Hello sa inyong lahat ako si Nena. Kilala ako bilang kwelang ina sa aming barangay. Nagtataka ako kung bakit yun ang bansag nila sa akin kaya tinanong ko ang kapwa nanay na aming kapitbahay. Na shocked naman ako sa sinabi nila ako daw yung happy pill nila araw-araw. Mukha ko palang daw nakakatawa na. Ibig bang sabihin nun pangit ako? Hahaha Bahala sila ang mahalaga nalang sa akin ay yung makita silang masaya.
Sa kabila ng sayang nakikita nila sa akin outside ay kabaliktaran naman sa loob. Alam niyo ba kung bakit? Maraming dahilan yan. Akala ko dati masayang maging nanay mula umpisa hanggang dulo. Sa umpisa walang kasing saya ng ipinanganak ko ang aking panganay na anak na si Alecresia. Lahat ng bagay ay ginawa ko na ang lahat para maging mabuti siyang anak. Minsan lang akong dumaing na napapagod na ako sa kanya ay kanyang dinibdib at nagwala siya. Noong bata siya close na close kami pero noong tumungtong na siya sa teenager nagbago ang lahat. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa kanya. Lahat naman ng kailangan niya ay binigay ko ang lahat.
Naisip ko hindi ba pwedeng magreklamo ang isang ina? Hindi ba pwedeng dumaing minsan. Nakakapagod kayang maging isang ina pero bakit hindi iyon nakita ng aking anak. Ang mahalaga lang sa kanya ay yung kakailanganin niya. Parang nakikita ko na ang magiging future ko sa anak ko. Sa kabila ng lahat ibibigay ko pa rin ang pagmamahal na kailangan ng aking anak.
Sobra akong proud sa mga inang ginagawa ang lahat maibigay lang ang kailangan ng kanilang anak. Sabi ko sa kaibigan ko dati na nagagalit sa kanyang anak dahil sumagot-sumagot sa kanya ay pabayaan nalang baka mas lalong magrebelde anak niya. Noong mga panahon na yon ay wala pa akong anak, pero ngayon na may anak na ako hindi mo pala mapigilang di magalit dahil masakit kapag yung anak mo sumagot-sagot at walang respeto.
Kinausap ko ang aking anak kung ano yung ayaw niya sa akin para alam ko iyong iiwasan ko. Nag one to one talk kami. Hindi ko akalain na buntis pala siya. Ginagawa niya ang lahat para kainisan ko siya para pag malaman kong buntis siya ay itakwil ko daw siya. Nakakabigla pero dahil andiyan na yan walang akong magagawa kundi tanggapin nalang dahil kahit anong mangyari ay anak ko pa rin siya. Nakakaiyak lang dahil parang tutulad pa siya sa akin na single mom. Ayaw niya kasing sabihin kung sino ang nakabuntis sa kanya.
Ang hirap maging perpektong ina. Alam kong walang perpekto pero sa kabila ng lahat ginagawa ko nalang ang best ko mapalaki lang ng maayos ang anak ko. Pero siguro may kulang pa sa ginagawa ko dahil hindi ako naging sapat sa kanya. Dumadaing lang ako pero hindi ibig sabihin noon ay sumusuko na ako. Kapag isa ka ng ina ang salitang suko ay wala sa aming bokabolaryo kundi laban lang para sa anak namin.
Cheers to all single mom out there na kinakaya ang lahat mabuhay at mapalaki lang ng maayos ang anak nila.
Authors note: Ang kwentong ito ay hango lamang sa aking isipan. Kung may pagakakatulad sa ibang storya, pangalan at tao ay nagkataon lamang po.
At ang kwentong ito ay hango sa binabasa kong kwento sa wattpad, pero ito po ay own version ko po.
Thankful to this sponsors of mine! Kindly read their articles too! Their articles is awesome and good to read.
Sobrang hirap kapag naging Ina. Danas ko ang pahihirap ng mama ko samin, halod yung ikakain nalang niya ibibigay pa samin para lang hindi kami magutom.