Parang kailan lang 10 days na pala akong nagwowork dito. Ang ginagawa ko lang is accepting orders on line ng cake. Magdadalawang linggo na pala ako. Namimiss ko iyong mga araw na wala akong masyadong ginagawa, na pwedeng lumabas kung kailan ko gusto. Namimiss ko iyong walang iniisip after ng mga gawaing bahay hayahay na pag nasa bahay lang ako. Pero ngayon halos wala ng oras sa pagkain dahil mayat-maya may nagdodorbell. Bago ibigay yung order ng cake kailangan kong siguraduhing maigi na malinis ito, well presented at bayad na. Ang inaayawan ko lang gawin is yung magsulat ng dedication dahil nga hindi ako proud sa aking sulat hehe🤗. Pero si Boss trinetrain na niya ako dahil uuwi siya ng probinsiya next week. Wala akong choice kundi magsulat ng dedication kahit pangit hehe. Sabi naman ni boss wala ng magagawa yung mga customers pag andoon na hehe. Pero kasi ako iyong nahihiya sa mga customers nila baka hindi na sila umorder ulit dahil sa sulat ko hehe.
Anyways, akala ko ako lang ang nakakamis sa mga kapatid ko, hindi pala namimiss din pala nila ako hehe, sabay sabing paload daw. Ganito pala ang feeling pag namimiss mo ang mga kapatid at pamilya mo, hindi ka na nagrereklamong ibigay yung kahilingan nila. Pag minsan lang namang maglambing ang isang tao hindi ako tumatanggi sa kagustuhan nila dahil alam kong hindi sila abuser hehe. Nakakataba ng puso pag may mga taong nakakaalala at nakakamiss sayo. Iba yung feeling inside eh parang naiispire ka lalo para pagbutihin pa ginagawa mo.
Hindi bale mabilis lang lumipas ang araw magkikita kaming lahat sa pasko😍😍.
Kaya mo yan Sis. Fighting lang :)importante makakapag ipon ka para na din mas maganda ang christmas