Nakakadismaya, Nakakalungkot.
#2 (122)
Ang lahat ng expectation natin madalas ay mali, madalas failed tayo lalo na kung umaasa tayo na magiging kagaya ng dati ang lahat. Madalas masakit isipin na ang lahat lahat ng ibinigay nating tiwala ay masisira lang pala. Tiwalang ipinakita mo at ipinagmalaki pero hahantong din pala ang lahat sa ganito.
Maayos naman mga pinadala ko noon, balot na balot at safe na safe pa. Babasaging gamit ang karamihan pero walang nasira kaya highly recommended ko sila sa mga kaibigan ko. Magaganda din ang feedback ko kasi nga ok naman mga pinadala ko walang nasira. Pinagkatiwalaan ko sila kaya mula noon sa kanila na ako nagpapadala ng cargo. Nakaapat na padala ako sa kanila. Noong una 45days lang talaga dumarating na. Ngmemessage pa ang kapatid ko na meron daw ako pasurprise, sabinkonwala naman. Yon pala yong pinadala ko dumating agad na dikonpa sa kanila nasasabi na nagpadala ako pero lately grabe ang hassle, inabot ng 4months ang ipinadala ko. Nakauwi na ako at kung dipa ako nagalit dipa nila idedeliver! Ang dami nilang sinasabi na dahilan. Nagalit ako na wala na kaminpakikinabangan sa ipinadala ko kundi expired nalang ang darating samin. Nong nagalit na ako kasi ang dami na nila rason sinasabi sakin kesyo bukas, nextweek at kung ano ano na. Kaya halos magmura na ako sa galit ko kaya kinabukasan nakakapagtaka ngdeliver sila. Hawak lang pala nila, ano kaya plano nila hanggang mabulok na lahat bago ipadala? Maayos at kompleto naman binayad ko sa kanila meron pa kasamang pangmeryenda nila pero yon lang pala gagawin nila!
Halos wala na kami pinakinabangan sa mga gamit namin, maraming nabasag kahit maayos naman pagbalot ko ng bawat nilagay ko, nakapacking tape ang bawat isa ng maayos maliban sa karton ng sabon, nakabalot din ng maganda ang honey jar pero baka dahil sa sobrang tagal nila dinelever at ngbalipat lipat ng lugar kaya siguro halos nadulog ang mga laman, nasa manila kami pero ewan bakit dumating ng Cebu ang padala ko. 45days ang specific days of arrival kapag nasa NCR pero 4months na bago naihatid kung diko pa sila tinawagan at nagalit ng sobra sobra di nila idedelever.
Maayos ko naman nilagay ang mga laman, magkakahiwalay ang mga pagkain at mga sabon at iba pa pero ewan bakit naabot lahat ng sabon, diko na pinicturan ang mga damit at iba pang gamit. Iilan lang ang maayos at di nasira, nakakapanghinayang, magalit man ako at magmura eh nangyari na kaya tatahimik nalang ako kesa makasakit pa ng damdamin. Masakit kasi pinaghirapan ko ang ipinambili ko ng mga laman ng package ko pero wala akong intention na sirain o dungisan ang kung anong merong magandang reputation ang shipping company. Siguro kilatisin na lang natin ang mga pagkakatiwalaan natin next time although naiintindihan ko naman sila na siguro dahil sa bagyong Odette at lockdown kaya natagalan, ang masakit lang eh nong nalaman namin na niloloko kami. Sinabinv di makontak ang number na binigay namin eh tatlo naman ang ibinigay ko pa sa kanila then nong ihatid pa nila ang package ko kahapon sinabi na pumunta daw sa area namin kahapon eh wala daw may kilala samin edi sana tumawag sila gaya ng ginawa nila, nakontak naman kami agad eh. Pero ok na sana sa susunod maging ok na sila di man sakin pero sa ibanv nagtitiwala sa kanila kasi hindi biro kumita bilang isanv OFW, pagod, puyat at pawis ang puhunan nila upang makapagpadala nv mga bagay na aakalain nilang magpapasaya sa family nila pero madidismaya lang pala sila dahil halos wala ng pakikinabangan.
Pasensya na kung parang nagranting na ako, naglabas lang ako ng hinanakit pero wala akong intention na manira, tao lang minsan nagkakamali pero sana sa susunod dina maulit sa iba. Isipin natin ang kalagayan ng kapwa natin. Laging mag iingat ang lahat at panatilihin ang pusong mapagpakumbaba at palakaibigan. Hanggang sa muli, maraming salamat sanpatuloy na sumusuporta sakin. Pagmalain tau ng Maykapal sa lahat ng oras.
February 6, 2022 Sunday
Philippines time: 12:25 noon
All photos are mine unless stated otherwise
Sending of love,
@Sweetiepie ❤❤❤
Hala Sis nakakadismaya nga. May way ba na maiparereklamo mo sila?, at least wala ng mabibiktima.