Magandang buhay sa lahat, kumusta ang buong araw natin? Nakaka panibago ang ganitong sitwasyon, yung pakiramdam mo na walang sigla ang lahat para sayo. Nakaka panibago ang dating masiglang ako, ngayon ay parang nagsasawa na. Parang ang bigat ng lahat ng gawain para sakin, parang ang bagal umikot ng oras at parang sawang sawa na sa paligid na ginagalawan.
Kahit nawawalan nako ng gana, magpapasalamat parin ako sa walang sawang motivation galing saking mga sponsors. Your the reason why I'm still fighting in despite of everything.
Anyway, last saturday pa send sakin ni madam ang ticket ko pero diko na lang pinansin, nawala na yong excitement na nararamdaman ko noon mula ng palagi niya akong pinapaasa sa wala. Diko na nafe feel ang excitement sa aking puso, parang ang tingin ko nalang ay isang prank lang unless na lumipad na talaga ako in Gods will Insha Allah.
Ilang araw na niya send sakin pero parang wala parin sakin, parang wala akong na recieve na kahit ano kasi tahimik lang ako. Kanina habang nagpapakain ako sa alaga ko lumapit siya sakin at nagkukwento hanggang sabi niya sakin bukas na daw ang flight ng isa pa niyang katulong papunta dito sa Kuwait.
Madam: Tomorrow is the flight of my another nanny but she's under quarantine for 2weeks because her vaccination is SINOVAC and Kuwait dont allow it unlike Mary she take Pfizer and its dont have quarantine
(Sanayan na lang din kami sa mali maling english kaya go lang ng go hehe)
Me: ah ok madam nice to know. (At patuloy parin akong ngpapakain sa alaga ko)
Madam: do you receive the ticket I send to you last Saturday? I'm sorry if it's too late and I'm sorry too if you have to stop over to Qatar, I don't have any choice but to take that date because it's fully booked and no more available that's why I make like this way, I'm sorry.
Me: it's ok madam the important is I can go to the Philippines before 2022.
Madam: I'm so sorry for the delay, I know you were mad at us but we explained everything, hope you understand.
Me: it's ok madam I know it's in Gods plan that needs to accept no matter what.
Madam: thank you so much, anyway do you already sign up for your ONE HEALTH PASS,
Me: yes I do, thanks a lot too madam.
Dina ako masaya sa balitang aking narinig, marahil dahil ilang beses na din akong umasa. Kasalanan ko ba kung ganito na ngayon ang nararamdaman ko? Pero I need to accept all the fact that don't expect too much because it's just gonna hurt you a lot. Di man ako excited sa pag uwi ko ngayon pero naΔ£ sign up parin ako ng ONE HEALTH PASS at TRAZE ME APP.
Sana sa araw ng pasko ay maalala mo parin ako este sana makauwi na talaga ako para naman maranasan kong makapagpahinga ng tama at walang iniisip hehe. Magbabagong taon ako nito sa quarantine hotel kung nagkataon π€
Anyway pagpasensyahan niyo na muna ako ngayon, akala ko productive ang November ko pero ewan bakit laging blangko ang isip ko o baka sanhi ng broken promises ito. Maraming maraming salamat parin sa patuloy na nagbabasa, at sumusuporta sakin. I really appreciate it.
To all of my readers, commentors, liker, upvoters, sponsors and mostly THE RANDOM REWARDER thank you so much.
November 2o, 2021 Monday
Kuwait time: 11:05 PM
Article #81 (28)
All photos are mine unless stated otherwise
Sending of love,
@Sweetiepie β€πβ€
...and you will also help the author collect more tips.
Wow. Deserve mo yan sis. May plano tlga lahat ang panginoon. Alam ko mas better pa yan na perfect time ang pag uwi mo.