Nagising ako mga 4 am kanina pero dahil maaga pa natulog ako ulit kase tatlong oras palang tulog ko at mabigat pa ang aking mga mata at medyo pagod ako dahil nagbake si Doc CL ng Cake kagabi.
Kapipikit ko lang ang aking mga mata ng may bumulong sa akin. Nagsasabi siya ng pangalan pero hindi ko maintindihan. Maya-maya pa hindi ko na maigalaw ang aking buong katawan, tapos may mga scene na akong nakikita sa aking isipan. May isang babae na bumubulong ng pangalan hindi ko naman maintindihan dahil parang espanyol ang kanyang lenguahe. Dahil hindi ako makagalaw nagdasal ako ng nagdasal sa aking isipan at sinisigawan ko ang babae na hindi niya ako kaya, Na hindi niya kaya ang Diyos na mayroon ako. Maya-maya pa nawala na siya at maigalaw ko na katawan ko. Hindi na ako masyadong natakot dahil hindi naman na bago ito sa akin pero 2 years na akong hindi binabangongot ngayon nalang ulit.
After kong mabangongot Hindi ko na binuksan ang aking mga mata at natulog ulit ako. At ako'y nanaginip sumasayaw daw kami para sa P. E performance namin sa kalsada. Ang mga kasama ko dito ay mga high school clasmates ko. Sa kalagitnaan ng saya namin may isang lalake na malungkot na nakaputi parang may lamay pero siya lang ang taong nagbabantay may sinabi siya pero hindi ko naintindihan. Maya-maya pa may pastor na lumapit sa akin tinanong niya ako kung kamusta na si Papa. Sinagot ko naman siya na okay lang siya. Nagtanong ulit siya kung ilang beses na siyang natalo sa election. Sinabi ko naman na dalawang beses na pero hindi ako sure hehe. Si pastor naman tuwang-tuwa. Ewan ko kung bakit siya natatawa.
Samantala, sa aking panaginip ang galing-galing kong sumayaw, parang hindi ako mahiyain. Bibong-bibo ako pero sa personal ay hindi naman kabaliktaran lahat. Hindi ako marunong sumayaw at mahiyain ako.
May ibig sabihin kaya ang aking panaginip? Totoo kayang may multo dito sa bahay ni Doc CL. Ano kayang meron sa numerong 4 nakita ko iyon sa aking panaginip tatlong 4 na maliit pero malinaw iyon sa aking isipan.
Kapag binabangongot ka magdasal lang sa isipan. Dasal lang ang sandata ko dahil kahit anong gawin ko walang nakakarinig sa akin kundi ang Diyos lamang.
Pray before sleep sissy at calm our self. Madalas tayong bangungutin kapag nalulungkotnn nagagalit tau at matutulog agad