Ang lahat ng pangyayari minsan sa di inaasahang pagkakataon ay dumarating sa atin. Pero laging tandaan na ang lahat ng ito ay nakaplano na ayon sa kagustuhan ng Maykapal. May mga pagkakataong di natin inaasahan na mangyayari nalang bigla.
Kahapon pagkatapos ng online class ng mga alaga ko,pinakain ko sila ng afternoon snack. Biglang nagsabi si madam na aalis daw kami at bibisita sa bagong bahay ng pinsan nia. Ng marinig ng mga bata, nagmamadali silang kumain at excited na makipaglaro sa kanilang mga second cousin.
Abala na ang kasama ko upang bihisan ang mga alaga niya, maging ako abala na din kay kulit na bihisan at i prepare ang kanyang maliit na bag na nilagyan ko ng extra niyang damit at diaper at wipes. Pagkatapos nilang mgbihis ay pinaupo na muna sila sa sala. Inihanda ng kasama ko ang isang maliit din na bag para sa konting snacks nila at iinumin habang ako naman ay lumabas upang kunin ang order ng aking amo na sweets na dadalhin sa pinsan niya,maliban pa doon meron pang isang paper bag na dadalhin namin ngunit diko nasilip kung ano ang nilalaman.
Bago kami umalis ng bahay,dinampot ko ang dalawang maliit na bag at si kulit habang ang kasama ko naman ay dinala ang dalawang paper bag na naglalaman ng regalo na ipapasalubong ni madam sa pinsan niya at mga pamangkin at ang sweet na dadalhin din namin sa pinsan niya.
Tandang tanda ko pa na nasa bulsa ng aking uniporme ang selpon ko, ngunit dahil abala ako sa paglalagay ng dala ko sa sasakyan at sobrang kulit ng mga bata at nag aaway, diko na namalayan na nawawala na sa aking bulsa ang aking selpon. Ngunit tahimik lang ako at di nagsasalita habang hinahanap ko ang aking selpon at ngsimula narin mgpatakbo ng sasakyan si madam, medyo napalayo na kami sa bahay ng mapansin ako ni madam mula sa salamin na abala ako sa paghahanap at tinanong niya ako.
Madam: Bailyn,whar are you looking for?
Ngunit di ko sinabi ang totoo:
Me: Nothing madam.
Ngunit ang kasama ko ang sumagot at sinabi ang totoo:
Kasama ko: Madam she lost her cellphone and she dont know where, maybe its fall in the garage.
Di na nagsalita si madam at nabigla nalang kami ng bigla siyang bumalik sa garage para macheck kung doon ba talaga naiwan. Kahit nagmamadali na siya kasi late na kami umalis ng bahay pero bumalik lang siya para mawala ang aming doubts na baka nalaglag sa garage ngunit wala parin don kaya sinabi ko kay madam na ok lang at umalis na kami.
Habang nasa sasakyan kami maraming gumugulo sa isip ko, paano kung may nakapulot na ibang tao dahil open garage naman ang garage namin? Unang pumasok sa isip ko ay ang naipon kung BCH lol! Diko naisip na mas maraming mahahalaga pang laman ang selpon ko na mas mahalaga pa sa pera. Yon ay ang mga memories na nakatago sa selpon ko na di nabibili ng pera.
Dumating kami sa bahay ng pinsan ni madam at masaya ang mga batang naglalaro samantalang ako busy ang isip ko kakaisip saan ko kaya iyon naiwan? Sa kwarto kaya nong mag CR aqo? Sa kwarto kaya nong kunin ko ang bag ni kulit? O kaya sa kusina ng kunin ko ang bag ng snacks?
Dko na namamalayan ang nakakatakot na kwento ng pilipinang kasambahay na aming dinatnan sa bahay na yon. Talagang may mga among lalaki talaga na kahit gaano pa kaganda at kasexy ang kanilang asawa ay nakukuha pang magloko at tumikim ng iba. Ngunit kung meron kang takot sa Lumikha at may respeto ka sa sarili mo, di mananaig ang tawag ng laman at pera para sirain ang pagkatao mo. Yon ang nakita ko sa pilipinang yon,hindi siya ngpasilaw sa salapi at hindi nagpatalo sa tawag ng laman, pasalamat narin at kahit ganon ang amo di parin siya pinilit at kinausap lang daw kung papayag siya at ng malaman ang sinabi ng pilipina na "nagpunta siya sa kuwait upang magtrabaho at kumita sa malinis na paraan" ay tinigilan narin daw xa ng amo niyang lalaki ngunit nandon parin daw ang takot sa kanya kapag sila lang dalawa naiiwan sa bahay. Malapit narin niya matapos ang kanyang kontrata at uuwi narin daw sa araw na matapos iyon.
Pauwi nakami ng bahay. Habang nakasakay na kami sa sasakyan,hinanap namin ulit sa ilalim ng mga upuan at laking tuwa ko ng mahanap namin ang aking selpon na nakasingit sa ilalim ng inuupuan ko, mahirap makita sapagkat nakasiksik sa pinaka ilalim. Salamat sa Diyos at nahanap ko na din sa wakas. Ang laki ng kaba ko kahit di ako ngsasalita at salamat sa kasama ko na di tumigil sa kakahanap at don pa siya umupo sa backset para may oras kaming hanapin habang tumatakbo ang sasakyan dahil wala na kami oras paghanap pagdating ng bahay dahil late na kami umuwi.
Lesson:
Laging ingatan ang lahat ng mahahalaga satin maging tao man ito o bagay.
Laging bigyan ng pansin ang lahat. Maging responsable sa ating sarili.
Natutunan ko din na hindi lang pera ang mahalaga ayon sa karanasan ng isang pilipinang nakilala namin. Kung ayaw mong mapahamak,maging matapang kang sabihin ang mga bagay na ayaw mo, walang namimilit kung walang magpapapilit.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking artikulo,naway di ako nakaabala sa inyo, maraming salamat din sa mga sponsors ko at commentor, salamat sa inyo, kayo ang nagpapalakas sa akin sa tuwing gusto ko ng sumukong magsulat. Hanggang sa susunod na pagkakataon, maraming salamat.
Photos are mine
Peronal experience:
September 06, Monday
Kuwait time: 12:42 pm
(# 7)
Sending of love,
Sweetiepie ❤
...and you will also help the author collect more tips.
Nako mabuti po at nahanap niyo, wag niyo na pong ilagay sa bulsa niyo yung phone niyo next time. Keep safe po lagi ✨