinakto ang aming pag uwi upang makapagdiwang din kami ng pista doon.Sa pagsapit ng araw ng pista lahat ng kabahayan ay abala sa paghahanda ,maraming handang pagkain ang mga kabahayan .Inaasahan kasi nila na dadayo ang kabilang baranggay upang makidiwang sa pista.Naghanda din ang aking tiyahin at tumulong narin ako sa pagtanggap ng mga bisita .ging Ang hanapbuhay ng mga tao doon ay pangingisda,sa pananatili ko doon bawat ulam namin ay sariwa pa talaga,ang sasarap ng mga seafoods ,ang yaman ng Isla sa mga halamang dagat.Doon ko lang naranasan na manguha ng shells na walang kahirap -hirap kasi kahit nakaupo ka lang sa dalampasan at maghuhukay ka makakaulam kana.Makakakuha ka kasi ng shells na tinatawag doon na "Tagitis" sobrang sarap nun ng niluto namin lalo na ang sabaw neto.At higit sa lahat doon ko lang rin nakita si Nemo ,namangha talaga ako nung panahon na yun kasi hindi ko akalain na makakita ako ng isda na kagaya ni nemo na nakikita ko lang sa tv.Ang tawag naman nila sa isda na kagaya ni Nemo ay ''Bantay Daya'' kasi daw lage lang itong nakabantay sa bahay neto.Ang linaw kasi ng dagat doon kaya kitang kita mo ang maliliit na isda kapag low tide.Tska ang mga tao din doon ay ang saya kasama kasi mararamdaman mo rin talaga na nagagalak silang ipakita ang ganda ng kanilang lugar.

Ang sarap balikan ang mga panahon na yun na malaya pa akong makakapunta sa lugar na nais kong puntahan.Sana maging maayos na ang lahat ng makabalik na ako sa Isla.Kayo kung balak niyong magbakasyon,magandang subukan nyo rin puntahan ang Isla ng Siargao.Sobrang ganda neto ,legit talaga hindi lang sa picture lalo na kung naandoon ka na talaga Isla.

Gusto ko sana ishare dito yung mga pictures nung nasa Siargao kami pero ayaw maupload ,hindi ko alam kung bakit.Kaya nagsearch na lang ako online.Unang article ko palang ito,nahikayat ako ng ang aking kapatid na gumawa.Sa makabasa neto,maraming salamat sa paglaan ng oras.

Lead Image:https://images.unsplash.com/photo-1601000711427-dd0d0a4af74c?crop=entropy&cs=tinysrgb&fit=crop&fm=jpg&h=190&ixid=MnwxfDB8MXxyYW5kb218MHx8U2lhcmdhbyAgdmVyeXJhbmRvbXRoaW5nbnVtYmVyMC40ODgzNDI1NTQ2ODExNDY2fHx8fHx8MTYzMTEwOTI4Ng&ixlib=rb-1.2.1&q=80&utm_campaign=api-credit&utm_medium=referral&utm_source=unsplash_source&w=250

7
$ 0.02
$ 0.02 from @Khing14
Avatar for ann-ann
3 years ago

Comments

Always wanted to go here. Ganda ng photos.

$ 0.00
3 years ago

Gusto ko tuloy magbakasyon.. sarap mag unwind kaso pandemic

$ 0.00
3 years ago

Nakikita ko lang ang lugar na to sa mga vlogs, hopefully I can visit one day 😊✨

$ 0.00
3 years ago

Masarap talaga manirahan sa probinsya,lahat ng pagkain sariwa,namimiss ko na din probensya namin.. heheheh Anyway welcome to read cash..

$ 0.00
3 years ago

huhuhu sarap tumira dyan, sana soon makapunta na. Maybe after covid hahhahahhaha lol. thanks for sharing!

$ 0.00
3 years ago

Kung wala lang pandemic out of town din sana kami. Punta sa Probinsyan at dalawaein mga kamaganak.

$ 0.00
3 years ago

Habang binabasa ko toh, naeexcite ako na parang gusto ko din magpunta dun😊 kaya siguro napakaraming mga tao ang pinipiling ito ang puntahan dahil mayaman talaga ito sa mga magaganda lugar at syempre fresh air din😍

I hope someday kapag wala ng covid at sana mawala na talaga SANA MAKABALIK KAYO ULIT DUN NG FAMILY MO, and syempre SANA MAKAPUNTA DIN AKO DUN.. heheπŸ˜ŠπŸ™πŸ™πŸ™

$ 0.00
3 years ago

Wow.. Naiimagine ko kung gaano kalinaw ang tubig base sa description mo..kaya siguro nagustuhan din jan manirahan nung artista na si Andy Eigenman...

By the way, welcome po dito sa platform.. Have fun and enjoy your stay here.. Keep on writing original content articles.

$ 0.00
3 years ago