Yung Invited ka pero hindi ka naman pala welcome!

26 43
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Hello sa lahat! Naranasan niyo na bang invited ka sa isang handaan pero pagdating mo doon hindi ka naman pala welcome. Tanong ko lang, gaano ka open yung pagkain sa inyo kapag may handaan? Mag kaiba ba yung pagkain para sa public at sa mga bisita? Given naman na siguro yung may pagkain sa labas at loob ng bahay para sa mga bisita at sa public pero sana parehas lang ang pagkain na binibigay.

Nagkaroon kami ng get together ng mga pinsan namin kanina at ang isa sa naging topico namin ay tungkol sa mga handaan o pagsasalo na nadaluhan na namin. Kung paano kami trinato at nadiscriminate sa mga handaan.

Kapag inimbitahan ka sa isang handaan, mahihiya kang humindi diba?. Ang iba gora agad kasi pagkain is life ika nga nila. Pero hindi lahat ng nag-iimbita ay sincere talaga, nag iimbita sila for the courtesy lang dahil kilala mo ang isa or two sa mga member ng maghahanda.

Eto experience ng isa sa cousin namin. Sabi niya inimbitahan siya ng cousin niya, inaasahan niyang kung ano ang kakainin ng mga bisita yun din ang kanyang kakainin. Nagulat siya ng kukuha na sana siya ng pagkain sa loob ng bahay, sinita daw siya. Ang pagkain sa loob ay para daw sa mga bisita. Napatanong siya sa kanyang sarili "Hindi ba ako bisita?". Lumabas siya dahil nahiya siya sa loob, pagkalabas niya nagulat siya sa pagkain na para daw sa public, lugaw at miki. Yung nasa loob ay mga sosyal na pagkain, tulad ng spaghetti, macaroni, shanghai at coke sa labas ay juice lang. That time kapag nakapaghanda ka ng ganyang pagkain ay mayaman ka na.

Hindi naman siya maarte sa pagkain pero sa pinakita nilang trato sa kanya ay nahiya siya. Nagsisisi siyang pinaunlakan ang imbitasyon. Umiiyak siyang umuwi dahil akala siguro ng pinsan niya patay gutom siya. Nagkaroon siya ng trauma, hindi siya dumadalo sa mga handaan maliban lang kung kasama ang mga magulang niya.

Naalala ko din dati, kahit hindi naman kami dadalo, napadaan lang ay sasabihan kang "Nakita niyo ba ang usok, kaya nandito kayo, naamoy niyo ba ang lechon? Sabay tawa sila. Bahay kasi namin medyo mataas, kaya sinabing "sagpat" sila nasa baba. Natural madadaanan namin sila, mga bobo sila haha joke!. Ng lumaki na kami, hindi namin makalimutan yung mga sinasabi nila, to the point na magkakamag-anak pala kami.

Kung may mga taong, pinag-iiba ang pagkain sa mga bisita at para sa public, ang anti namin ay naiiba, minsan inimbitan niya kami first time kong makadalo ng handaan sa bahay nila. Dahil sanay ako na iba ang pagkain sa bisita at sa public. Hinihintay ko kung saan kami kukuha ng pagkain kasi expected ko na hindi ako bisita. Nagulat ako dahil wala pala ang ganun sa kanila. Ayaw niya daw yung ganung set-up parang may favoritism daw pag ganun. Hindi din uso sa kanila yung paghuhugasin ka ng pinggan after kumain, sila lahat gumagawa.

Kahit nagvolunteer akong maghugas ng pinggan ay ayaw nila. Sa amin kasi mahihiya kang umuwi kapag hindi ka makakatulong sa paghuhugas ng pinggan. Kaya minsan ayaw kong dumadalo sa mga handaan dahil kahit invited ka, yung mga mata ng iba ay nakamasid parang kahihiyan na nandoon ako. Parang kila anti ko lang naranasan yung espesyal ang lahat walang pinapaboran or favoristism. Yung ikaw pa ang mahihiya dahil sa treatment na binibigay nila. Kapag may natira ipapabaon nilang lahat sa mga dumalo , dahil wala daw kakain sa kanila baka masira lang daw.


Ikaw ano experience mo sa mga handaang nadaluhan mo na? Bisita ka ba o karaniwang bisita lamang? Pwede mo ding ishare sa amin kwento mo!..

Thanks to these wonderful and beautiful sponsors of mine!

Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

9
$ 5.72
$ 5.33 from @TheRandomRewarder
$ 0.08 from @LucyStephanie
$ 0.05 from @Bloghound
+ 7
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Ha? May ganyan pala sa inyo? Saan yan bakit napaka-ano naman ng ugali? Grabe now ko lang nalaman may mga pa-party palang ganyan? Wow matindi.

$ 0.02
2 years ago

Opo may ganyan po talagang tao mayayabang po tao doon sa amin..

$ 0.00
2 years ago

Ibig kong sabihin yung iba ang pakain sa ibang bisita. Now ko lang nalaman may ganyang kaugalian. Saan banda ba yan at nang di na mapuntahan? Charrrr, hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Opo sanay na kami diyan,hehe kinalakihan na namin yan kaya lang nakakalungkot isipin na ididiscriminate ka dahil lang sa normal ka lang na tao..

$ 0.00
2 years ago

Well meron pa naman oras na magbago. Alam m n di ba uso na yung baguhin ang toxic behavior dito sa Pinas. If ganun sila nakakalungkot tlga, parang mga kapitbahay ko lang. Hahaha. Mga selfish. Haaaay.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nahihiya ako pumunta kapag nag-iimbita sakin na mga pinsan ko na may kaya kasi paniguradng di ka i-entertain.

$ 0.02
2 years ago

Ang sad ngaeh kamag anak mo pa talaga yung gagawa ng ganun..

$ 0.00
2 years ago

jusko seryoso? ate amin naman, inimbintahan kami sa handaan nung tita ko na anak ng kapatid ni lola. syempre handaan diba so pag kulangpwede ka bumalik para kumuha, eh si nanay bumalik nun kasi kumuha. yung nanyare kinabukasan nagulat kami kasi may nagsabi na pinagtistismisan daw si nanay na parang baboy daw kumain. ayun nagkagulo, yung nagsabi pala non is ung tita ko na kapatid ni dad.ansaket non? sarili mong tita tas ganyan pa

$ 0.02
2 years ago

Yun ngaeh yung masakit sariling kamag anak mo pa yung manghuhusga sayo, hindi naman nila alam yung totoong nangyari.Parang ang dating ay plastikan lang ganun.

Oo kainis doon sa amin..

$ 0.00
2 years ago

wala eh grabe sila, halos di nila naiisip ung iba

$ 0.00
2 years ago

Yaan mo na wala siguro silang magawa kaya ganun..

$ 0.00
2 years ago

Sa tanang buhay ko wala akong naexperience na ganyan na discriminasyon sa mga handaang napuntahan. Isu nu mamingsan agtugotak ti food tatnu awan makunada hehe. Hanko magets jay logic nga apay masapul ada sabali handa.

$ 0.02
2 years ago

Ano sir sabali diay para bisita sabali diay pangkarruba lang...kasta uso diay ayan mi sir inggatta ikab kaubingan mi kasdiay nasanay kamin ngem no kitkitan mi sir nasaket met hehe sunga dikam unay umat attend ti handaanen ta kasdiay met ipak pakita da...

$ 0.00
2 years ago

Better not invite at all if di sincere pag imbita. Mabubulok lng mga left over noon. If ayaw mo mag imbita, wag na lng. If once nag-imbita, open heart dapat para masaya. And makakain ang food na walang hiya hiya.

$ 0.02
2 years ago

Madami kasing plastik sa amin eh Hehe Salamat din sa pagbisita hehe

$ 0.00
2 years ago

Kaya hindi ako nagpupunta pag nag invite ibang kamag-anak ko e kasi alam ko na takbo ng isip nila. Halata ko naman kung sino yung bukal sa loob ang pag invite at hindi e. Hahaha

$ 0.02
2 years ago

Sana all nakakahalata hahaha

$ 0.00
2 years ago

Pagmay nangiimbita saken titingnan ko muna kung hindi galing sa labas ng ilong yung sinasabi nya..Kasi iba minsan nangiimbita pero they really don't mean it out of courtesy lang..Minsan, kakain ako before ako pumunta para ready ako for the worst hehe

$ 0.02
2 years ago

Hahaha ganun din ginagawa ko kasi kapag madami yung linagay ko sa pinggan ko madaming mata ang nakasunod hehe

$ 0.00
2 years ago

Oo nga, chinicheck kung gaano kadami yung kinukuha mo hehe

$ 0.00
2 years ago

Ay any met atan haaha, better la garuden nga han da kan in invite a.. Maka out of place met nu kasta.. Agawid ladtan 😅

$ 0.02
2 years ago

Haha wun ate kasdiay diay ayan mi..

$ 0.00
2 years ago

so far di ko pa naman na ranasan yang ganyan,,,sa kadahilanang di talaga ako pumupunta sa mga ganyan kahit close friend ko pa..pero kadalasan ako ang nag iinvite sa mga kaibgan ko na pumunta sila sa bahay if ever may handaan kami at di ko rin na kita na yung pamilya ko iba pinapakain sa labas at iba sa loob maliit na baryo lang kasi kami so kung ano yung nakikitang putahe para sa isa yun din ang nakikita nang lahat at pwede nilang pagsaluhan

$ 0.02
2 years ago

Sana ganyan lahat mommykim..

$ 0.00
2 years ago

Kaya hindi talaga ako dumadalo sa mga handaan, sis.

$ 0.02
2 years ago

Agpada ta ate hehe

$ 0.00
2 years ago