Kaya sa araw ding iyon ay tinapos ko na.

30 40
Avatar for Yen
Written by
3 years ago

Sariwa padin yung mga alaala noong iniwan kita noon. Alam mo yung pakiramdam na kailangan kong lumayo dahil yun ang nararapat kong gawin? Yung pilit nilang sinisiksik sa utak ko na hindi sapat yung pagmamahal para bumuo ng isang masayang relasyon. Nagdesisyon akong lumayo dahil sa mga bagay na bumabagabag sa isip ko. Mga bagay na hindi ko alam kung paano ko nga ba mabibigyan ng kasagutan dahil ang atensyon ko ay na sa iyo.

Matagal kong pinag isipan yung mga bagay bagay. Kung ano nga ba ang kahihinatnan ng isang relasyon na puno ng pagmamahal ngunit sa likod nito ay isang senaryo ng puno ng bakit at pangamba. Matagal kong pinag isipan kung tatapusin ko nga ba yung relasyon sa isang babae na wala naman ibang ginawa kundi mahalin lamang ako. Hindi magkatugma yung ipinakikita ko sayo sa twing magkasama tayo at yung nilalaman ng isip ko. Oo alam ko hindi kita dapat ganito itrato. Nararapat na ituring ka ng tama at hindi paglihiman ng kahit ano pa man. Kaya sa araw ding iyon at tinapos ko na. Tinapos ko na ng wala man lang akong binibigay na magandang dahilan.

Alam kong masakit at patuloy na magiging masakit pero mas ninais kong masaktan kana ngayon kaysa bigyan ka ng pag asa na tayo padin sa susunod pang mga taon. Masakit para sa akin na tingnan kang lumuluha bago ako lumisan. Isang mahigpit na yakap ang nagmistulang pamamaalam. Isang yakap na ninuot ko ng sobra dahil alam kong ito na yung huling dampi ng katawan ko sa taong minamahal ko.

Mistula akong manhid habang nilalakbay yung mga taon para lamang hindi ko maramdaman yung pangungulila ko sayo. Itinuon ang oras at isip sa mga bagay na dapat kong gawin ngunit sa pagsapit ng hating gabi larawan mo padin ang pumupukaw sa akin. Kumusta kana kaya? Ilang taon nadin simula noong huli tayong nagkita. Yung huling pagkikita na hindi ko na nais pang balikan ngunit paulit ulit na sinasagi ng isip at hindi ko naman kayang pigilan.

Hanggang sa natagpuan ko nalang yung sarili ko na tinitipa yung pangalan mo sa peysbuk ko. Magkahalo yung emosyon ko at isip ko kung pipindutin ko ba yung buton para tuluyan ng makita kung ano na nga ngayon ang buhay ng babaeng iniwan ko noon. Pagpindot ko ng pangalan mo ay bumungad sa akin ay larawan mo , larawan mo na kung saan masasabi kong sobrang laki ng pinagbago mo.

Habang tinitingnan ko ang bawat litrato , naalala ko yung mga pangarap natin noon. Nakita kita na nakapagtapos sa kursong gusto mo hawak hawak ang diploma kasama ang pamilya mo. Litrato kasama ang mga katrabaho at bagay na bagay sayo yung damit mo. Litrato ng ibat ibang tanawin pati ng mga pagkain. At naalala kong muli ang mga pangarap natin.

Alam mo ba na isang ganap nakong inhinyero sa ibang bansa? At natupad ko nadin yung mga pangarap na dapat sana sabay nating tutuparin. Mali yata , tinupad naman nating pareho pero hindi na nga Lang tayo magkasama. Masaya ako na makita kung ano ang narating mo ngayon ngunit ikaw kaya? Minsan kaya sumagi man Lang sa isip mo kung kumusta na ako? Siguro maaring hindi dahil sa sakit na dinulot ko sayo.

Gusto kong kumustahin ka pero alam ko hindi na ito nararapat. Pero may kung ano man na nagtutulak sakin na pindutin ko yung seksyon ng mensahe at magtipa ng salita ng pangangamusta. At iyon ang ginawa ko. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari , kung may mapapala paba ako o kung tuluyan mo nakong nilimot. Pero kahit pa man gusto ko lamang magkaroon ng linaw ang lahat. Ang lakas ng loob kong magbanggit na salitang kalinawan sa kabila ng katotohanang ako naman talaga yung nang iwan. Pero ito yung totoo. May dahilan kung bakit kita iniwan noon.

Mga dahilan na hindi ko alam kung katanggap tanggap ba pero mas ninais kong gawin para sa ikabubuti nating dalawa at alam kong tama ang naging desisyon ko, nagtagumpay tayong dalawa. Pero sa kabila ng tagumpay alam kong may kulang pa at ito yung gusto kong balikan.

--

Huling araw ng buwan ng wika kaya nais kong tapusin ito ng paglilimbag na artikulong nasusulat sa aming sariling wika. Ito yung ikalawang yugto nung sinulat ko nung nakaraang araw.

12
$ 8.58
$ 8.31 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Eybyoung
$ 0.05 from @Jane
+ 5
Sponsors of Yen
empty
empty
empty
Avatar for Yen
Written by
3 years ago

Comments

Bat naiiyak ako habang binabasa to? 😭 Sana masilayan ko ulit sya kahit sa fb man lang. Kaso wala eh binlock ako hahaha. Ang daming pangarap namin nun eh pero di ko alam kung anong nangyari. Gumising nalang ako isang araw na iniwan nya na ako sa ere 😭

$ 0.02
3 years ago

Grabe yung lalim at yung storya! πŸ’― Parang feel na feel ko rin 'to kasi ganyan din yung thoughts ko noon, Ate.

$ 0.00
3 years ago

Haru. Medyo fiction Yan na may halong reality hehe

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Naku, parang reality ate hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Ang galing ,ang lalim ng mga salitaπŸ‘

$ 0.00
3 years ago

Tila nawala na ang aking mga nalalaman sa wikang Pilipino at hindi ko na mawari ang aking sasabihin. πŸ˜… Batid kong punung-puno ng paghahangad at panghihinayang ang isinulat mong ito, pero hihintayin ko ang karugtong upang tuluyang maliwanagan ang aking isipan at kung tama ang aking iniisip ukol dito.. 😊

$ 0.00
3 years ago

King akinh susumahi'y wari ko'y may kadugtong pa aring kwento na to. O baka binibigay mo na samin ang opurtunidad na mag lapat ng sariling naming wakas para dito. Ang naiisip kong dahilan bakit kailangan nyang bumitaw ay dahil sa pareho pa silang bata bata at mas gusto niyang mag focus sya at sya ulit sa pag aaral para makamomit ang nais nila sa buhay?

$ 0.00
3 years ago

May part 3 pa madam pero iniisip ko pa Yung dahilan hahahaha .

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Hala miss yen parang nakaraan ko to. πŸ₯Ί Feel ko lahat dito. Pwede ko ba to e share? I mean yung link ng article mo?

$ 0.00
3 years ago

Sigi lang hehe

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

" Kung ano nga ba ang kahihinatnan ng isang relasyon na puno ng pagmamahal ngunit sa likod nito ay isang senaryo ng puno ng bakit at pangamba."

Puno ako ng bakit sa mga bagay na hindi ako sigurado, lagi rin ako nangangamba dahil satakot nanararamdaman..diko alam, alam ko lang natatakot ako

$ 0.00
3 years ago

Ganon siguro talaga minsan kapag madaming bumabagabag

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Ang katotohanan hindi ko kayang tignan sa facebook ang litrato ng minsan kung minahal haha basta kahit naka move-on na may something na hindi ko kaya i feel eh kaya blocked nalang siguro hehe, yeah ibaling nalang sa mas may katuturan upang paghilumin ang pusong sugatan LOL

$ 0.00
3 years ago

Hala haha . Bakit Naman? Update Lang ganern πŸ˜‚

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

grabe ang lalim ng mga salita.. pag tipa... paglilimbag LOL

$ 0.00
3 years ago

Para buwan na buwan ng wika hahaha

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

ahahahaha wala ako entry para sa buwan ng wika natulog ata ako buong august eh LOL

$ 0.00
3 years ago

Buti naman.kc nkaka nosebleed ang tagalog 🀣

$ 0.00
3 years ago

Diko gets πŸ˜‚

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

patapos na yung august pero hanggang ngayon wala parin akong entry para sa buwan ng wika hahaha mas nahihirapan ako sa tagalog eh HAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Bakit sis?

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Parang may naalala ako dito momshie, hehehe

$ 0.00
3 years ago

Naku ano na naman naalala mo hahahaha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Yun kwento mo sa akin nooh heheh

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha. Ewan ko ba mommy bakit parang doon din ako humantong hahaha. Fiction Lang to pero parang may halong realidad na πŸ˜‚

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

First stanza pa lang eh, parang, wait parang alam ko to, heheheh..

Better na ilabas mo na yan kesa nakatago lang yan eh maaalala mo lang lage..

$ 0.00
3 years ago

It's a matter of acceptance Lang naman mommy haha. Ganon talaga ang buhay πŸ˜‚

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Yes yes, hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Galing iba talaga pag tagalog sulat parang ang lalim nakakalunod haha

$ 0.00
3 years ago

Tuyot na utak ko sa English πŸ˜‚

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago