My experience as a first-time poll watcher
Blog 78-7th
Date :May 11,2022
Time :4:00pm
National Election has just done. I wanted to share my own experience as a first-time poll watcher.
To be honest I am not really active about politics before but after a certain group of people who wanted to change our town and to help improve our place declare their candidacy. They called their group as ABANTE, ABANTE means forward. I love their political platforms.They all wanted for the people to have a better governance. Kasi nga yung admin eh pinipili Lang ang pinagseserbesyohan. Yun Lang kaalyado niya. Pag nag apply ka ng work sa government di ka tatanggapin kahit qualified ka naman dahil di ka niya ka team. Yun ang masakit na katotohanan dito sa aming lugar. 63 years ng sakop ng isang Apilyedo ang Bayan namin pero ang Hina ng pag usad ng lugar namin.
Moreover, yung asawa ko naging barangay coordinator ng team Abante Kaya nung sinabi niya na kailangan ng dalawang poll watcher, at wala siyang ibang mahanap sa baryo namin dahil karamihan sa lugar namin eh puro taga admin. Pumayag nalang ako na maging watcher. Watcher Pala ako sa Nanalong Governor dito sa Bohol. Dati akala ko chill at easy Lang ang rule ng watcher pero nung ng orientation na kami ay ang dami palang dapat naming tandaan at gawin. Sa lugar namin mainit ang election. Grabe ang vote buying. Yung Bayan namin pangatlo sa critical ang election. Talamak talaga ang vote buying.
The day of election. Need namin maaga sa school. Mga 5am andun na kami kasi need namin masaksihan ang pag on ng VCM Kung talagang zero ang laman ng machine. Need namin masaksihan ang pagbukas ng box ng balota. Nung 6am na nagsimula na ang pagboto kami ang mga nauna Para ma kabantay kami sa mga voters after. First time ko din bumoto ng ganun kaaga. Bali 6 kaming poll watcher sa aming team. Salitan kami Kung sino ang uupo sa loob ng presinto at sino ang magbabantay sa labas. Mas pinili ko sa labas ako magbabantay kasi nakakabagot sa loob kasi di pwedeng makipag usap kahit sa mga Co watchers. Dun na din kami kumain ng agahan. Salitan din kami kumain.
My time na my isang watcher sa kabilang team na dumudungaw sa my bintana ng presinto malapit sa VCM Kaya sinumbong namin sa BEI(BOARD OF ELECTION INSPECTORS). Sila yung sisita sa lumalabag sa rules.
Since maliit na baryo Lang naman ang aming lugar nasa 207 voters Lang Kaya maaga kaming natapos magbantay sa mga botante pero kahit nga 3pm tapos ng makaboto lahat eh need namin maghintay hanggang 7pm ang closing time. Dun na din kami naghapunan.After couting and announcing the total votes Need pa sana naming sumabay at sumama hanggang maihatid ang vcm sa Municipal Hall namin pero di na ako sumama kasi mga around 10pm na yun,yung ibang kasamahan nalang namin ang sumama.
Closing thoughts
Nakaka antok at nakakangawit din Pala maging poll watcher pero masaya pa rin ako dahil nabigyan ako ng chance na ma experience ang ganung tungkulin.
Kahit natalo ang team Abante Balilihan (team ng Bayan namin) panalo naman ang Abante Bohol at Uniteam. Yan Kasi ang slate na kakampi namin. Di rin ako ng expect my sahod Pala maging poll watcher. I am glad binigyan din ako ng P800. Solve na pambayad ng Electric and water bill namin.
Photos used in this article are all owned by yours truly unless it is stated.
Lead Image edited using Canva
To my ever-dearest daily readers, upvoters, and likers. thank you for your precious time and for your efforts. I love you all.
To my amazing and generous sponsors who have been supporting me since from the start thank you so much for inspiring me to do better each day
Naku sis ako kinukuhang watcher ehh nalaman Ng asawa ko hidni pumayag at napagalitan pa Ako wag naraw po ako makisawsaw ehh at mahirap nga raw Ang gawain sis. Pero perhas po pala ngayon lang po natalo Ang 18 years na magkapatid na naghahalinhinan sa pag upo po samin