Hello patapos na ang August kamusta journey niyo ngayong buwan na ito? Ako masaya na malungkot at ito ang aking ikukuwento ngayong araw!
Masaya ang simula ng August para sa akin dahil unang araw palang bumili ako ng bagong cellphone. Wala pa akong balak bumili ng bagong cellphone kahit nagbliblink yung phone ko dahil hindi pa kasya yung ipon ko noon pero yung mga kapatid ko napansin nila yung cellphone kong nagbliblink tinanong nila ako kung may ipon ako. Pinakakita ko sa kanila yung ipon ko sa noise.cash at read.cash nasa 6500 yun eh. Naipon ko yan ng 3 months medyo maliit lang siya kumpara sa iba pero sa akin ay malaki na yan, ng mga panahon na yun hindi ako active makipag interact sa mga writers dito dahil nga nahihiya pa ako noon, naging active lang ako ngayong buwan na ito simula noong makilala ko sina ate bloughound, ate jaytee, sir articlee si dziefem at si mommykim. Sila yung consistent na nagbabasa ng mga article kong tagalog mula noon hanggang ngayon. Hanggang sa dumami na akong nakilala yung ibang writer nakilala ko sila sa noise.cash sila khing14, jeanesapphire39, meraki yung nagsponsor sa akin sina winz1998, at si Amy05, si Officialgamboalikeus ay agad agad siyang nag sponsor kahit hindi niya pa ako masyadong kilala. Simula noon sumasali na din ako sa mga prompt niya. Dahil sa kanila nagkaroon ako ng bagong pag-asa at inspirasyon para mag stay dito. Walang akong interaksyon last 3 months ngayong august lang talaga ako naging active.
Simula noong nagkaroon ako ng interaksyon sa ibang users naging active na rin si random rewarder sa mga article ko kaya sobrang saya ko dahil malaking tulong ito sa akin sa at sa gastusin namin dito sa aming bahay.
Yung naipon ko sa loob ng 3 months ay napunta lahat sa phone ko kaya lahat ng wallet ko ay naging zero balance. Nagsimula ulit akong mag-ipon.
August 4 ng ibalita sa amin na namatay na ang isa naming uncle sa ilocos, ng mga panahon na yun nakaipon ako ng $19 agad agad ko iyong kinonvert sa peso para maipadala ko kay ate Marya trough gcash. Mabuti nalang medyo tumaas na yung bch noon nasa 29k plus siya. Gawin ko sanang isang libo yung ipapadala ko ay hindi umabot 900 lang yung napadala ko. Alam ko yung bigat sa gastos eh pag namatayan kaya agad-agad akong nagpadala kahit manlang financially ay makatulong ako. Sobra akong nalungkot dahil hindi ko manlang nasilayan si uncle sa huling pagkakataon mahirap umuwi dahil malaki ang gastos, madaming requirements, at quarantine pagdating doon kaya minabuti nalang naming huwag ng umuwi.
August 18 naman ng ibalita sa amin na nanganak na yung ate namin pero cs siya, buti nalang covered lahat ng philhealth yung gastos nila. Excited ang lahat para bisitahin si baby. Nakabisita lang kami noong August 27. Kinailangan ko namang withdrawhin si bch galing kay read linabas ko yung $20 buti nalang talaga may earnings pa ako dito sa read dahil kawawa naman si ate kung siya lahat gagastos ng fare namin ang mahal ng pamasahe pero sabi niya huwag nalang daw, siya nalang gumastos, yung $20 na yun ilalaan ko na lang sa bills namin sa kuryente at internet sa susunod na buwan dahil nakabayad na si ate ngayong buwan.
Thankful din ako sa frenny kong nagsusulat dito noong panahong busy ako. Kahit busy ako andiyan naman siya kahit sinabi ko sa kanyang withdrawhin niya yung earnings ng articles na sinusulat niya ay ayaw niya okay na daw siya sa load. Diba ang bait pero ako nagtatabi ako ng pakonte-konte para sa outing namin in the future.
Dahil kay read at noise nagkaroon ako ng mga gamit na hindi galing kay ate nakakatulong pa ako dahil ako minsan ang nagbabayad ng internet kaya laking pasalamat ko talaga sa platform na ito dahil naproprovide niya yung gastusin namin personal man o hindi.
Gustuhin ko mang mag-hold gaya ng ibang users hindi ko magawa-gawa dahil nga sa mga emergency ay mapapagastos ka talaga pero ang kinaganda naman nito ay may pinagkukunan kahit papano na hindi mo na kailangang umutang o magmakaawa sa ibang tao.
Salamat nga pala sa mga writers dito na nagbabasa ng articles ko at nagcocomment kung hindi dahil sa inyo wala parin akong matatanggap na upvotes kay rusty. Pasensiya na kung hindi ko nababasa articles niyo on time. Hopefully po mauupuan ko ng matagal ngayon yung articles niyo hehe.
Nakakatuwa naman ate.. Nakasama ako sa namention mo.. Hehe.. Happy to be one of your friend po here sa read.cash