Bakit kaya kahit wala ka namang ginagawa ay napapagod ka pa rin. Ramdam niyo rin ba ito or ako lang? Itong pandemic na ito na hindi na matapos-tapos ay iniba ang ating daily routine. Kung saan nagkaroon tayo ng maraming oras sa pagtulog o siesta time, dahil sa mga quarantine na pinapatupad na kailangang manatili sa loob ng bahay. Pero sa kabila ng lahat ng ito nakakaramdam pa rin tayo ng pagod kase may mga gusto tayong gawin pero hindi natin magawa-gawa.
Ilan sa mga rason kung bakit nakakaramdam ng pagod kahit most of the ay nasa bahay lang kahit walang namang masyadong ginagawa ay:
Pagod sa kakaisip kung kailan matatapos ang covid-19!
Isa rin ba kayo sa mga taong araw-araw ang bukambibig at tanong sa buhay ay kailan kaya mawawala o matatapos ang covid-19? Na na nadidisappoint kapag walang nakasagot ng tamang oras o date? hanggang sa napagod ka na sa katatanong dahil wala namang taong nakakaalam ng eksaktong araw, isasagot lang ay "matatapos din ang lahat" pero ikaw na nagtatanong "hanggang kailan"?. Haay huwag mo ng pagodin ang isip mo teh. Ipag pray mo nalang yan hehe.
Pagod ng kakaisip kung kailan ipapatupad ang face to face class.
Marami nang mga nanay ang pagod ng magturo sa kanilang anak pakiramdam nila sila na ang totoong teacher. Ramdam na ang pagod ng isang guro kaya naman lagi silang nakaantabay sa balita kung kailan ipapatupad ang face to face class hanggang sa napagod na sila sa kakaantay ng developement. Hindi lang mga nanay ang pagod kundi mga mag-aaral na din. Ang dalawang pamangkin namin ay tanong ng tanong kung kailan ang face to face class dahil sawa na din sila sa online class na hindi nakikita ng personal ang kanilang kaklase.
Pagod na sa kakascroll sa mga social media.
Ilan siguro sa inyo ay hindi sang ayon dito. Pero ayon sa kapatid ko pagod na siyang magscroll kase yung mga pinopost ay mga memories sa facebook, wala ng masyadong latest kumbaga wala ng bagong ganap. Nawawalan siya ng gana lalo na kung lahat ng nakikita ay mga negative events or news.
Pagod ng magfacemask at faceshield
Kahit on going pa rin ang covid marami ng hindi nagfefacemask at faceshield dahil naiirita na sila ang ilan ay wala ng pambili. Ako personally pagod na akong magfacemask hindi dahil hindi ako makahinga kundi dahil maluwang yung facemask sa aking mukha may kaliitan kasi hehe kaya tinatali ko iyong sintas ng magkabilaan pero after lang ng ilang oras ay masakit na sa aking tenga.
Pagod ng kakaisip kung kailan ang pwede ng umuwi sa probinsiya mamasyal ng walang restrictions!
Mag dadalawang taon na ang covid at lahat kami ay gusto ng magbakasyon pero dahil sa dami ng restrictions at kailangang ayusin hindi kami matuloy-tuloy dahil kailangan din ng malaking pera. Hindi tulad noon na pamasahe lang ang kailangan. Dagdag pa ang quarantine na yan. Kaistress na talaga.
Sabi nila iwasan ang masyadong pag-iisip para hindi mabaliw magtiwala nalang daw sa Panginoon. Alam niya ang plinaplano niya kaya kapit lang tayo sa Panginoon. Pagod na akong kakaisip ng mga yan go for something positive na ako ngayon.!
Siguro iba sa inyo pagod na sa same lang na tao yung nakikita araw-araw kase hindi naman pwedeng mag entertain ng bisita tapos nasa loob lang ng bahay.
Pero ikaw saan ka napagod sa halos dalawang taon na nasa bahay lang? Share mo naman yan hehe.
Ang laki talaga naapektuhan sa pandemyang ito. Regarding sa online classes mas better talaga pag face to face kasi mas malaki ang possibility that students can be learn more compare to online classes.
I'm one of those people na hindi nakakauwi ng probinsya. Takot din ako kasi sa city ako. Grabe mga requirements. Hoping talaga na matapos natong pandemya nato.🙏