Buhay Kasambahay ( Ang Aking Karanasan )

28 370
Avatar for Yzza0625
3 years ago

Magandang araw sa lahat! Ngayong araw ay gagamitin ko muna ang wikang tagalog bilang paggunita sa buwan ng wika.

Naranasan mo na ba magtrabaho sa murang edad? Anong klaseng trabaho ang una mong napasukan? Kumusta naman ang iyong karanasan?

Kung natatandaan nyo sa unang artikulo na ginawa ko na pinamagatang " Konting Silip ng Kahapon ", ibinahagi ko doon na naranasan ko ang maging kasambahay. Iyon ang pinakaunang trabaho na napasukan ko pagkatapos ko ng sekondarya. Dahil sa kahirapan, hindi ako nakapag-aral agad ng kolehiyo. Hindi ko pinilit ang aking mga magulang na pag-aralin ako dahil alam ko ang hirap na dinanas nila para makapagtapos ako sa high school. Kaua napagpasyahan ko na maghanap na lang ng trabaho para makatulong sa kanila.

Disyembre 10, 2012. Pumunta sa bahay namin ang kaibigan ng aking pinsan. Nagpatulong siya sa pinsan ko na maghanap ng taong pwedeng humalili sa kanya sa trabaho. Aalis kasi siya sa dati nyang amo dahil gusto niyang mangibang bansa. Hindi siya makaalis hangga't wala siyang makuhang kapalit. Narinig ko yung usapan nila kaya nagtanong ako kung mabuting tao ba yung amo nila. Mabuti naman daw kaya nagrepresenta ako na ako na lang ang papalit sa kanya. Gusto ko ng magtrabaho sa panahon na yun dahil medyo matagal-tagal na rin akong natingga sa bahay. Sinabi ko sa aking mga magulang na aking plano. Noong una ayaw nilang pumayag dahil malayo daw ang Manila. Hindi daw ako makauwi kaagad kung gusto kong umuwi. Pero pinilit ko pa rin sila na pumayag sa kagustuhan kong makatulong. Sa kalaunan, pumayag na rin sila.

Disyembre 15, 2012. Ito ang araw na paalis na ako. Hindi ko malimutan ang gabi nung pag-alis ko dahil iyon ang unang beses na si tatay mismo ang nagdala ng bag ko. Hindi kasi siya mahilig magpaalam kapag may aalis pero nung gabing yun ang dami niyang habilin sa akin. Gusto kong umiyak ng gabing yun pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka hindi na nila ako paalisin. Noong nakasakay na ako sa bus, doon ko lang binitawan ang aking mga luha. Sobrang pangungulila ang nararamdam ko kahit ilang oras pa lang akong nalayo sa pamilya ko. Dalawang araw ang byahe mula sa amin papuntang Maynila. Sobrang hina ko nang dumating ako sa bahay ng amo ko dahil nahihilo ako sa byahe. Kaya pinagpahinga muna ako ng amo ko.

Unang gabi ko sa Maynila, sobrang pangungulila ang naramdaman ko. Parang gusto ko nang umuwi dahil sa sobrang lungkot. Pero tinatagan ko ang aking sarili dahil gusto ko talagang makatulong sa mga magulang ko. Kinabukasan, nagsimula na ako sa aking trabaho. Nung una, hindi ko pa alam kung paano gawin ang ibang bagay, tulad nang paggamit ng kanilang lutuan, pagluto ng iba't-ibang putahe, paggamit ng vacuum cleaner at iba pa. Naninibago ako kasi wala kaming ganoong gamit sa bahay. Buti na lang at mababait ang mga amo ko. Tinuruan nila ako kung paano gawin. Kalaunan ay natuto din ako. Ngunit isang araw, habang ako ay naglilinis sa silid-tulugan ng aking amo, may nakita akong maraming pera sa ibabaw ng kanilang mesa. Mga tig-iisang libo na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Sobrang akong kinabahan. Natatakot ako na baka may mawala at pagbintangan ako. Kaya hindi ko na lang nilinisan ang mesa at hindi ko talaga ginalaw ang pera. Oo, mahirap lang kami pero laging tinuturo ng aking mga magulang na masama ang magnakaw. Dumating ang aking amo at sobra silang natuwa dahil hindi ko ginalaw ang pera. Yun pala ay isang pagsubok nila sa akin. Ang mga nagdaan daw nilang kasambahay ay hindi nakapasa sa kanilang pagsubok kaya nila pinaalis. Sobra akong natutuwa at nakapasa ko sa pagsubok nila. Mula noon, pinagkatiwalaan nila ako at lagi nang sinasama sa mga lakad pamilya nila. Tinuring na din nila akong miyembro ng kanilang pamilya. Kaya kapag may selebrasyon, lagi din akong may regalong natatanggap.

ARAL

Hindi ko ikinakahiya na naging kasambahay ako dahil ang pagiging kasambahay ay isang marangal na trabaho. Dahil dun natulungan ko ang aking pamilya. Marami rin akong natutunan sa trabahong iyon. Hindi lang sa mga gawaing bahay kundi sa ibang aspeto din ng buhay. Ang mahalagang natutunan ko sa trabahong iyon ay ang tiwala. Napakamahalaga na mapagkakatiwalaan ka. Dahil kung may tiwala ang mga taong nakapaligid sayo, marami kang biyayang matatanggap.

PASASALAMAT

  • Sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa akin, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Sa lahat ng mga magagandang komento sa nakaraan kong artikulo, nagpaabot po ng pasasalamat ang aking partner sa inyo. Maraming salamat daw po. Nawa'y pagpalain kayo ng Panginoon at mag-ingat po kayo palagi.🥰

  • Sa pinakabago kong sponsor, @JRamona20, maraming salamat sa pagtitiwala lang. Pagpalain ka ng Panginoon.

PINAGKUNAN NG LEAD IMAGE

11
$ 7.74
$ 7.36 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Eybyoung
$ 0.10 from @Eunoia
+ 6
Sponsors of Yzza0625
empty
empty
empty
Avatar for Yzza0625
3 years ago

Comments

Isa din akong Kasambahay at di ko iyon ikinahihiya. Isa pong marangal ang ating trabaho. At salamat na rin dahil mabait mga amo mo.

$ 0.00
3 years ago

Naranasan ko rin ang maging kasambahay Sis, at marami din akong natutunan sa journey na iyon kahit 8 months lang ako doon sa aking amo. Hindi ko kinahiya na naging kasambahay ako dahil isa iyong marangal na trabaho. Kaya dapat nating ipagmalaki ang mga kasambahay dahil sila ay nagsasakripisyong nagsisilbi sa ibang tao at hindi napagsilbihan ang a sariling pamilya.

$ 0.00
3 years ago

mabuti naman at mabait ang mga taong napagtrabahoan mo sis... indi naman dapat ikahiya ang pagiging kasambahay... mabuti at ikaw ay indi nasilaw sa pera.. maayos ang pagpapalaki ng mga magulang mo sau...Godbless you!

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis. Lagi ko kasing natatandaan ang parangal ng aking mga magulang sis. Laking pasasalamat ko talaga sa kanila.

Salamat sis. God bless you rin at sa iyong family.😊

$ 0.00
3 years ago

Tama yan Sis proud lang sa sarili kung ano man ang ating maging trabaho 😊 importante marangal naman. Ang mama ko ang work niya ngayon kasambahay lang, hindi ko kinakahiya proud pa ako sakanya kasi gagawin niya lahat para lang samin🥰

$ 0.00
3 years ago

True sis. Hindi dapat natin ikahiya ang ganoong klaseng trabaho. Napakarangal na trabaho ang pagiging kasambahay. I salute your mother sis. Isa siyang mabuting ina. Handa niyang gawin lahat para sa inyo.

$ 0.00
3 years ago

Yes, sis. Kanina, nung nasa beach kami, may mga nag uusap dun na mga babae tapos sabi nung isang babae, "naku! labandera lang ako." tapos sabi nung isa "wag mo i "LANG" yung trabaho kasi maangal na trabaho yan. At least di ka umaasa sa iba at gumagawa ka ng sarili mong pagkikitaan at nagsusumikap ka." So, yes, ganyan din yung sayo sis. I salute mga kasambahay, actually. Dami kaya nila mga sacrifices.

$ 0.00
3 years ago

True po. Mahirap po ang trabaho ng isang kasambahay kaya hindi dapat nilaLang lang.

$ 0.00
3 years ago

Tama wag mong ikahiya dahil marangal ang trabaho na yan.. Dahil jan ay natulunagn mo pamilya mo❤️

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po. Salamat po sa pagbasa.😊

$ 0.00
3 years ago

Make only good and God do the rest eka nga nila. Wow napabilib mo ako sa kwento mo naway maging aral ito sa mga taong makakabasa ng iyung talambuhay, mabuhay ka kaibigan. 8:18PM_8.7.21

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat po sir.😊

$ 0.00
3 years ago

Dili gyud lalim mangita og kwarta para mabuhi, maka proud kaayo te ❣️ kasambahay sad akoang mama sauna.

$ 0.00
3 years ago

Mao gyud sis. Kinahanglan gyud mukayod. Salamat 。◕‿◕。 Maayo kay ning-undang na imong mama sis. Dili man gud lalim magpamaid. Kapoy kaayu.

$ 0.00
3 years ago

Walang dapat ikahiya sis sa isang marangal na trabaho..Bless you always and stay safe as always.. my grandmother worked also as kasambahay to support her children

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis. Kaw din ingat palagi.(•‿•)

$ 0.00
3 years ago

Wow, makaproud. Look at you now! 💛

$ 0.00
3 years ago

Salamat ma'am. Kinahanglan lagi maningkamot ma'am para mabuhi.😁

$ 0.00
3 years ago

Yes maamsh, padajun ra. From rugs to riches

$ 0.00
3 years ago

You're always welcome ate.. Nalungkot ako ate na feel nako imung ka sad samtang ga byahe pa Manila ganun din ako first time ko magtrabaho.. Bitaw ate sakto gyud anong klaseng trabaho basta marangal ay dapat ikakaproud.. I'm really proud of you ate..❤️

$ 0.00
3 years ago

Mingaw kaayo lang no? Labi na ug first time nimo malayo sa pamilya. Salamat lang🥰

$ 0.00
3 years ago

Gyud ate sobra kaayo murag mag cge nalang ka hilak kada oras... You're always welcome ate..❤️

$ 0.00
3 years ago

You are not alone naging kasambahay din naman ako, kaso nga lang di ako nagtagal bata pa kasi ako non wla pa sa huwisyo magtrabaho, kaya pina alis ako hahaha nag apply na lang ako sales lady 😂

$ 0.00
3 years ago

6 months lang din po ako naging kasambahay. Grinab ko po kasi ang offer ng kuya ko na pag-aralin ako. Kaso hindi naging maganda ang buhay ko doon kaya nagstop ako. Pumasok din po ako bilang sales lady noon.😁

$ 0.00
3 years ago

Haha same pala tayo hirap nang buhay kaloka.. naka graduate ka ba? Ako undergrad eh, di na nakayanan puro pagsubok lang hahaha

$ 0.00
3 years ago

Sobrang hirap nga po eh. Kailangan talaga kumayod. Yes po, nakapagtapos po ako ng college. Nakakuha po kasi ako ng scholarship kaya pinush ko po talaga.😁

$ 0.00
3 years ago

Galing nmn congratulations! Hehe. Ako kasi hirap kahit makakuha man scholarship wala kasi ako tirahan, nomadic kasi ako dati haha

$ 0.00
3 years ago

Salamat po.(•‿•) Okay lang po yun kung hindi ka man nakatapos. Ang important marami ka naman pong natutunan sa buhay.

$ 0.00
3 years ago