Isa lamang akong tahimik na tao. Kapag sinabi kong tahimik ay hindi ako mahilig mangialam ng buhay ng ibang tao. May mga panahong madaldal ako sa mga taong kapalagayan ko ng loob ngunit ang aking pakikipagdaldalan ay hindi umiikot sa pangingialam sa buhay ng iba. Oo alam ko hindi maiiwasan na minsan pag usapan yung buhay ng iba. Sabi nga nila likas na daw sa tao yun pero sana kung pag uusapan man nating yung buhay ng iba ay hindi lamang puro negatibo at panghuhusga yung gagawin natin. Oo tama, minsan kasi kapag isa ka sa myembro ng mga tropa ni Aling Marites ay wala naman talagang dulot yung bunganga mo kundi puro puna sa kapwa mo kahit wala namang ginagawa sayo yung taong kinukwento mo. Yung feeling mo na alam mo lahat ng bagay, yung pwede kang manghusga na walang katapusan at kahit minsan hindi mo maririnig yung positibong komento sa kanila. Kahit yung tao nagsusumikap hihilahin padin nila pababa.
Bakit ng aba ko humantong sa ganitong artikulo? Nakikinig kasi ako ng mga nagbabagang balita ngayon. Oo, tama ang pagkakabasa mo. Hindi ako nanunuod ng balita sa telebisyon pero rinig na rinig ko yung mga nagbabagang balita sa mga bunganga ng mga chismosa dito samin na pinangungunahan ng nanay ko. Sa totoo lang araw araw ko nalang silang naririnig at nakakairita din sa pandinig na wala silang ibang ginawa kundi pag usapan buhay ng iba. Yung tipong binabahay bahay nila yung chismis. Kunwari yung topic nila e yung isang bahay tapos sunod sa kapitbahay naman hanggang mapag usapan na nila yung buong purok naming. Minsan nga gusto ko na din silang irealtalk. Bakit hindi nila pagtuunan ng pansin kung paano uunlad pamumuhay nila hindi yong puro sila chismis.
Kahapon nasagot ko yung isang chismosa. Kasi naman iritang irita nako e. Edi tungkol ito sa doon sa pina fifill upan nyang tag sheet na pinipilit nya kami sumulat. Nabanggit ko na yata ito noon sa noise e. Sumulat naman ako sa tag sheet kahit hindi ko naman kilala kung sino yung kandidato na magbibigay ng suhol samin. Oo, suhol yon haha. Tagal pa ng eleksyon pero may paganon na sila. Edi sumulat ako don, sinama ko na din pati buong pamilya naming kasi sa totoo lang kahit naman isulat ko buong pamilya ko dun e kami padin naman masusunod sa botohan.
Pagkatapos ko isulat yon sabi ng kapitbahay naming ay pupunta sya sa mga kamag anak namin para ipalista din sila pero pagkatapos nyang pumunta nalaman nya na sa kalaban pala nung may ari nagpalista yung mga tita ko at ayun nag umpisa na silang pagchismisan tita ko. Hindi ko na sasabihin kung ano kasi nanay ni Molivs yon haha pero sanay nadin naman sila sa ganyan. Wala ng bago sa chismis dito sa amin lalo sa nanay ko. Medyo naiirita na talaga ko kaya nasagot ko na yung kapitbahay naming at sabi ko. “ eh bakit ba pati desisyon nila pinakikialaman nyo? Choice nila yun. E bakit hindi nyo hayaan”. Hindi nakakibo yung kapitbahay namin tapos umalis na din ako.
Mga bandang hapon nagkumpulan na naman sila at syempre narirnig ko dahil nasal abas kami nagmimirienda. Ang topic naman nila ay tungkol don sa kalapitbahay namin na nagtayo ng maliit na ukay ukay business. Alam mo yong feeling na imbes na mainspire ka kasi nagtayo sila na maliit na negosyo o kaya naman maging masaya nalang sila para doon sa nagtayo ng negosyo. Alam nyo komento nila? “ Naku malulugi din yan. Madami ng ukay ngayon , sino pa bibili sa kanila. Kamahal ng bayad sa pwesto wala din silang kikitain nyan. “ and I was like, seriously? Haha. Natatawa nalang asawa ko habang nakikinig tapos sabi ko sa asawa ko “ buti nga sila nagsusumikap , e kayo ano ganap nyo sa buhay nyo. “
Tapos lumipat na naman sila ng target. Yung topic naman nila e yung single mother na tiga dito samin. So si single mother kasi nakahanap na ng trabaho , bale nagtatrabaho na sya sa Manila bilang isang sales representatitve sa tindahan ng cellphone sa isang mall. Yung imbis na matuwa sila kasi may trabaho yung bata at masusuportahan ang anak nito. Ang sabi pa nila “ naku , maliit lang sweldo non. Hindi naman nakatapos yung ng high school e. magkano lang ba sweldo ng tindera ngayon without knowing na yung pinagtatrabahuhan ng bata e minimum wage at may mga incentives pa.
Oh dyivah ? nasa loob lang ako ng bahay pero ang dami kong nasasagap na balita haha. Hindi naman ako masaya ng naririnig mga ito at hindi naman ako interesado. Mas interesado kasi ako kung paano paunlarin yung buhay namin. Pwede naman magkwentuhan tungkol sa ibang bagay e. Pwede naman pag usapan yung mga issue sa lipunan katulad ng pagtakbo bilang president ni Rastaman, the half human half zombie , the hapini infinity, ganon. Mas goodvibes pa yon kesa pag usapan buhay ng ibang tao e.
Kayo ? Ano kwentong Aling Marites nyo?
daming ganyang marites dito samin, nakuuu HAHAHAH pero Rastaman for president parin! Ghost rider at may third eye sa pisngi BWAHAH