GCQ Again..?
Magandang araw mga Kaibigan. Araw ng Biyernes at Huling araw ng Hulyo. Happy Eid sa Ating mga Kapatid na Muslim sa Buong Mundo. Habang akoy nagaayos at naglilinis ng aking mga kalakal ay nakikinig ako ng balita tungkol sa ating sitwasyon dala ng covid pandemic. Ayon sa sinabi ng Pangulo ng Pilipinas na muli na naman sasailalim sa GCQ ang ilang probinsya kasama na ang Batangas dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng covid19. Sinabi niya rin na may vaccine ngunit hindi pa ito maipamahagi dahil sa kailangan pa ng masusing pagaaral na manggagaling sa mga eksperto sa Pilipinas kaya ang hiling niya ay sumunod sa lahat ng utos tulad ng wear facemask at social distancing. Bilang padre de pamilya ay naisip ko ulit ang pagkukunan ng kabuhayan dahil sa alam ko na maghigpit na ulit sa lansangan at sa katulad kong sa Basura lang naasa ay napapaisip na lang akong talaga na Sobra na Bang Masama ang Tao kaya patuloy tayong pinaparusahan..Akoy umaasa na lang na lahat tayo ay makabalik na sa normal nating buhay. At sa Biyayang Kaloob ng Poong MayKapal na lahat ay maging maayos at masaya ang buhay.
Happy lang...
Good evening guys eto na ulit tayo ang kaibigan nyo sa basura ♡ timbol ♡. Natapos na naman ang isang araw na pakipagsapalaran upang maitawid ang ating pangangailangan. Salamat sa ating mga kaibigan na walang sawang tumutulong at nagbibigay ng kalakal nilang basura..Pagod, pawis at gutom ang naranasan ngunit sulit naman para sa pamilya. May bigas at pang ulam na. Sa gitna ng pandemya ngayon, huwag ng maging choozy. Ayos na ang pritong isdang galungong at may adobong kangkong. Masustansya na, Mura pa..Kaya enjoy lang..Happy lang. Ikaw ano ang kwento mo?
#collegegraduatenoonjunkshopboyngayon.
please subscribe then like and vice versa..
Newbie here. I try to transfer my BCH to my Coins.Ph App then its already process but i cannot see the BCH amount in my Coins App. Anyone here to help me. Thanks in advance.
Basura sa Gitna ng Pandemya
Good evening po sa lahat at naway nasa mabuti tayong kalagayan. Muli naman tayong nasa paghihintay kung kailan ba matatapos ang ganitong karanasan at umaasa na ito'y mawala ng lubusan upang tayo at ating pamilya ay maka pagsimula tungo sa magandang kinabukasan. Akoy ulit ito ang inyong kaibigan, masayang magkwento ng aking karanasan. Sa aking pagiikot sa pangangalakal. Ako'y takot din baka mahawaan, ngunit kung iisipin ang laman ng tiyan, siguradong dobleng ingat ang aking pag-aaralan. Sabi nga ng aking biyenan, huwag pupunta sa lugar na may kalaban para narin sa aking kapakanan at sa lahat ng taong aking iniingatan. Salamat po ang tugon ko naman at ako'y sumusunod sa batas ng lansangan. Hindi ako papayag na madapuan, kayat ang aking gawa sa simula't simula pa. Alamin ang lugar ng may kalaban upang makaiwas sa kapahamakan. Salamat sa panahon at magandang pagkakataon. May mga taong lubos kong tumulong. Kalakal nila'y iaabot at sasabihin ligtas ito at hindi ka mapapahamak dito. Hays. Sarap. Salamat po sa lahat at pasubscribe po at ganun din po ako sa inyo.
Mabuhay kayo.
#collegegraduatenoonjunkshopboyngayon
Scrap into Cash / May Pera sa Basura
Hi mga kaibigan, kapamilya at kapuso. Kamusta kayo ngayon sa kabila ng ating nararanasan na pandemic dulot ng covid 19 disease. Sana lahat ay masaya at may ngiti parin sa bawat labi. Alam ko na lahat tayo ay may kanya kanyang pangangailangan at bilang magulang ay kailangan natin gumawa ng paraan para maitawid natin ang ating pang araw araw na buhay. Ako bilang isang ama at padre de pamilya kasama ng aking butihing maybahay at ng aking tatlong anak ay may ibabahagi sa inyo na pwede makatulong habang tayo ay nasa ganitong sitwasyon. Ako ay pang dalawa sa labing isang magkakapatid at dahil narin sa pagsusumikap ay napagpatagumpayan ko at ng aking magulang ang aking pagaaral ngunit sa sa kabila parin noon ay hindi naging madali para sa aking ang magkaroon ng magandang kinabukasan. Marami narin akong napasukan na hanapbuhay ngunit hindi parin sapat kaya humanap ako ng alternatibo para may pandagdag sa aking pangailangan. Habang dumadaan ang panahon at akoy nagkaroon ng sarili kong pamilya ay doon ko nalaman na higit pa lang dapat doblehin ang pagsusumikap para kahit papano ay maiba ang takbo ng aming buhay. Habang akoy nagtatrabaho bilang Call Center Agent dito sa aming probinsya ay marami akong nakikitang mga mangangalakal ng basura, puno ang kanilang sasakyan motor ng ibat-ibang klaseng kalakal. May bakal, plastic, bote, yero at kung ano ano pa. Naisip ko na sundan ang isa sa kanila habang papunta sa isang junkshop at dun ko nakita na kung paano at magkano ang kanilang kita sa isang araw nilang pangangalakal. Ang tanong ko agad sa kanila ay magkano ang iyong kinita sa kalakal na iyong dala. di ko lubos na maisip na mas malaki pa pala ang kta nila sa loob lang ng mahigit kalahating araw ay kumita na sila ng halagang P2,700.00 higit pa. Nasabi ko na lang na mas malaki pa ang kita ng mangangalakal ng basura kesa sa aking empleyado ng isang sikat na BPO company. Dahil sa aking nasaksihan ay dun ako nakapagisip na subukan ang ganun hanapbuhay bilang alternatibo ko sa trabaho kapag ako ay day off ng 2 araw. Nagtanong tanong sa junkshop kung magkano ang bilihan at kung ano anong klase ba ng kalakal ang dapat lang ibenta. Sa umpisa ay nalilito pa dahil may ibat-ibang klase ng bakal, plastic, bote at kung ano ano pa. At sa unang pagkakataon ay ang una kong kalakal o basura ay galing sa aking bahay, sa bahay ng aking biyenan at sa mga gamit na hindi na kailangan ng aking mga kapitbahay. Ayos na at nadala na sa junkshop at dun ko nakita na may halaga pala ang basura na pwede palitan ng pera. Pagkatapos ay sinama ko na sa schedule ko ang pamimili ng scrap o kalakal kasabay ng aking trabaho bilang agent. Pero dahil na rin sa oras at kondisyon ng trabaho ay napilitan akong magresign para na rin sa aking kalusugan. Nag fulltime na ako bilang isang scrap buyer o mangangalakal ng basura. Sa ngayon ay magkatulong kami ng aking asawa sa ganitong klase ng hanapbuhay at ito ay sadyang nakakatulong sa aming pangangailangan at sa pagaaral ng aking mga anak. Bilang kaibigan, kug may mga junk items kayo na hindi ninyo na kailangan ay pwede ninyo ito pagkakitaan tulad ng mga bote, sirang appliances, unused or defective equipment ay pwede ninyo itong ipalit o ibenta sa junkshop para maging pera. Sa sitwasyon natin ngayon na marami ang nagsasara ng kumpanya ay hindi natin masigurado ang ating pagkakakitaan. Kaya habang maaga ay magisip na ng pwede nating pagkakakitaan. Tara mag junkshop business na. Ako si Timbol, College Graduate Noon, Junkshop Boy Ngayon.