Tuesday Request!
#6 (126)
Kahapon pa lang nagrerequest na ang pamangkin ko na lutuan ko daw sila ulit ng arabic bread/kuboz o yung parang wrapper ng shawarma, pero dahil na busy ako kahapon at nakiuso sa valentine's day kaya diko nagawa. Kaninang umaga nilambing ako ulit ni pamangkin na lutuan ko na daw sila kaya napa OO niya ako pero sabi ko sa meryenda time na.
Inutusan ko siyang bumili ng all purpose flour o harina dahil konti lang harina sa kusina namin, pinabili ko siya ng isang kilo dahil yung ginawa ko noong nakaraan ay kulang sa kanila. Pagdating ni pamangkin ay sinimulan ko ng gawin ang dough pero tantiya lang ako, di ako gumamit ng measuring cup. Tantiyahin niyo nalang din mas masarap pa hehe, samahan ng LOVE kapag nagluluto para mas lalong masarap ang outcome 🥰 simple lang naman mga ingredients ko at alam kong affordable lang talaga.
Ingredients:
Harina
Asukal
Asin
Mantika
Warm water
Powdered milk.
Note: tantiyahin niyo nalang, dahan dahan sa paglalagay ng tubig para dina kayo magdadagdag pa ng harina. Samahan ng LOVE ang bawat ginagawa para mas masarap sa pakiramdam kahit nakakapagod. More on sugar than salt, more milk is better para malambot at mantika narin tama lang ang ilalagay, pwede niyong tikman ang dough para alam niyo ano pa ang need niyo idagdag ayon sa panlasa niyo kasi magkakaiba naman tayo ng hilig. Kami mas like namin ang mejo matamis para kahit walang palaman ay yummy parin.
Ang sarap nitong partner ay kape! Masarap na palaman sa kuboz or arabic bread ay scrambled eggs, beans o di kaya ay sisig, shawarma style 🥰. Once natikman mo to hahanap hanapin mo lagi hehe.Masaya na ako makita silang sarap na sarap sa luto ko. Masarap kainin kasi lalo na kapag mainit pa kahit plain lang ay malasa parin. Laging tandaan na sa tuwing tayo ay naglukuto, samahan natin lagi ng kahit na konting love. Sulit na ang pagod ko kapag nakikita ko silang nakangiti at kumakain.
Thank you sa lahat ng patuloy na sumusuporta sakin, aminado akong malaki ang aking pagkakamali lately dahil dina gaanong active pero andito parin akong lagi. Napagod lang ako at nagpahinga pero never susuko sa ano manv hamon ng buhay. Magandang araw sa lahat at God bless us all insha Allah.
Until the next time be safe always!
February 15, 2022 Tuesday
Philippines: 11:PM
All photos are mine unless stated otherwise
Sending of love,
@Sweetiepie ❤❤❤
Nung naggawa ako nyang sis ginawa kong palaman century tuna na medyo maanghang🤤🤤 nakakatakam..🤤