It stucked!
PUBLISHED: MAY 21, 2022 TIME: 11:00 AM PST ARTICLE: 114
These past few days, medyo ramdam ko talaga na hinahamon ako ng tadhana eh. Yun bang parang trip na trip akong bina-badtrip? And I was like, "Pwede ba? wag ngayong birth month ko?" Kaso aun eh, first week pa lang ng May eh masyado na kong inii-stress. Una, bagsak crypto tapos dagdag mo pa mga gawain sa school na ayaw magpa lagpas. Gigil din ako sa ibang prof kasi jusme kung sino pang mga minor, sila pa ang lakas magpagawa ng madaming madami. Tapos ung majors, hay nako panay absent lang. Parang gusto ko na lang tuloy mag ROTC.
IBALIK ANG MANDATORY ROTC!
So heto ang bagong chika na kinaiinisan ko simula hapon nitong Thursday. Ang tagal ko kasing inantay tong pagbabalik ng instapay sa coins.ph tapos pagka send ko nitong umokey na, na-weird-uhan ako dahil bakit parang ang tagal dumating sa GCASH ko nung fund na sinend ko. So dahil reporting day ko din at kinakabahan ako, inaliw ko muna ang isip ko sa Fb at Tiktok. So edi ayun na, natapos reporting ko ng hapon and upon checking, jusko mga mars antagal at naghihingalo na ung nasa GCASH wallet ko na 161.00 pesos. So dahil ilang oras na at di ko pa din natatanggap, medyo kinabahan na ko mga vakla, as in kabado bente ganoyn. So since wala naman akong mapapala kapag maglulupasay ako, dinaan ko na lang sa pag chat sa support ni coins.ph kaso ending bot lang ata itong kausap ko.
Since no choice na ko, nagsimula na ko ma-stress mga ses. As in magkano kasi ung fund na sinend ko tapos babardagulin pa ko nitong wallet na to. Ito kasi nakakasad, Pang handa ko to sa birthday ko eh. Well matagal pa naman pero sana maayos na. Nababasa ko kasi sa FB na ung iba ilang days bago dumating so ano gagawin ko? Dasal na lang ba ko sa Birthday ko?
Anyways, so ayun nga, habang nagbe-breakdown ako dito sa fund na di pa din masend-send sa wallet ko sa GCASH eh ini-spoiled ko na lang muna sarili ko. Milktea, anyone?
Singit ko na lang din ang nagpapahuba ng sama ng loob ko. So masarap sya mga cyst, murayta lang din talaga kaya if mapapansin nyo is panay ako post ng ganito sa noise.cash at akala ata pang shala to. Pero seriously, masarap to jusko mapapa bili kayo ilang beses kada linggo. Alam ko lumalaki franchise nito so tandaan nyo lang, pinaka murang milktea, Bigbrew. Bale, itong drink ko na ito is Dark Choco with extra creamcheese and extra pearls and 0% sugar. Imagine gaano to ka-yummy mga besh. Paano ba naman, uanang higop mo pa lang nanununtok na yung pearls, creamcheese at yung flavor nito. Yes, legit yung pagka Dark Choco niya. Advice ko lang kapag gusto niyo ng mga ganitong milktea, 0 percent niyo na lang ang sugar kasi super tamis na talaga nito at para mas maramdaman nyo ung flavors kesa sa asukal diba?
Anyways, balik tayo sa GCASH.
As of 12:40 am, ayan ganyan pa din sya, na-stuck na somewhere out there at di ko alam kelan dadating. Well sana naman maging okay to kasi di ako makakatulog nito maayos eh. Gusto ko lang naman ng masarap na birthday party. Charrr, joke lang. Pero jusme, any amount of money pag nawala eh nakaka- frustate diba? Hirap kitain kaya nito. Anyways, for now let's hope na ma-fix na ito agad at wag na paabutin ng ilang araw kasi hirap po at di naman ma-aanticipate yung gantong kamalasan eh. Lalo na hindi naman kasama sa budget list ko yung pera na pwede mawala no.
Well sana, hopefully... Tomorrow? Sana po no okay na? Shout out GCASH and COINS.PH! Galaw po please. charrr.
Anyways, baka po may ibang makatulong sakin about sa issue na to? Feel free po to comment down below. Minsan tuloy nag da-doubt na ko sa mga ganitong wallet eh though ito talaga pinaka leading sa country namin.
Thank you for stopping by my article for today! If you still haven't read my previous articles, here are these:
okay naba sya sis? sana naman pumasok na..
tsaka ansarap basahin ung about sa milk tea.. parang gusto ko na din mag milk tea pero may bilbil is waving... tama na daw ang sugar hahahaha