Scrap into Cash / May Pera sa Basura

3 89
Avatar for Timbol
Written by
4 years ago

Hi mga kaibigan, kapamilya at kapuso. Kamusta kayo ngayon sa kabila ng ating nararanasan na pandemic dulot ng covid 19 disease. Sana lahat ay masaya at may ngiti parin sa bawat labi. Alam ko na lahat tayo ay may kanya kanyang pangangailangan at bilang magulang ay kailangan natin gumawa ng paraan para maitawid natin ang ating pang araw araw na buhay. Ako bilang isang ama at padre de pamilya kasama ng aking butihing maybahay at ng aking tatlong anak ay may ibabahagi sa inyo na pwede makatulong habang tayo ay nasa ganitong sitwasyon. Ako ay pang dalawa sa labing isang magkakapatid at dahil narin sa pagsusumikap ay napagpatagumpayan ko at ng aking magulang ang aking pagaaral ngunit sa sa kabila parin noon ay hindi naging madali para sa aking ang magkaroon ng magandang kinabukasan. Marami narin akong napasukan na hanapbuhay ngunit hindi parin sapat kaya humanap ako ng alternatibo para may pandagdag sa aking pangailangan. Habang dumadaan ang panahon at akoy nagkaroon ng sarili kong pamilya ay doon ko nalaman na higit pa lang dapat doblehin ang pagsusumikap para kahit papano ay maiba ang takbo ng aming buhay. Habang akoy nagtatrabaho bilang Call Center Agent dito sa aming probinsya ay marami akong nakikitang mga mangangalakal ng basura, puno ang kanilang sasakyan motor ng ibat-ibang klaseng kalakal. May bakal, plastic, bote, yero at kung ano ano pa. Naisip ko na sundan ang isa sa kanila habang papunta sa isang junkshop at dun ko nakita na kung paano at magkano ang kanilang kita sa isang araw nilang pangangalakal. Ang tanong ko agad sa kanila ay magkano ang iyong kinita sa kalakal na iyong dala. di ko lubos na maisip na mas malaki pa pala ang kta nila sa loob lang ng mahigit kalahating araw ay kumita na sila ng halagang P2,700.00 higit pa. Nasabi ko na lang na mas malaki pa ang kita ng mangangalakal ng basura kesa sa aking empleyado ng isang sikat na BPO company. Dahil sa aking nasaksihan ay dun ako nakapagisip na subukan ang ganun hanapbuhay bilang alternatibo ko sa trabaho kapag ako ay day off ng 2 araw. Nagtanong tanong sa junkshop kung magkano ang bilihan at kung ano anong klase ba ng kalakal ang dapat lang ibenta. Sa umpisa ay nalilito pa dahil may ibat-ibang klase ng bakal, plastic, bote at kung ano ano pa. At sa unang pagkakataon ay ang una kong kalakal o basura ay galing sa aking bahay, sa bahay ng aking biyenan at sa mga gamit na hindi na kailangan ng aking mga kapitbahay. Ayos na at nadala na sa junkshop at dun ko nakita na may halaga pala ang basura na pwede palitan ng pera. Pagkatapos ay sinama ko na sa schedule ko ang pamimili ng scrap o kalakal kasabay ng aking trabaho bilang agent. Pero dahil na rin sa oras at kondisyon ng trabaho ay napilitan akong magresign para na rin sa aking kalusugan. Nag fulltime na ako bilang isang scrap buyer o mangangalakal ng basura. Sa ngayon ay magkatulong kami ng aking asawa sa ganitong klase ng hanapbuhay at ito ay sadyang nakakatulong sa aming pangangailangan at sa pagaaral ng aking mga anak. Bilang kaibigan, kug may mga junk items kayo na hindi ninyo na kailangan ay pwede ninyo ito pagkakitaan tulad ng mga bote, sirang appliances, unused or defective equipment ay pwede ninyo itong ipalit o ibenta sa junkshop para maging pera. Sa sitwasyon natin ngayon na marami ang nagsasara ng kumpanya ay hindi natin masigurado ang ating pagkakakitaan. Kaya habang maaga ay magisip na ng pwede nating pagkakakitaan. Tara mag junkshop business na. Ako si Timbol, College Graduate Noon, Junkshop Boy Ngayon.

5
$ 0.00
Sponsors of Timbol
empty
empty
empty
Avatar for Timbol
Written by
4 years ago

Comments

totoo ang sinasabi nila na may pera sa basura. Pero hindi lahat ng tao ay naniniwala dito at ang iba naman ang nauunahan na ng hiya kahit na alam naman nila na marangal na hanap buhay ito. Pero sa panahon ngayon wala kang dapat ikahiya kahit ano pa ang paraan mo basta alam mong mabuti at marangal ito.

$ 0.00
4 years ago

tama. sa panahon natin ngayon. we need to find way to survive for our family need.

$ 0.00
4 years ago

May pera talaga sa basura pero kailangan na doble ingat ngayon ang mga ganito ang trabaho dahilhindi nila alam kung ang mga basurang ito ay kontaminado lalo na ngayon na di talaga natin alam kung sino ba ang may virus o wala.

By the way, nagsubscribe na po pala ako sa inyong account. Sana po ay ganun rin po kayo sa akin para makapagcomment tayo sa articles ng isa't isa :).

Kung hindi pa po kayo nakapagcomment https://read.cash/@Jim/for-newbies-360d192c dito sa link na to, pakisagutan naman po yung tanong. Maraming salamat po :)

$ 0.00
User's avatar Jim
4 years ago

Ako saludo ako sa isang katulad mo sir ,ako din naranasan ko Ang trabahong Yan masaya,maluwag sa pakiramdam dahil hawak mo Ang oras mo walang mag mamando Kung ano Ang gagawin mo,walang makikialam sayo Kung kailan ka hihinto sa ginagawa mo,Hindi ko ininda Ang sinasabi Ng iba,Ang NASA isip ko Lang ay Hindi kumalam Ang aking sikmura.Ang mahalaga sa akin Ng mga panahong akoy nawalay sa aking mga magulang at nawalan Ng trabaho Ang pasukin Ang lahat na pwedeng pagkakitaan di lang ako makagawa Ng masama Yun Ang mahalaga para sa akin,may pera sa basura dahil lahat Ng kalakal mo na nakuha ay pera,pag ibininta mo na sya,

$ 0.00
4 years ago