Ngayong araw inisa- isa kong pinuri yung mga kasama ko dito sa bahay. Tignan ko lang yung magiging reactions nila haha. Naalala ko kase yung takdang aralin namin sa english which is observing response and reactions upon complimenting people.
Natawa ako ng bonggang-bongga kase may mga pahumble, hindi umamin at yung iba nagyabang haha. Pinuri ko sila isa-isa at talagang inobserbahan ko yung mga reactions nila. Good thing na bumisita yung dalawa naming pinsan pagkatapos nilang malaman na free covid na kami bumisita sila dito sa amin.
Puri at Reactions/Response
Unang kapatid
Papuri: Uy bakit blooming ka ngayon ang ganda mo ah! Sino nagpapaganda sayo?
Reactions/Response: Ha? parang hindi naman. Praning huwag mo nga sirain araw ko.
(Siya yung taong ayaw niyang nakakarinig ng compliment base sa reactions niya haha Parang hindi siya sanay na may pumupuri sa kagandahan niya kase may kasama pa siyang irap eh.
Ikalawang kapatid
Papuri: Uy sipag mo ngayon na! Inspired ka ata? Anong nakain mo?
(Actually hindi siya masipag tamad yan haha tignan ko lang yung reactions niya)
Response/Reactions: Bakit ngayon mo lang ba napansin. Yan kase puro cellphone. Yan tayo eh napapansin lang pag walang internet.
(Siya naman yung taong mayabang pag pinupuri haha magaling siyang makibagay. Magaling siyang makipagsabayan at alam niyang iwala yong topic hehe).
Ikatlong kapatid
Papuri: Uy lalo kang gumwapo sa suot mo ah. Saan punta mo?
Response: Manahimik ka nga diyan. Baka may makarinig sayo at madiskubre pa ako.
(Siya naman hindi ko alam kung may pagkayabang o ano dahil ngiting-ngiti naman siya nung pinuri ko siya, ayaw umamin haha naggagalit-galitan pero masaya naman sa narinig haha)
Sana sa dalawa kong pinsan may maganda at seryosong sagot akong makuha. hehe. Bakit kaya sa mga kapatid ko walang nagpasalamat yung isa lang yung binola ko pero yung dalawa totoo naman haha pero natuwa ako sa reaction nila haha seryoso pero ngiting-ngiti naman nila after ko silang purihin hehe.
Punta naman tayo sa cousin namin
Unang cousin:
Papuri: Ganda mo ah. Anong secreto mo pumuti ka ah!
Reaction/Response: Uy talaga? Pwede na akong mapansin ni Crush? Di nga? hindi ka nagjojoke?. Tara coke tayo. (sabay hablot sa aking kamay papuntang store)
(Haha natawa ako sa kanya, parang first time niyang makarinig ng papuri hehe pero sa personality niya kwela siya kaya ganun yung reaction niya walang dull moments sa kanya eh hehe)
Ikalawang cousin!
Papuri: Uy pumayat ka. Effective brown rice mo cousin!
Response: Salamat! Kailangan eh para laging healthy mahirap na pag bumalik ako sa dati kong katawan. Pero wala akong pera dito ah baka nagpapalibre ka diyan. Diko dala wallet ko!
(Sa wakas tinanggap ang papuri, yun ngalang iniisip niyang magpapalibre ako hehe)
Sabi ng teacher namin dati may mga taong gustong gustong makarinig ng papuri mayroon ding hindi at hindi matanggap yung papuri dahil akala nila hindi totoo, yung iba naman pahumble hehe. Denedeny nila kase hindi sila sanay makarinig ng papuri. At ayon sinubukan ko sa mga kapatid at pinsan at totoo yung sinabi ng teacher namin. Yung pinasa kong activity sa teacher namin noon ay hindi masyadong maganda dahil nahihiya akong magcompliment sa ibang tao noon kaya medyo kulang yung sagot ko.
Ikaw ano reaction mo pag pinupuri ka?
Hehe gustong gusto ko din pinupuri ako sis lalo na ng mahal ko.. sobrang nkakakilig yun lalo na sasabhan ka na ang ganda mo ngayon blooming ka ang sexy mo.. talagang kinikilig buong katawan ko kapag pinupuri niya ako ng ganun hehe..