Matanong ko lang saan niyo ginugol oras niyo ngayong pandemic? Kung ako tatanungin niyo sa wattpad ako. Simula noong nagsimula ang pandemic naaddict ako sa pagbabasa ng wattpad stories. Minsan nga pinapagalitan ako ni ate kase umaabot ako ng 1 am sa pagbabasa, nasisilaw daw siya sa ilaw ng phone ko nakanight mode na nga eh.
Pero simula noong nakilala ko si read.cash at noise.cash nabawasan na yung time ko sa pagbabasa ng stories sa wattpad at stick na rin sa iisang author. Kung wala siyang updates wala din akong babasahin. Ngayong lockdown nacurious ate ko kung anong binabasa ko sa phone ko na umaabot ako ng 1 am. Pinakilala ko sa kanya si wattpad apps at mga iba't-ibang authors na magagaling sa pagsusulat ng stories. More on pocketbook kase siya nabasa ko na din lahat ng libro na meron siya pero para sa akin mas maganda yung nasa wattpad.
Akala ko hindi niya susubukan kasi nga galit siya sa akin minsan kasi inuuna ko pa yung pagbabasa kaysa mga gawaing bahay at nakakaligtaan ko yung oras, alas dose na pala hindi pa ako nagsasaing lol haha. Kung pwede lang kase ayaw ko yung mabitin eh. Para wala ng problema si ate maaga ako minsan gumigising para tapusin lahat yung mga dapat gawin sa umaga para sa tanghali diretso na sa pagbabasa. Kapag gustong-gusto ko yung stories ayaw kong tigilan haha.
Ayun nga hiniram ni ate yung phone ko para magbasa na din sa free time niya, kung magustuhan niya idodownload niya din yung apps. Naexcite siya agad-agad siyang nagdownload ng mga libro sa katunayan sa kanya pa ako natuto dahil nagbabasa lang ako kung sinu-sinong author yung nasa list ko dati. Wala akong pakialam sa author basta download lang ako ng download. Haha
Kaninang hapon nagdebate kami ni ate same book na kase yung binabasa namin. Grabe ang dami niyang sinabi sa akin, nakita niya kase akong umiiyak ayaw kong sabihin na dahil sa binabasa ko kase ang babaw pero wala akong choice kesa naman pauwiin ako sa probinsiya akala niya namimiss ko na doon. Kwinento ko sa kanya yung binasa ko tapos sabi niya "Gaga ka mali yang sinasabi mo, hindi ganun yun, umiiyak ka na diyan mali naman pagka intindi mo tignan mo sa ganitong chapter basahin mo ulit. Haay naku binabasa mo nga mali naman pagkaintindi". Binalikan ko yung sinasabi niyang chapter tapos nagdebate na kami iba naman yung pagkaintidi niya haha " Hoy tignan mo din sa ganitong chapter hindi rin totoo yan haha" "Aaaah ganun ba, patingin ngaaah" Pinakita ko sa kanya at after 5 minutes tumawa kaming dalawa nawala kami sa storya bigla kaming naguluhan sa kwento. Ano ba talaga author. Napakacomment tuloy ako ng wala sa oras.
Pero ng dahil sa wattpad mas naging close pa kami ni ate kase dati nahihiya akong magkwento sa kanya imagine 15 years na siya dito sa Maynila at last year ko lang siya nakasama ng matagal kaya nailang ako ng konte noong una. Same stories yung binabasa namin at napapakwento nalang ako sa kanya na hindi ko magawa dati. Bilib din ako sa talino ni ate ang lalim ng thought niya minsan eh.
Dahil sa pagbabasa ng wattpad doon ako nakakakuha ng idea minsan kung anong sasabihin sa pinagdadaanan ng ate kong pangalawa. Yung una siya yung napasama ko sa pagbabasa ng wattpad mas addict na siya ngayon kaysa sa akin, mas madami na yung downloaded books kaysa sa akin nasa 50 plus na ata.
Ang pagbabasa ng libro ay nakakatulong para maging active ang ating utak. Nakakatulong din sa pagpapalawak ag ating kaalaman. Imbes na maluklok sa mga negative events na nangyayari ngayon sa buong mundo, why not do something na makabuluhan like reading books or stories online para naman maaliw sa buhay.
Samakatuwid nakakatulong ang pagbabasa para malabanan ang depresyon kase kung minsan kung saan-saan naglalakbay ang ating isipan.
May isang author na nagsusulat ng stories pero kasama doon si God tagalang mabubuild-up yung faith mo in God sa kanyang stories. Hindi ko siya pinaplug pero worth it reading talaga yung mga stories niya kaya lang tagal niyang mag-update hindi na tulad ng dati kase may trabaho na siyang iba pero inaabangan ko parin mga updates niya. Sa kasalukuyan may 28 books siya dalawa yung ongoing at hinihintay ko yung 3rd generation, sana soon na hehe.
Thank you for reading Godbless!
Lead image sourcefrom wattpad : screenshot from my reading list.
Ang sipag mo magbasa. Hindi ko na tatagalan pag sa phone or laptop. Mas gusto ko pa rin pag print.