Magandang buhay kapwa manunulat at mambabasa, kumusta ang lahat? Naway nasa mabuti tayong kalagayan at malayo sa anumang kapahamakan sa buhay. Laging tandaan na ang Diyos ay laging nasa tabi natin sa lahat ng oras, manalig lang ng buong puso at di niya tayo pababayaan Insha Allah .
Wanna flex my awesome sponsors, kindly visit them too, they are amazing
Masyadong na busy ang araw ni yaya, nagising ng 5:45am at buong araw na yon walang tulugan, wala akong pahinga sa hapon dahil may alaga akong makulit na hindi pwedeng maiwan kahit saglit lang dahil kung may mangyaring masama sa kanya ay ikakapahamak din ni yaya. Kaya kahit wala ng trabaho si yaya bawal parin magpahinga sa kwarto kasi kailangang laging may kasama si kulit. Hindi biro maging isang ofw na kasambahay lalo na kapag may alagang bata at iba pang trabaho, malaking sakripisyo ang kailangan, mahabang pasensya at matiisin. Dimo hawak ang oras mo kaya kailangan sa isang ofw ay madiskarte sa buhay.
Mahirap umasa na lang sa sasahurin natin bilang kasambahay kaya dapat maparaan tayo. Mula ng makilala ko ang noisecash at readcash ay nabago ang aking pananaw sa buhay, natuto akong gamitin sa kapaki pakinabang ang bawat oras na lumilipas. Di biro maging isang kasambahay sa dami ng trabaho kaya kailangan natin isingit ang ating pagkakakitaan. Dati kapag nakaupo ako kasama ang mga alaga ko, nauubos ang oras ko sa FB, YouTube, panonood ng Tiktok at mga larong panglibangan pero noon yon, hindi na ngayon. Ng makilala ko ang dalawang platapormang ito, readcash at noisecash ay naging mahalaga ang bawat oras ko, naging makabuluban ang bawat oras na hawak ko ang cellphone ko. Nagiging kapaki pakinabang ang aking CP ngayon!
Paano ko ba nagagawa ang readcash at noisecash sa kabila ng hectic schedules ko bilang ofw? Paano ko ba napapagsabay gampanan ang lahat ng ito? Well, kung gugustuhin naman natin ang mga bagay bagay ay maraming paraan pero kung ayaw naman natin ay maraming dahilan, ganito ko napapagsabay sabay ang aking trabaho sa readcash at noisecash.
■ Sa umaga paggising ko, kukunin ko na ang alaga kong maliit, habang pinapainom ko ito ng gatas ay isinasabay ko na din ang pagcheck sa noisecash at readcash notification ko.
■ Habang naglalaba ako at hinihintay matapos ang nilalabhan ko ay sumisilip ako sa mga comments at ngrereply, minsan kahit nglilinis ako ng banyo napapasilip na din ako.
■ Habang nag aalnusal ako ay nakakapag post parin ako s noisecash at nakakapag comment pa ganon din sa readcash.
■ Habang naglilinis ako sa kwarto ni madam ay nagagawa ko din magbasa ng pasaglit saglit sa mga articles na dumadaan sa notification ko.
■ Sa tuwing ngpapakain ako kay kulit ay ngkakaroon din ako ng oras upang mgbasa parin ng ibang articles.
■ Sa tanghali habang pinapatulog ko ang alaga ko ay ipinagpapatuloy ko ang pagbabasa ng ibang articles. Sa dami ng articles sa notification ko iniisa isa ko ang mga yon kaya diko natatapos agad agad lahat.
■ Kapag tulog na ang alaga ko ay nagpaplantsa na naman ako, kung di ako nakakapagsulat ng aticle habang ngpapatulog ako ng alaga ko sa tanghali ay isinisingit ko na lang magsulat habang ngpaplantsa ako.
■ Sa hapon ay andito na si madam sa bahay kaya dapat nakafocus sa mga bata at nakaupo lang sa sala katabi ng mga bata kaya nakakapagbasa pa ng ibang articles ng mga kapwa manunulat.
■ Sa gabi naman kapag diko natatapos ang sinusulat kong article ay tinatapos ko na lang habang nagpapatulog ako ulit ng alaga ko kaya minsan sa umaga ko nalang narereview ang article ko, dahil sa sobrang antok diko na nagagawang ereview at sa umaga ko na lang nagagawa at kinabukasan same routine parin ako hehe. Ganyan ko nagagawa ang lahat ng ito. Mahirap talaga kapag di natin hawak ang oras natin at laging naghahabol ng oras pero kinakaya parin dahil gusto ko ang mga ginagawa ko.
Kaya sa mga kapwa ko manunulat na kagaya kong ofw, mabuhay kayo dahil hindi biro ang mga sakripisyong ginagawa natin, keep it up at walang susuko, magagawa din natin ang mga nagagawa nila.
Maraming salamat sa mga nagbabasa at patuloy na sunusuporta sakin. Naway biyayaan pa kayo ng magandang buhay. Hanggang sa muli maraming salamat.
November 9, 2021 Tuesday
Kuwait time: 11:16 PM
Article #62 (9)
Lead image is mine
Sending of love,
@Sweetiepie ❤❤❤
I really admire OFWs. Nakasalamuha ko yong iba sa Hong Kong. When I get to know them, nakaka sad. I was traveling that time sa Hong Kong. I just subscribed you pala. :)