Happenings on last Friday the 13th

9 63

PUBLISHED: MAY 15, 2022 TIME: 11:13 PM PST ARTICLE: 109

So maayos naman ako nagising ng araw na to. Nalaman ko na lang nga na friday the 13th pala noong nag chat lang sakin ung partner ko tapos nakita ko sa Fb then dito naman sa noise.cash. Actually di naman ako naniniwala jan. Paano ba naman, parang halos araw-araw na din yata akong minamalas. Up to now talaga eh nadi-disappoint ako sa sarili ko about doon sa token na Luna. As in talaga di ako maka move on. Parang binagsakan ako ng kamalasan biglaan. Nag breakdown talaga ako mga ses. Paano, bloodbath din pati ung ibang asset. So double kill ang inday ninyo. Well alam ko naman na mas marami din dito ang madaming stress sa buhay kaya pinipilit ko na lang i-motivate itong sarili ko. There are time pa nga na maiiyak ako pero mamaya tatawanan ko na lang.

Ps: di ako baliw ha.

Going back dito sa araw na to, friday the 13th, well wala naman akong balak lumabas at pumunta kung saan saan nyan. Pero after ko kumain ng lunch, nagpalibre ate ko ng milktea. So besh, mura lang itong milktea-han samin kaya nilakad ko na lang. So unang nakakabanas na pangyayare is pumunta ako sa tindahan ng milktea, bumili tapos nitong magbabayad na ko, sabi ba naman eh wala daw silang barya. So kasalanan ko? Charrr. Ito ung hirap sa ibang tindahan na nauurat talaga ako. Magtatayo ng tindahan walang barya. As in di naman milyon dala ko no. So ayun, no choice kundi ako ung maghahanap kung saan magpapabarya. Isa din to sa kinaiinisan ko, ako na bumili, ako pa hahanap san ako magpapabarya para lang ibayad sakanila. Haiiist.

So after ibigay, edi ayun lakad na ko pauwi. Pag angat ko ng milkteas na dala ko, nabutas lang naman. Good thing kay ate yon. (salbahe ko talaga) Well, libre ko naman eh saka onti lang ung natapon mga 10% lang naman. Kaso isa pa sa kinaka -disappoint ko eh ung sugar level ng milktea ko. Sabi ko 0% level eh kaso unang higop ko mas matamis pa sa jowa ko. Lol.

Edi ayun na nga, since naopen ko na at tinikman, wala na kong nagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Btw, ang inorder ko is itong Dark Choco with extra pearls at creamcheese. Yeah, masarap sana kung zero level talaga ang sugar.

So ayun, masarap naman. Nakaka refresh na din ng init ng ulo ko kasi sobrang init ng time na yan. Edi ayun na, pang ilang higop ko naman wala na ko makapang yelo. As in wala talaga. So ako to, gigil na naman kasi di ako nilalamigan sa drinks ko. Since wala kaming ref now, no choice ako kundi lumabas ulit para bumili ng yelo. Edi kuha sa wallet barya sabay labas ng bahay. Pag punta ko sa mismong bilihan ng yelo, pagka abot ko ng barya eh piso lang pala un my gooodness gracious talaga. Well oo na, i judge nyo na ko pero akala ko talaga 5 pesos ung dala ko. Lesson learned: dalhin na ang wallet.

So ayun no choice kundi mag split at magtumbling pauwi. Pero dahil kakilala naman ni Papa ang nagbebenta ng ice, sinabihan ko na lang nababalikan ko at milktea na milktea na ako. Pag uwi naman, ayun hugas agad ng yelo sabay lagay sa dark choco sabay open ng computer. Edi ayun na, sarap na sarap na ko humigop. Itong pearls na to naman ginigil ako. Sino ba kasi nag luto nito at dikit dikit sila so ginawa ko, hinigop ko papuntang gitna tapos tinalikod ko ang straw, then ayun, may na higop din akong tea kaya ending dumulas sa straw at nabasa lang naman keyboard ko. Hayssst!! Kakaloka.

Anyways ako itong todo punas agad sabay pray nacsana okay lang itong laptop ko dahil jusme, sayang to mga besh. Mahal na mahal ko tong laptop na to no. Medyo di lang talaga kami bati ng araw na to.

So punta tayo sa isa pang nakakasalimuot na pangyayare sa araw na ito. Bigyan natin ng title.

"Ang bugok na itlog"

So edi ayun na, dahil sobrang busy sa araw at ilang class din inattend-an ko, gabi na ata ako natapos at gutom na gutom na. So dahil ako ang pinaka favorite na anak at laging di ako tinitirhan ng food, no choice kundi magluto. So dahil ayoko na ding lumabas, wala na ko ibang piniling ulam kundi itong 2 pc egg na nakalagay sa ref na di naman nagana. Edi ayun na, niluto ko. Bale ang plan ko dito is half boiled lang dahil yun ang pinaka paborito ko. Kaso, nitong ni-crack ko na sa mismong plato ko na may kanin na, naamoy ko agad besh and i was like.. "graviii-tehhh!!! Ang jontot talaga" Well alam nyo na siguro amoy ng bugok na egg. So dismayadong dismayado talaga ako lalo na eh huling kanin na ung kinuha ko. So dahil don, nag breakdown ulit ako. Charrr, hindi naman sa ganoon pero naasar talaga ako sa araw na to. As in gusto kong itanong kay Lord kung kasama ba ko sa malas na mga tao sa araw na yun eh.

Anyways, at the end, no choise na ko kundi pumapak muna ng mga biscuit ng anak ko at for sure na mag grocery naman ako kinabukasan. So ayun lang guys. Kayo ba? Minalas din ba kayo ngayong friday the 13th? Naniniwala ba kayo sa ganitong araw?


Thank you for stopping by my article for today! If you still haven't read my previous articles, here are these:

Lead Image by Tumgir.com

16
$ 14.09
$ 13.91 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.03 from @reanbooks
+ 5
Sponsors of Usagi
empty
empty
empty

Comments

mukhang nakajackpot ka sa friday the 13th sis.. hayz.. naku po! un pa talagang ending ang pinka worse... anyway, inis din ako dun sa mga tindahan na nagsasabing walang barya.. minsan pag sinasabi kong 2 nalng order ko meron na agad silang barya..kalerkey

$ 0.00
2 years ago

hays nako ate minalas lang talaga malala. anyways buti het buhay pa naman.

$ 0.00
2 years ago

Yun ang importante at buhay pa

$ 0.00
2 years ago

Parang walang masyadong ganap nung 13th normal day lang siya for me. Pero I am thankful na walang nangyaring masama sakin or to my fam hehe.

$ 0.00
2 years ago

favorite ka ata ni Lord?

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha sana lahat matamis juwa. Makahanap nga din ng ganyan Anong level ba dapat kasi para maka tagpo na ako? Cheretttt hahaha. Sa totoo lang din, di ako naniniwala sa friday the 13th ee. Ewan ba bast diko nga din nammalayan na may ganyan pala hahaha

$ 0.00
2 years ago

nako dadating ung sayo. baka kasi kaya wala eh lagi ka lang nasa bahay. vavaeng to talaga oh wahaha

$ 0.00
2 years ago

Friday the 13th nga pala nung nakaraan. Mag ingat daw pag lalabas at baka malasin hehe.

$ 0.00
2 years ago

Kahit sa bahay minalas ako ses eh umay sobraaa hahaha

$ 0.00
2 years ago