May mga pangako ba sa inyo na hindi tinupad? Haha alam ko, marami yan! Common na yan eh. Kanino ka mas nasasaktan sa mga pangakong di naman tinutupad, pangako ng nanay, kapatid, kapitbahay, kamag-anak, o jowa? Depende siguro sa pangako eh no?
Aking ibabahagi yung mga pangakong pinako sa kawalan!
Kay Mama
Sabi ni mama dati, kapag may natatanggap akong pera mula sa anti namin sabi niya "Anak ipunin natin yan, ako na magtatago baka mawala mo pa yan, pangako anak hindi ko gagalawin, dadagdagan ko pa." Di ba ang gandang pangako haha naengganyo ako kase nga gusto kong bumili ng phone kahit keypad lang noon para sana updated kahit papano sa eskwelahan kapag may announcement. Noong panahong gusto ko ng kunin sabi niya "Anak pinambili ko na ng ulam, ipon ka nalang ulit, ano bang gusto mong bilhin ako na bibili."To cut the story short yung pinaglumaan ni anti na cellphone yun ang binigay niya, imbes na magalit ako kay mama nagpasalamat nalang ako kase touch screen yung binigay eh. Pero nagalit ako ng konti kay mama dahil hindi niya manlang sinabi na wala na yung pera ko sa kanya nakalimutan daw niyang sabihin.
Kapitbahay
Ang hindi ko makakalimutang pangako ng kapitbahay ay yung sasabihin nilang gagamitin yung motor namin ng mabilis lang, nagbibigay pa sila ng exact na oras kung kailan sila dadating. Pinagbigyan namin sila kase nga sabi nila mabilis lang sila, sinabihan namin silang dapat sa ganito ganyan andito na kayo kase may pasok ako that time, hanggang sa gumabi na wala pa sila, hindi na ako nakapasok sa eskwelahan kase wala na ding available na motor sa oras na iyon. Tapos mahirap humiram kapag alam nilang may sarili ka namang motor. Ang masama pa parang wala lang sa kanila yung pangako nila, hindi manlang sila humingi ng pasensiya. Nakarinig sila ng salita mula kay papa pero sila pa ang galit. Sasabihin ba naman nila na"Sa susunod sa iba nalang kami humiram nakakahiya naman sa inyo" Sabi naman ni papa "Sige mas mabuti pa yan kung umasta kayo parang inyo na yong motor" Akala ko may suntukan ng magaganap buti nalang andoon si Kuya noon, medyo natakot sila, umalis sila ng kusa.
Common na din yung mangungutang sila ng walang bayad-bayad. Okay lang sana eh kung hindi aabot sa libo. Kung umutang sila ang daming paawa effect at pangako na hindi naman tinutupad tapos kung oras na ng pagbabayad ang hirap na nilang hagilapin. Diba ang saklap ikaw na yung tumulong ikaw pa yung agrabyado kase sasabihin nila hindi sila nakakuha sa amin kahit binigyan naman sila. May ganito ba kayong kapitbahay? Sana wala kase masakit na malaman na kapitbahay mo linoloko ka, na dapat kayo ang ang nag-mamalasakit sa isat-isa eh.
Kapatid
Mga prank yung mga pangako nila eh sasabihin nilang maganda ang isang lugar pero pagdating doon pangit naman tapos kapag umuwi kami ng maaga tawa sila ng tawa. Mga walang magawa sa buhay. Yung tipong pinaeexcite nila kami sa kanilang kwento na parang totoo talaga walang kakurap-kurap sa pagkukuwento yun pala kabaliktaran yung sinasabi nila. Tapos sasabihin nilang masakit ulo at puson nila para hindi sila mapilit sumama. Lesson learned, kung may sasabihin silang magandang lugar search muna para di maloko sa kanila haha.
Kamag-anak
Yung nagpromise silang dadalo sila sa isang okasyon pero hindi naman pala sila makakapunta. Pinaghandaan sila eh ang late ng abiso nila na hindi sila makakadalo, nandoon na yung sundo nila eh, hatid sundo sila para sa reunion day sana. Totoo yung kasabihang promises are meant to be broken.
Jowa
Haha wala ito dahil wala pa siyang promise na binali kase wala naman talaga haha.
Kanino ang pangakong masakit isipin? Siguro sa kamag-anak at kapitbahay kase nakakatampo sila haha. Ikaw anong promises ang hindi mo makakalimutan?
Okay lang yan hehe! Baka sa susunod matupad na yung mga pinangako saten. Kaya as much as possible, di tayo mag expect nalang hehe